Chapter 23 Worried

17.5K 412 5
                                    

" Hey Umaga, bilisan mo naman! Kung bakit kasi ako pa ang inaya mo eh nanahimik ako sa lungga ko. Kapag nakita ko talaga yang kapatid mo mababatukan ko na talaga yan, simula ng dumating siya dito palagi na lang nalalagay sa alanganin ang buhay ni Michelle! " dire- diretsong sermon ni Shey. Ito kasing babaeng ito ang naisipan niyang bulabugin sa lungga nito para samahan siya sa pagsundo kay Michelle na kasalukuyang nakakatanggap ng banta sa buhay nito, na itinatago nila dito para hindi ito mag panic.

Well kaya nga itong si Shey ang kinulit niya is because she doesn't have the heart to disturb Glayssa, kabuwanan na ng babaeng iyon no! At si Jhossa naman? Oh well, after ng mag retire ito ay mas lalo pa yatang naging busy ang isang iyon dahil halos hindi na nila napagkikikita dahil nag migrate na yata sa bundok. May pinagtataguan yata?

She sighed at mabilis na kinuha ang wallet sa bureau na nakalimutan at bumalik na sa sasakyan.

" Grabe ka naman talaga Shey! " aniya pagkaupo sa driver seat. " Hindi naman kasalanan ni Dylan na may baliw na nangha hunting kay Michelle, actually kaya nga tayo pupunta sa bahay nila ay para may makasama si KM habang nasa meeting si brother",

" Kahit na! Sige na nga mag drive ka na at baka gising na ang babaeng iyon", nakasimangot pa rin na utos nito. Natatawa na lang na binuhay niya ang makina ng sasakyan at iginiya ito palabas nang kanilang bahay.

Yeah, umuwi na muna siya sa bahay ng magulang that was after na makapag usap sila ni Zach. After she requested to him na maging masaya na ito sa buhay nito kasama ang girlfriend nito na si Zenith.

And she heard from the grapevine na talagang tuloy na tuloy na nga ang pagpapakasal nito. Wala na nga sigurong makakapigil sa mga ito.

And she already made it clear na hindi na siya makikialam pa sa lovelife ng binata.

But she is dying!

At hindi niya kakayanin ang lungkot na bumabalot sa kanya sa tuwing maiisip na maaaring magkasama na ang dalawa at magkatulong na pinagpaplanuhan ang tungkol sa kasal ng mga ito.

She shook her head at sinikap alisin sa isip ang tungkol sa mga ito. Ipinokus niya ang atensiyon sa pagdadrive, as she approached the last curve papunta sa bahay ng kapatid ay may nahagip ang kanyang peripheral vision.

" Oh my God! Is that Michelle?" She whispered astonished bahagya siyang nag menor at pinakatitigang mabuti ang nasa unahang sasakyan.

Lumingon si Shey sa bahaging tinitingnan niya at nanlaki ang mata nito ng makilala ang babaeng buhat - buhat ng isang lalaki. " Shit! Umaga, call your brother now," sigaw ni Shey, nilingon pa siya nito pero muli ring ibinalik ang paningin kay Michelle na ngayon ay ipinasok na sa sasakyan ng mga may bitbit dito.

She fumbled for her cellphone at mabilis na idinayal ang numero ng kapatid. Nakasampung ring bago niya narinig ang paasik at pasermon na boses ng kapatid.

" Angelica? " pagalit na tanong ni Dylan sa kabilang linya. " Hindi ba at ang sabi ko sa iyo ay-"

She cut him off." May kumuha kay Michelle, Dylan! I don't know who pero sinusundan namin ni Shey ang sasakyan na ginamit nila!" She spoke faster habang ang mga mata ay nanatiling nakatuon sa sasakyang sinusundan.

Dylan's raspy voice vibrated in her ear. " Are you sure it's Michelle?" Tumango siya kahit na hindi nakikita ng kapatid. " Okay sundan niyo lang sila. Feed me kung nasaan na kayo, pupunta ako okay.! And please, AM.." he paused. " Take care okay.." bilin pa nito.

She nodded then disconnected. Hindi niya maiwasang kabahan at makaramdam ng takot para sa kaibigan.

Binigyan niya ng kaunting distansiya ang sasakyan ng mga ito mula sa kanyang kotse, yung sapat lang upang hindi mapansin ng mga ito na sinusundan nila ito.

LOVE IN DISGUISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon