Chapter 11

8.9K 184 6
                                    

Naomi POV

  "Wag mo sabihin yan... Cute ka, scratch that pang aso lang pala yan ang tamang sabihin sayo ay... Your beautiful... Believe me."  

 "Wag mo sabihin yan... Cute ka, scratch that pang aso lang pala yan ang tamang sabihin sayo ay... Your beautiful... Believe me." 

 "Wag mo sabihin yan... Cute ka, scratch that pang aso lang pala yan ang tamang sabihin sayo ay... Your beautiful... Believe me."  

"Your beautiful... Believe me."

"Arghhhhhhhh!" napaupo ako sa kama habang ginugulo ang buhok ko. Hindi ako makatulog dahil bwat pikit ko siya ang naalala ko. Ano ba Naomi umayos ka for pete's sake best friend ko yun. Kaya hindi talaga pwede, bukod sa matalik ko siyang kaibigan ay alam kong imposible talagang maging kami. "Hayyyy" Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko. Bago ako humiga ulit at pumikit.

~~~

"Miss Naomi okay lang po ba kayo?"

"Okay lang po ako... Sige po pasok na po ako." Tapos lumabas na ako sa sasakyan, feeling ko hinang hina ako di kasi ako nakatulog ng maayos. Alam mo yung feeling ang panget ko na nga lalo pang pumanget dahil tinubuan ako ng pimples at malaking eyebags. Nakakadiri, nakakahiya pero... Masaya ako, nababaliw na yata ako. Nakayuko lang ako habang nag lalakad, yung parang zombie na lakad. Kahit di ko nakikita alam kong pinag titinginan nila ako. Ikaw pa naman makakita ng nakapalda na mahaba na naka rubber shoes tapos long sleeve na damit at sabog na buhok na nag lalakad di ka mapapatingin o matatakot? Ako nga natatakot sa sarili ko pero wala eh, I love myself.

Mabubuhay naman ako kahit wala sila, hindi nila ako pwedeng diktahan kaya kung maari lang gusto ko lumayo sa kanila pero, lahat yun nag bago nung nakilala ko siya. Dati okay lang kahit ano sabihin nila sa akin... Ganun parin naman hanggang ngayon pero, pag naiisip ko na ganito ako nalulungkot ako kasi alam kong napakalayo namin. Nalulungkot ako... Basta masaya ako kasi may kumaibigan sa akin kahit ganito ako. Soon, they will know the real me. Specially him.

Lakad lang ako ng lakad, wala talaga ako sa wisho ko hindi ko alam kung saan ako pupun---

*Blagggggggg*

Hindi ko na natuloy yung pag lalakad ng may pumatid sa akin, nang nakasalampak na ako sa sahig ay narinig ko ang mga tawa nila, hindi ko alam pero unti unti lumalabo ang paningin ko. Hindi dahil sa nahihilo ako kundi dahil sa mga luhang nag babadyang lumabas sa aking mata.

"Yan ang bagay sayo... Hindi si Jiro." Dahil sa pangalan na yun unti unti akong tumayo kahit masakit yung tuhod ko. Unti unti kong inangat ang aking mukha at pinigilan na wag umiyak, at nakita ko sila, sila yung mga fans ni Jiro. Pero di yun ang pumukaw sa paningin ko kundi sa taong nasa malayo at nakangising nakatingin sa akin. Napayuko na lang ako dahil doon. Hindi ko na lang papansin to... Ayaw kong lumala pa to. Kaya nag lakad na lang ako pero hindi pa ako nakakalayo nang may humigit sa buhok ko.

"Bastos ka ah! Hindi pa kita tapos kausapin tatalikuran mo ako!?" Sabay tulak niya sa akin dahilan upang matanggal ang salamin ko, nag blurred ang paningin ko, dahil malabo talaga ang mata ko. Dahil masakit ang likod ko ay gumapang na lang ako papunta sa salamin ko nang nahawakan ko to ay inapakan ang paa ko. Naramdaman ko ang sakit kaya napasigaw ako.

"Ahhhhhh!" Sigaw ko dahil ramdam ko yung salamin ko ay nabasag ito sa mismong kamay ko, pag tingin ko dito ay ang raming dugo. Nanlaki ang mata ko dahil dito. I hate blood, it reminds me my past. Alam ko na nanginginig ako dahil natatakot ako, ayaw ko na mang yare ang dati. Hindi ko na namalayan na umiiyak na ako, dahil sa sakit emotional at physical.

"Yan ang nararapat sayo, alamin mo kung sino dapat nilalapitan mo. Layuan mo si Jiro di kayo bagay." 

"At sino ang bagay sa akin? Ikaw?"

"Oo"

"Pathetic."

May mga naririning pa ako pero wala na akong pake doon dahil nakatutok lang ang paningin ko sa kamay ko na dumudugo, bumabalik sa akin ang lahat lahat. Naramdaman ko na may tumayo sa akin at hinawi ang mga buhok ko na nasa mukha ko, tinitigan ako sa aking mga mata.

"Naomi"

Yan ang huli kong narinig bago ako nawalan ng malay.


~~~

"Kasalanan mo kung bakit siya nawala. Ikaw ang may kasalanan kung bakit siya namatay. Kung bakit namatay ang pinaka mamahal kong babae." Galit na galit siya sa akin, pero wala ako magawa kundi umiyak. 



The Sweet Revenge Of A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon