Chapter 15

8.6K 154 2
                                    

Naomi POV

Nagising ako ng may luha sa mga mata, hinawakan ko ito at tinignan ko ang kamay ko na may luha. Napatingin ako sa paligid ko at nakita ko na may mga babaeng tumatawa habang nakaturo sa akin, sa likod nun nakita ko si Jerome na masama ang tingin sa akin. Ano bang problema niya? Napailing na lang ako saka tumayo nung ihahakbang ko na ang aking paa ay natisod ako. Lalong lumakas ang tawanan na naririnig ko napakuyom ako ng aking kamao.

"Yan ang bagay sayo Bitch." Sabi ng isang babae, hindi ko alam kung anong itsura niya dahil hanggang ngayon ay nakayuko parin ako. Hindi ko maiwasan na mapaluha dahil dito, bakit ganito? Bakit ganito sila?

"Stand up ugly bitch." Hindi ko ito pinakinggan. "I said stand up!" Naramdaman ko na lang na hinila niya ang buhok ko.

"Ahhh!" Malakas na daig ko pero para sa kanila isa itong awitin na napakasarap pakinggan dahil lalo sila natutuwa pag naririnig ito.

"Panget ka na nga bingi ka pa!" Sigaw niya habang sabunot parin ako.

"B... Bitawan niyo na ako." Nauutal na pakiusap ko sa kanya ngunit ngumiti lang siya at sinampal ako kaya bumagsak ulit ako sa lupa, doon na tumulo ang mga luha ko.

"Yan ang napapala ng mga panget na tulad mo!" Sabay alis niya pati ng mga alipores niya, napatingin ako sa malayo at nakita ko siya na nakangiti. Bakit? Ano ba ang kasalanan ko sayo Clark?

Akala ko sa lahat ng mag kakaibigan si Clark ang pinaka mabait dahil sa maamong mukha nito ngunit nag kamali ako dahil kung sino pa ang may maamong mukha siya pa ang nakakagawa nito. Pero ano bang kasalanan ko sa kanya? Sa kanila? Clark, Jerome, Mirko, at Kate ano bang kasalanan ko sa inyo bakit feeling ko galit na galit kayo sa akin?

Umupo ako at tinanggal ang pag kakabuhol nila sa sintas ng sapatos ko, habang ginagawa ko ito ay nakita ko na may pasa ako sa kanan na binti ko at sugat naman sa kaliwa. Napangiwi na lang ako dito, nang natanggal ko na ay tumayo ako at tumingin sa langit.

Ate karma ko po ba to?

Hindi ko maiwasan na maitanong ito sa kanya kasi kahit pilitin ko na wag sisihin ang sarili ko sa nang yare sa kanya ay bumabalik parin yung feelings na sinisisi ko parin ito. Lalo na't tuwing naalala ko siya, kung paano niya ako kamuhian dahil sa nang yare kay ate. Nag lakad na ako at pumunta sa rooftop pinilit ko itong akyatin kahit masakit dahil itong lugar na ito ay ang tanging nag papakalma sa akin. Dito ko sila madalas makasama sila mama, papa, at si ate na ngayon ay wala na. Iniwan na nila akong nag iisa.

Sila mama at papa ay namatay sa car accident noong 8 years old ako at si ate naman 16 years old, masyado pa kaming bata nun kaya napaka sakit nung nang yare. Si ate ang nag manage ng kompanya at ng C.A dahil sa murang edad napaka talino niya ay nagampanan niya ang dapat gawin niya dahil na rin sa tulong ni attorney. At sa edad ko naman na 14 years old ay namatay si ate...

Nang nasa tapat na ako ng pintuan ng rooftop ay binuksan ko ito at sumalubong sa akin ang malakas na hangin napauakap ako sa sarili ko dahil dito dumiretdiretsyo lang ako habang narating ko na ang reles ng rooftop. Napapikit ako habang nilalasap ko ang hangin na dumadapo sa aking mga balat. Ma, pa, ate miss na miss ko na kayo... Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko, ngayon ko lang naramdaman na wala na talaga sila, wala nang mag tatanggol sa akin.

"Naomi pag may nang away sayo just tell me okay?"
"Opo ate I will tell you po."
"No secrets?"
"No secrets!"
"No matter what happen Naomi, ate will always protect you and always remember ate loves you so much." And she kiss my cheecks and hug me so tight.

Ate namimiss na kita, ate may mga nam bubully nanaman sa akin ate. Ate nasasaktan na po ako. Ate bumalik kana sorry ate... Sorry. Napaiyak na lang aki ng malakas dahil sa ala alang bumalik sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko dahil dito. Habang umiiyak ako bigla na lang may yumakap sa akin.

"Naomi..." Yung boses na yun...

"Jiro." Tama siya nga si Jiro.

"Nabalitaan ko ang nang yare sa iyo pasensya na at wala ako nung mga oras na yun hindi kita naipag tanggol. I'm sorry Naomi forgive me." Naramdaman ko ang pag higpit ng yakap niya sa akin na lalong nag paiyak sa akin. "Shhhh... Stop crying Naomi." Sabay paharap niya sa akin at nag tama ang aming mga mata dahil dito ay ngumiti siya at pinahiran ang mga luha ko.

Nakatitig parin ako sa kanya, napaka gwapo talaga niya. Napaka ganda ng mga mata niya. Nakangiti parin siya sa akin at unti unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Automatic naman na napapikit ako dahil dito. Hanggang naramdaman ko ang malalambot niyang labi sa mga labi ko.

The Sweet Revenge Of A NerdWhere stories live. Discover now