Chapter One The Player and The Fan

31.8K 846 22
                                    

" EVERYBODY knows I'm getting married next year!"

The man who was interviewed was tall. He look so uncomfortable sa suot nitong amerikana habang kaswal na sinasagot ang tanong ni Pamela Lumbres, isa sa mga host ng sportnews na iyon sa channel 8.

" Early next year, Zach? Or marahil sa kalagitnaan ng taon? Your fans must be really excited to know the whole details. "

Ngumiti ng tipid si Zach. " I can't tell Pam. Wala pa namang depinidong plano."

" You'll surely tell us sa sandaling mayroon na. Right, Zach?" Tiningala pa ng host ang mukha ng manlalaro.

MALALIM ang hiningang pinakawalan ni AM matapos pindutin ang off button ng remote control. Isa lamang iyon sa mga recorded tape na may kinalaman kay Zachary Andrei Smith, ang star player ng koponang pag aari ng pamilya nila.

She lost count already kung ilang beses na niyang pinanood ang ambush interview na iyon kay Zach matapos itong parangalan bilang Most Valuable Player sa katatapos lang na season ng Professional Basketball League.

Everybody knows I'm getting married next year......

Eh ano? Naiinis na inilatag niya ang katawan sa kanyang kama. Deep in her heart, she silently hope and pray na sana ay walang katotohanan ang mga salitang iyon ni Zach.

Na hindi totoong pakakasalan na nito ang kasintahang si Zenith Silvano, isang fashion model na kasamahan ng kaibigan niyang si Jhossa sa rampa.

By heavens, Angelica Missha ! Para kang hindi isang propesyunal sa inaasal mong iyan!

Ngunit anumang kastigo ang gawin niya sa kanyang sarili ay hindi pa rin niya maiwasan ang kahibangan niyang iyon.

She was almost twenty six for crying out loud! Pero sa edad niyang iyon ay hindi pa niya masasabing nag ukol siya ng damdamin sa kahit na sinong lalaki.

There were flings alright. Walang seryosong masasabi. Kaya nga palaging sermon ang inaabot niya sa kuya niya na nasa ibang bansa, pati na rin sa kanyang bestfriend na si Michelle.

Well, that was even before she learned her true feelings for Zachary Andrei Smith almost nine years ago.

Wala eh magaling talaga siyang magtago ng tunay na nararamdaman.

She was only seventeen ng makilala niya ng personal ang binata. At dahil dalawa lang silang magkapatid at gusto na siyang hasain ng mga magulang sa paghawak ng kanilang mga negosyo kung kaya sa murang edad ay mataas na agad ang posisyong hinawakan niya sa kanilang kompanya.

Kabilang siya sa lahat ng desisyon at talaga nga namang pinapakinggan ang boses niya kapag siya ay nagpapahayag n anumang nais niya.

While Dylan promise to take control of the hospital, siya naman ang naatasang mag supervise sa hinahawakan nilang koponan sa liga ng basketball. That time ay UAAP pa lang ang sinasalihan nila.

And when Zach signed the contract for their team ay naroon siya. Doon niya unang napagmasdan ng matagalan ang mukha nito.

Although nilapitan na siya nito noon sa school ay hindi pa rin niya maiwasang ma- starstruck sa itsura nito.

Guwapo, yes. Strikingly handsome! Una pa lang ay inamin na niya sa sariling nabihag siya ng kakaibang karisma nito. At bakit hindi? He was really handsome at talagang malakas ang dating nito lalo na sa mga babae. He was called Fil- Am dahil na rin sa banyagang dugo nito.

Anak si Zachary ni Chief Justice Armand Smith. Tulad din nila'y galing ito sa buena familia. At bagama't nakasentro sa kasalukuyan  ang atnsiyon nito sa basketball ay may papel din itong ginagampanan sa negosyong pag aari ng pamilya nito.

LOVE IN DISGUISEWhere stories live. Discover now