Chapter 47

3.7K 70 0
                                    

Naomi POV

Hindi rin naman nag tagal ay nakarating na ako sa bahay ko,pag karating ko pumunta ako sa underground.Para salubungin ang mga bisita ko,alam ko naman na namimiss na nila ako.Pag kababa ko sa underground ng bahay ay nakita ko agad sila na nakagapos.


"Kamusta?"Walang emosyon na tanong ko sa kanila,tinignan lang nila ako ng masama."Wag niyo naman ako tignan ng ganyan.Nilipat ko na nga kayo dito sa bahay ko para makita niyo na ako araw araw.Hindi ba kayo masaya?"Sabi ko habang iniikutan ko sila.


"Pakawalan mo na kami."Madiin na sabi ni Key,nilapitan ko lang siya at hinawakan ang mukha niya.


"Ayaw mo ba ako makasama?"Malungkot na tanong ko sa kanya.


"Demonyo ka."Dahil sa sinabi niya sinampal ko siya at hinawakan ang panga niya.


"Hahahahaha!Ako demonyo!?Ano pa kayo ah?"Turo ko sa kanilang dalawa.


"Hindi kami tulad mo Shayne.Shayne nga ba or Naomi?"Maangas na sabi ni Miko sa akin kaya nginisian ko lang siya at nilapitan.


"Mas demonyo kayo alam mo bakit?Kasi pinag kakatuwaan niyo yung mga taong nanahimik.Hindi niyo kasi alam ang pwedeng mang yare sa isang tao pag pinag tritripan."Lumayo ako kunte sa kanila baka kasi di ko mapigilan ang nararamdaman ko at patayin ko agad sila."Alam ko naman na nalulungkot kayo dahil dadalawa lang kayo at alam ko miss na miss na ni Miko ang mga kaibigan niya.Dahil mabait ako may surprise ako sa inyo."Sabay palakpak ko.Pag ka palakpak ko pumasok ang mga tauhan ko hawak si Jerome.


Pilit tinatanggal ni Jerome ang pag kahawak sa kanya ng mga tauhan ko,wala rin siyang nagawa ng itali siya sa may upuan.Binigyan niya lang ako ng masamang tingin.


"Hayop ka!"Sigaw niya sa akin,"Pag ako nakawala dito papatayin kita!"Pilit niya parin tinatanggal ang pag katali sa mga kamay niya.


"Really?Kung makakawala ka!"Nakakaasar na pahayag ko sa kanya.


"Akala ko kakampi kita!"May pag ka madaldal pala itong gagong to?


"Hindi kita kakampi,wala akong kakampi."Walang emosyon na pahayag ko sa kanya."Hindi mo ba ako nakikilala Jerome?Ako lang naman yung babaeng muntik mong irape dahil sa utos ng pinakamamahal mo."Galit na sumbat ko sa kanya.


"...Na..omi?Pero hindi ko yun gagawin,trip lang yun tinatakot lang kita."Paliwanag niya sa akin.


"Trip?Ikaw kaya pag tripan ko?"Sabay kuha ko ng latigo na nasa lamesa.Dahil doon ay mas nanlaki ang mga mata niya.


"Hindi ko yun sinasadya!!!Maniwala ka!Pinag sisihan ko na yun!!"Pakiusap niya sa akin pero bingi na ako para pakinggan siya.


"Hindi ko rin to sinasadya."Sabay palo ko sa kanya ng sunod sunod.


"AHHHHHH!TAMA NA!"Sigaw niya dahil sa sakit."NAKIKIUSAP AKO!!!!"Mangiyak ngiyak na pahayag niya sa akin.


"JEROME!!"Sigaw ni Miko ang sweet pala niya.


"Pakiusap?Nung nakiusap ako na tigilan mo ako ginawa mo ba?Pinag tawanan mo pa ako!!!Nakikita mo ba tong ginawa mo sa akin!?"Sabay turo ko sa may bewang ko,"Itong yung hiniwa mo sa akin!Nakiusap ako na tigilan mo pero sinugatan mo parin ako!!!"Galit na galit na pag kasabi ko sabay hampas ulit sa kanya ng sunod sunod.


"Nakikita mo ba to Naomi?"Turo niya sa kutsilyo niya,dahil doon ay natakot ako lalo.Pinipilit ko na lumayo sa kanya pero hindi ko magawa dahil nang hihina ako."Ang kintab noh?Bagong bili ko kasi to,hindi ko pa nga natatry.Gusto mo try natin?"Nakangising sabi niya sa akin.Pero umiling lang ako,ngunit wala siyang awa dahil pinunit niya ang damit ko sa may bandang bewang,pilit ko tinatanggal ang kamay niya pero hinawakan niya ang buhok ko.Wala ako nagawa ng hiwaan niya ako ng maliit.


"Nakikiusap ako Jerome tama na masakit.Nasasaktan ako."Umiiyak na pakiusap ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin at itinuloy niya ang pag hiwa.Sumigaw lang ako dahil sa sakit,pag katapos ng ginawa niya iniwan niya ako ng duguan at nang hihina.


Bumalik sa akin yung mga ginawa niya.Iyun yungg araw na pinahiya nila ako,yung nalaman ko na pinag pustahan nila ako pinag laruan pa nila ako pag katapos.Hindi lang si Jerome ang gumawa sa akin ng ganyan lahat sila!!!


"Masakit ba!?"Tanong ko sa kanya habang sinasabunutan ko siya.


"T..ama na."Nakikiusap na sabi niya sa akin.


"Tama na?No way!Nag eenjoy pa ako.Akin na nga yung bagong biling kutsilyo!Bilis!"Agad naman itong inabot sa akin,nanlaki ang mga mata ni Jerome nung hinawakan ko ito."Ang kintab noh?Bagong bili ko kasi to,hindi ko pa nga natatry.Gusto mo itry natin?"Umiling siya tulad ng pag iling na ginawa ko sa kanya dati."Gusto mo diba?"Sabay hawak sa ulo niya at tinaas baba para ipahiwatig na gusto niya."Your wish is my command."Nakangising sabi ko sa kanya at hiniwaan ko rin siya sa mukha niya.


"ARAY!!!!!!!!!!!!"Halos tumalon siya sa upuan sa sobrang sakit.Napaiyak pa nga siya.


"Hahahahaha!!!Look at your face Jerome!It's so funny!!Hahahaha!"Tawa ako ng tawa."Alcohol nga!Nasasaktan ang bisita natin!"Binigay rin ito agad ng tauhan ko,tulad ko ang mga tauhan ko ay nag eenjoy."Hawakan mo ang ulo niya!"Utos ko sa isa sa kanila ng hawak na niya ang ulo ni Jerome ang binuhusan ko yung sinugatan ko sa mukha niya."Yan ahh ginamot pa kita."Pag ka sabi ko nun ay umalis na ako.


Kaylangan ko pa mag pahinga para sa araw na gagawin ko ang plano ko ay may lakas ako.Hindi pa ako tapos,nag uumpisa pa lang ako.Lahat ng sakit na binigay nila sa akin ibabalik ko sa kanila.


——-


Kinabukasan ay pumasok ako sa school para mapag handaan ang pageant sa Friday,kaylangan ko manalo doon.Pag pasok ko ay dumiretsyo na ako kung saan mag prapractice ang mga kalahok,syempre andoon rin si Jiro at anjan si Kate na feeling kasali dito.


Nag tuloy tuloy lang ang nang yare sa akin,naging normal lang ang lahat.Hindi ko rin binibisita sa underground ang mga alaga ko dahil may tamang panahon para doon.Hangang dumating na nga ang Friday ang pinakahihintay kong araw.





The Sweet Revenge Of A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon