Chapter 3

12.8K 233 7
                                    


Naomi POV

Maaga akong nagising dahil maaga rin ako nakatulog kagabi dahil sa pagod ko.Kaya maaga rin ako nakarating dito sa school ang unti palang ng tao saan naman ako pupunta nito?Hindi naman pwede sa Library dahil sarado pa yun at mas lalo hindi pwede sa canteen dahil alam ko mamaya maya lang dadami nanaman ang tao doon kaya a big no at alam niyo ba kung saan ang bagsak ko?Saan pa ba kundi sa rooftop.

Katulad ng sinabi ni Jiro dito takot ang mga studyante dito dahil na rin sa kumakalat na balita na may multo daw dito.Nakakatawa na ang lakas nila mang bully pero takot naman sa multo mga sira talaga sila.

"Nakakatakot na ka naman ngumingiti ka mag isa."Sabi ng isang lalaki kahit hindi ko na tignan alam ko na kung sino siya.

"Edi matakot ka."Seryosong sabi ko sa kanya napatawa lang siya may nakakatawa ba sa sinabi ko?pero ang mas nakakagulat ay yung umupo siya sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Ohh bakit ang sama mo tumingin?Masama na ba umupo dito?"Natatawang sabi niya kaya napairap na lang ako kaya tumawa siya ng mas malakas may sapak yata tong tao na to.

"Hmmmmp..Hindi naman pero hindi kaba nandidiri sa akin?"Takang tanong ko at dahil doon nag seryoso ang tingin niya sa akin sabay sabi,

"Hindi.Bakit kita pandidirihan?May virus kaba?Wala naman diba?"Seryosong sabi niya sa akin napabuntong hininga na lang ako sabay tingin sa taas ang ganda talaga ng kalangitan.

"Wala pero halos lahat ng tao dito ayaw sa akin dahil nakakasura daw ako at nakakasira ng araw.Nakakatawa nga para akong outcast dito dahil sa tingin nila pag nakikita ako mamalasin sila."Nakangiting sambit ko habang nakatingin parin sa kalangitan.

"Hindi ka naman nakakadiri masyado lang sila OA dahil iba ka sa kanila,dahil na rin sa pananamit mo yun lang naman ang pag kakaiba mo sa kanila pare parehas naman kayong kumakain ng bigas.Para sa akin wala sa lugar ang kaartehan nila dito dahil unang una paaralan to."Dahil sa sinabi niya napangisi ako.

"Bakit hindi ka ba na niniwala sa kanila?Look at me ang panget ko,look meron akong makapal na salamin idagdag mo na rin yung braces ko at ang buhok ko na parang di sinusuklayan at pinaka huli ang pananamit ko panahon pa lola't lolo natin."Dahil sa mga sinabi ko tumingin rin siya sa akin kaya nakapag titigan kami.

"Look Naomi wala akong pake kung ano ang itsura mo,hindi lahat ng tao dito ay tulad ng iniisip mo katulad ko dahil para sa akin aanhin ko pa ang kagandahan at kaseksexyhan nila kung ang ugali naman nila ay napakapangit."Seryosong sabi niya

"Nasasabi mo lang yan Jiro."Sabi ko sabay iwas tingin sa kanya 

"Hindi Naomi sinasabi ko yan dahil yan ang totoo.Wag mo isara ang puso mo sa mga taong gusto maging parte ng buhay mo tulad ko."Seryosong sabi niya ulit dahil doon natigilan ako ilang saglit at tumingin ulit sa kanya ng may pag tataka sa mukha ko.

"Anong ibig mong sabihin?"Takang tanong ko sa kanya pero ngumiti lang siya at nag act na parang nasasaktan.

"Akala ko alam mo na.tsk.tsk."Iling iling na sabi niya pero nakangisi parin.

"Anong alam?"Naguguluhan talaga ako lakas ng trip niya swear.

"Na mag kaibigan tayo."Sabi niya sabay ngiti sa akin ng napakatamis dahil doon natigilan ako at nanlaki ang mata ko.

"Kaibigan?"Takang tanong ko sa kanya.

"Oo simula sa araw na to Naomi mag kaibigan na tayo at wag ka na umangal dahil kahit anong gawin mo mag kaibigan na tayo okay?"Sabi niya sabay gulo sa buhok ko na magulo naramdaman ko naman ang pag init ng pisngi ko."At simula sa araw na to Nami na ang itatawag ko sayo."Ngiting ngiting sabi niya at ako ay gulat na gulat parin sa mga nang yayare.Hindi ko alam kung paano ako mag rereact sa mga pinag sasabi niya.

~To be continue...

_________________________________

A/N I dedecate this to my baby Bea hello thank you .Dahil friends na tayo andto lang ako haa ^^

 Comment.vote

The Sweet Revenge Of A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon