Chapter 7

9K 195 8
                                    

Nami POV

Jiro asan kana ba?Kaylangan ko ang tulong mo.Naiiyak na ako pero wala akong pinag sisihan.Kung bibigyan ako ng pag kakataon na bumalik sa oras na yun,alam ko sa sarili ko na ganun parin ang gagawin ko.Dahil ang pag tulong sa kapwa ang pinaka magandang bagay na magagawa mo.


"Ano Naomi!?Kaya mo pa?"Sabay angat sa buhok dahilan para makita ko siya."Ano asan na si Jiro?Sa tingin mo ba ililigtas ka niya?Bored lang siya kaya ka niya pinapansin!"Sabay sampal niya sa akin,inaamin ko nasaktan ako pero hindi dahil sa sampal na ginawa niya kundi sa sinabi niya sakin.Natakot ako sa sinabi niya.Paano kung tama siya?Paano kung bored lang talaga si jiro?


Kahit anong sabunot at sampal ang gawin niya sa akin,wala akong nararamdaman dahil iisa lang ang importante sa ngayon si Jiro.Asan ka ba?Ayaw ko man maniwala sa kanya pero sa nang yayare parang tama siya.Pumikit ako at tinanggap lahat ng ginagawa niya sa akin.


"Isa pang sampal sa kanya,makikita mo ang hinahanap mo."Sabi ng isang lalaki nang dahil sa sinabi ng lalaki,natigilan yung babaeng nanampal at nanabunot sa akin.


"Ohhh..Hi Jiro?"Patanong na bati ng babae sa kanya.Tama si Jiro nga...Dumating siya,ililigtas niya ako dito.


"Don't talk to me bitch."Sabay hawi niya sa babae na dahila para ito ay matumba.Ngunit hindi niya ito tinignan dahil nasa akin lang yung tingin niya,dahil doon ay napaluha ako kasi hindi niya ako binigo.Laking gulat ko nang binuhat niya ako na parang bagong kasal.Nang dahil doon tumibok yung puso ko ng napaka bilis.Ano to?Normal lang ba to?Mga tanong sa isipan ko siguro dahil to sa nang yare kanina.


"Matoto ka kasing lumaban."Napatingin ako sa kanya dahil sa mga katagang binitawan niya,napatitig ako sa mukha niya."Paano na lang maulit yung nang yare kanina?Hindi naman sa lahat ng oras kasama mo ako.Naomi naman pinag aalala mo ako."Sinabi niya yan habang nakatingin sa dinadaanan namin.Bawat bigkas niya ng mga salitang yan ramdam ko yung care niya para sa akin.


"Jiro.."Yan lang ang tanging lumabas sa bibig ko.Wala akong ibang mahanap na salita na babagay na sagot sa mga sinabi niya sa akin.Hindi kami nag usap pag katapos nun.Hangang marating namin yung clinic.


"Nurse pa assist naman."Seryosong sabi ni Jiro sa nurse habang maingat na binababa ako.


"Miss Bae!Anong nang yare sayo?"Tarantang tanong sa akin nung nurse.


"Napag tripan lang po,wag po kayong mag aalala."Nakangiting sabi ko sa kanya.


"Nako namang bata ka!May sugat ka sa may labi tapos may mga kamrot ka sa braso,namamaga pa pisngi mo tapos yung buhok mo ang gulo!Nako kang bata ka ako mayayare sa mga——-"Hindi na natapos ng nurse ang sasabihin niya dahil hinawakan ko ang kamay niya at umiling."Pasensya po."Yan na lang ang sinabi niya tapos nilagyan ng gamot ang mga sugat ko.


"Yan okay na Miss Bae pero dito ka muna para makapag pahinga ka okay?Maiwan ko muna kayo dito,pupunta ako sa office."Sabi niya sabay labas sa clinic.


"Are you okay?"Tanong niya sa akin habang hinihimas ang noo ko dahil doon napapikit ako."Ano ba talagang nang yare?"Sunod na tanong niya.


Kwenento ko ang lahat sa kanya,kung bakit ako nag kaganito.Pinagalitan pa niya ako kasi hindi ko naman daw kaya nakisali pa daw ako.Ang sabi ko naman pag may pag kakataon na tumulong sa kapwa dapat tumulong ka.


"Wala na tayong magagawa anjan na yan.Nag kasugat kana pero sana naman Naomi lumaban ka parin." Sincere na pag kasabi niya sa akin.


"Pero Jiro ayaw ko lumaban dahil masama ang manakit.Okay lang kahit ako ang saktan nila."paliwanag ko sa kanya.


"Masyado kang mabait Naomi.I'm sorry."Masyadong malalim ang sinabi niya para bang double meaning.


"Para saan ang sorry mo?"Takang tanong ko sa kanya.


"Sorry kasi...Walang ako nung ginanon ka nila na late ako."Kabadong sabi niya ang weird.


"Okay lang at least dumating ka diba?"Nakangiting sabi ko.


Ang saya ko lang kahit ganun ang nang yare sa akin dahil napatunayan ko na may isang tao na handa akong ipag laba at ipag tanggol.Napaka saya ko dahil meron akong siya.

The Sweet Revenge Of A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon