Chapter 13

8.6K 153 1
                                    


Naomi POV

Andito ako sa roof top ng Cruz Academy, tinatanaw ko ang mga studyanteng pumapasok. Napahawak ako sa dibdib ko, dati sabay naming tinitignan ang mga studyante pumapasok, dati sabay kaming nag tatawanan dahil sa mga kalokohang ginagawa ng mga tao na natatanaw namin mula rito. Pero, ngayon mag isa na lang ako, hindi ko na siya kasama at kasalanan ko yun.


Itong Academy na lang natitira sa akin, natitirang ala-ala na kasama ko siya. Hanggang wala pa akong 18 years old hindi ko pa makukuha ang kayamanan na meron kami. Pero, nakakakuha naman ako ng 50 thousand a month for my allowance, iba pa yung pang bayad sa mga bills namin. Walang nakakaalam ng sekreto ko, kung hindi ako lang. Sa mga perang binibigay sa akin marami akong naiipon hindi naman ako magastos at ayaw ko sayangin yung perang pinag hirapan ng magulang ko para lang sa walang kwentang bagay. May 3 years pa ako bago ko makuha ang kayamanan na meron kami.


Nag mumuni muni lang ako dito habang inaalala ang magagandang nang yare mula sa nakaraan ko nang may biglang kumalabit sa akin dahilan upang ako ay lumingon, nakangiti siya lalong sumingkit ang mga mata niya. Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko, napahawak ako dito.


"Okay ka na ba Naomi?" Nakangiting tanong niya sa akin ngunit hindi ko iyun pinansin at tinitigan lang siya, kay sarap niyang titigan. "Naomi!" Dahil doon ay napakurap ako at namula.

"Ah... ehhh ano yun?" Nahihiyang saad ko sa kanya, ramdam ko ang pamumula ng mukha ko dahil dito.

"Ikaw talaga." Sabay gulo ng buhok ko, lalong bumilis ang tibok ng puso ko. "Ang sabi ko okay ka na ba?" 

"Ahhh... Oo okay na ako." Nakayukong sabi ko sa kanya, kaya inangat niya ang mukha ko, hinawakan niya yung baba ko upang maangat ito, sabay ngiti niya.

"Kung ganun halika na." Nakangiting sabi niya parin habang hawak ang baba ko, alam ko na ang pula pula na ng mga pisngi ko.

"Saan?" Takang tanong ko sa kanya. Ano ba Naomi Shayne Bae umayos ka nga. Para kang tanga 

"Sa classroom mag bebell na kaya." Nakangiti niyang sabi, oo nga pala mag bebell na at classmate ko siya kaya kaylangan namin pumunta sa silid aralan namin. "Ano halika na?" Tumango ako bilang pag sagot sa kanya tapos hinawakan niya ang kamay ko at sabay hila sa akin. Grabe ang tibok ng puso ko habang nag lalakad kami, maraming taong nakatingin sa amin na may pag tataka dahil hawak niya ang kamay ko. Hindi ko maiwasan na mahiya dahil dito.


Nang makalapit kami sa classroom ay biglang tumigil si Jiro kaya napaangat ako ng tingin at nakita ko si Kaye na nakatingin sa amin habang nakangisi. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot dahil doon, kasama rin niya si Jerome. Sa lahat ng kabarkada ni Jiro ay iyun ang malapit kay Kaye si Jerome, may sabi sabi pa nga na patay na patay daw si Jerome kay Kaye. Wala naman talagang duda maganda siya. Ngunit hindi ang ugali, mapag panggap kasi siya.


"Kaye." Pag banggit ni Jiro sa pangalan ni Kaye, naramdaman ko na humigpit ang pag ka hawak niya sa mga kamay ko.

"Jiro..." Bulong ko sa sarili ko, alam ko na ako lang makakarinig nun. Ngumisi lang si Kaye sa akin at sabay ngiti ng napaka tamis ka Jiro. Kakaiba ka talaga Kaye.

"Yes Jiro?" Malambing na pag kasabi ni Kaye dahil dito napaangat ako ng tingin. Ano ba ang nang yayare?

"Papasok kana?" Tanong naman ni Jiro

"Oo." Nakangiti paring sabi ni Kaye.

"Sabay na tayo." Nakangiting sabi ni Jiro sabay tingin sa akin. "Okay lang naman diba Naomi?" 

"Ahh oo naman." Naiilang na sabi ko. Hindi ko talaga feel si Kaye.

"Edi okay." Sabay angkla niya sa braso ni Jiro, bale hawak ni Jiro ang kamay ko habang naka angkla sa braso niya si Kaye. Ang masasabi ko lang ang awkward.


*To be continue*

The Sweet Revenge Of A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon