Chapter 4

11.3K 212 0
                                    


Naomi POV

Nakatingin parin ako sa kanya,naka drugs ba siya?Alam ba niya mga pinag sasabi niya?Nakakaloka siya.Panget na nga ako papanget pa ako lalo dahil sa kanya isa siyang stress.

"Jiro please kung bored ka wag ako."Sabi ko at tumayo na at lumabas.Hindi ko na hinintay na mag salita siya o pigilan ako kung pipigilan niya ako.Wala na akong pake.Ang ayaw ko lang yung pag laruan ako.Pag labas ko doon bumaba na ako para pumunta sa classroom at tamang tama lang dahil malapit na mag simula ang klase,maya maya ay dumating na si Jiro pero di ko siya tinapunan ng tingin bahala siya.

Dumating ang aming guro at nag lecture siya,wala akong ginawa kundi makinig.Kaylangan ko maging top hindi lang maging isa sa mga top student pero maging first,kaya mas gusto ko mag isa ako para walang sagabal dahil alam ko balang araw ako na hahawak sa mga negosyo namin.Gusto ko maging proud sila sa akin kaya ko to ginagawa.Hangang matapos ang klase namin at nag recess na.

Bumaba na ako agad para bumili sa canteen pero sa di inaasahan pag tapak ko palang sa canteen may bumagsak sa akin na harina,napapikit ako dahil nagulat ako nang nakarecover ako dumilat ako at nakita ko siya sa malayo nakangisi.Bitch.Yan ang bagay na salita sa kanya.

"Para may kulang pa diba!?"Pasigaw na tanong niya sa mga kasamahan niya habang nakangisi parin sa akin.

"Oo nga parang may kulang."pag sang ayon ng kaibigan niya habang binabato ang itlog sa ere at sasalohin pero nang pangatlong salo niya ay binato niya yun sa akin dahil doon napapikit ako.Sobra na sila.Akala ko yun lang yun pero marami pa silang bumato sa akin.

"Stop this shit!!Fuck!!"Nangibabaw ang tinig na yun kaya sila napatigil kahit ako napatigil,kahit di ko tignan kung sino yun alam ko na kung sino siya.

"Come on Jiro nag sasaya lang kami wag kang KJ."Sabi ng isa sa kanila dahil doon napadilat ako,ito yung fun sa kanila?Kasiyahan nilang laitin ako at saktan?Mga tao pa ba sila?

"Kasiyahan?stupid.Wala akong nakikita na nakakatawa dito kung meron man yung mukha mo yun."Sabi niya doon sa babae wala akong magawa kundi tignan siya bakit niya ba to ginagawa?"Let's go."Madiin na sabi niya at hinawakan yung kamay ko at hinila ako at kung saan yun hindi ko alam.

Nakatulala lang ako habang hinihila niya ako kung saan.Bakit ba niya to ginagawa anong dahilan?Naguguluhan ako sa mga nang yayare,nakatingin lang ako sa kawalan hangang nauntog ako sa isang matigas na bagay pero yung matigas na bagay na yun niyakap ako kaya napadilat ako at nag katinginan kami.

"Why?"Wala sa sariling nasabi ko

"Because your my friend and it's my duty to protect you."Sincere na sabi niya sa akin kaya napaiyak ako sa dibdib niya."Hey stop crying."Sabi niya habang hawak niya ang mukha ko at nakatingin sa mga mata ko."Are you Hurt?"

"I'm not but I'm happy because you help me and now your here to comfort me thank you."I said

"It's okay like what I've told you it's my duty as your friend.Stop crying Naomi."Tapos pinunasan niya yung luha ko kaya napangiti ako.Oo kaibigan.Kaibigan ko siya.

"Yan ngumiti ka rin.tsk.Uwi ka na ah puro ka harina at itlog,uuwi rin ako kasi hinawaan mo ako basta simula ngayon dumikit ka lang sa akin para walang manakit sayo okay?"

"Okay."Ngiting sabi ko sa kanya siguro nga maganda nang ganito hindi naman yata ako mag sisisi sa gagawin ko dahil alam ko di niya ako sasaktan.Ang importante ngayon anjan siya at pag anjan siya pakiramdam ko protectado ako.Ang sarap pala sa pakiramdam na may kaibigan may tutulong sayo sa ganitong sitwasyon.

The Sweet Revenge Of A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon