Twenty Eighth Teardrop

Start from the beginning
                                    

I sigh.

Umupo na ako sa aking cubicle at binuksan ang pc. Napatingin naman ako sa aking table at nakita ko ang nilalanggam na pinagkapehan kong mug, mga sticky notes, notebook, at mga draft layout. Shet, tambak ako ng draft. Kaya ko 'to.

Ang pinakahuling kumuha ng atensyon ko ay ang isang nakatiklop na yellow construction paper. Wala akong natatandaang naiwang ganito. Kinuha ko ito at in-unfold. May nakasulat dito at binasa ko ito.

"Patawad, Nate. Mahal kita."

Sigurado akong para sa akin 'yon dahil ako lang naman ang Nate sa floor na 'to. Ang hindi ko alam ay kung kanino galing ito.

Napatingin ako sa mga ka-trabaho ko.

Parang wala naman sa kanila ang magtatangkang humingi ng tawad sa akin. Wala naman silang ginagawa.

May isa pa akong naiisip. Si Drew. Kaya lang, hindi naman sya pumasok.

Napailing na lang ako at umupo na.

~*~


Lunch time. I received a text message from Kimer, he told me na magkita daw kami sa café.

Pagkarating ko doon ay nakabusangot na pagmumukha nya ang bumungad sa akin.

"Ang tagal mo! Kanina pa ko nagugutom eh!" Sabi nya.

"Sorry. May fini-nalize lang ako." Sagot ko.

"Ok ok, fine fine. We're even. Late rin ako kanina eh. Haha,"

Umorder muna kami ng makakain at umupo na kami sa bakanteng upuan.

"Nate, may I ask kung nakita mong pumasok si boss kanina sa office nya?" Tanong ni Kimer habang kumakain kami.

"Hindi eh. Halos 2 weeks na syang absent." Sabi ko.

He gasped, "What? Two weeks?"

I nodded. "Oo. Bakit?"

"Well, madalas ko siyang nakikita sa clinic. Sa second floor. I'm just curious kasi kahit working hours nandoon sya," sabi nya.

"E-eh?"

Sa clinic? Kung pumapasok sya, bakit hindi siya pumupunta sa opisina nya? Ako ba? Dahil ba sa akin?

Ayun lang naman ang pinaka-obvious na dahilan. 'Wag na tayong magtanga-tangahan dito.

"Promise. Minsan nakikita ko siyang mag-isa sa lobby. Nagtataka nga ako eh, kasi madalas ko siyang makita na mag-isa ngayon compared dati na lagi siyang may kasamang babae, noong, you know, wala ka pa dito."

Pinanliitan ko sya ng mata. Nang-aasar eh.

"Bakit? Totoo 'yon." Sabi nya.

Napabuntung-hininga na lang ako.

Pagkatapos namin ni Kimer kumain ay bumalik na rin kami sa aming workplace. Pagkaupo ko sa aking swivel chair ay tumambad sa akin ang on progress kong layout para sa isang magazine cover. Nalilito kasi ako sa font na ilalagay ko. Bakit kasi ganito 'yung picture. Sinong photographer ba ang kumuha nito?

Tinapos ko na ang lahat ng pending works at maya-maya, uwian na rin.

~*~

The next day, sabay na uli kami ni Kimer na pumasok sa trabaho.

Naglalakad na kami papasok ng building nang bigla namang may pumagitna sa amin.

"Tabi. Ang laki-laki ng daan nagsisiksikan kayo," sabi nito.

Si Drew. And he looked so -- wasted. Halatang kulang siya sa tulog. Magulo rin ang buhok nya. Pero mabango sya at mukhang naligo naman sya.

Pain ☑️Where stories live. Discover now