Chapter Two Mix Emotion

18.5K 464 6
                                    

" Miss Miller isn't too obvious," naaliw na sabi ni Alex habang sinusundan nito ng tingin ang papalayong si Angelica.

Nagtinginan kay Zach ang ibang players, bakas sa mukha ng mga ito ang panunudyo.

" Tarantado 'tong mga ito. " nakataas ang kilay niya. Hindi niya napalampas ang kakaibang tingin ng mga ito.
" Hindi ko gusto 'yang mga ngiti ninyo. At huwag niyong pag usapan yung tao ng nakatalikod. Hintayin niyong humarap saka kayo magsalita.." kantiyaw niya sa mga ito.

" Yan ang hirap sa iyo Zach eh, " singit ni Roy, isa sa mga forwards nila. " You are too gentleman. Ewan ko kung binubulag mo lang talaga ang sarili mo or you're just too dumb to realixe na talagang gustong gusto ka ni Miss Miller."

Natatawang tinanaw niya ang dalaga na kasama na ngayon ng mga kaibigan nito sa lamesa. Sige pa rin ang inom nito. May problema ba ito? " Akala ko ba ay hindi obvious? Simpleng paghanga lang marahil iyon like a regular fan to her favorite player. And besides alam niyang ikakasal na ako at bestfriend ko siya, alam niyo naman iyan hindi ba."

" Hus,  ang yabang mo..!"

Tumawa siya at hindi na pinansin ang kantiyaw ng mga kasama. But his mind starts to wander also, matagal na rin naman niyang napapansin ang kakaibang pakikitungo sa kanya ni Angelica Missha Miller. Hindi na lamang niya binibigyang halaga.

True. They were friends. Maituturing na nga niya na  si Angelica ang pinaka malapit sa lahat ng mga naging kaibigan niya. Not to mention , the only girl close friend niya. Kaya kung anuman ang napapansin niya dito ay hindi na lang niya hinahaluan ng kung anumang malisya.

At may girlfriend na siya. Bukod doon ay malapit na siyang ikasal. At mahal niya si Zenith. At isa pa, he is not sure about Angelica's feelings for him.

Kung malapit man ito sa kanya higit sa kaninong players ay dahil lamang siguro inaalala nitong ma - pirate siya ng ibang team na naghahangad ng kanyang serbisyo.

But that too was also a puzzle. Angelica Missha Miller was a socialite. Kung tutuusin ay napakalayong magkainteres ito sa basketball.  Ngunit dinaig pa nito ang kahit na sinong miyembro ng pamilya nito sa pagsuporta sa kanila. In their every game ay naroon ito. Dinaig pa ang girlfriend niya na walang kahilig-hilig manood ng mga games niya.

That maybe the reason why they became close acquaintances. Na naging bestfriend after a while.

" Why don't you dance her Zach? "

Nagtawanan na naman ang mga baliw niyang kasamahan.

" She's beautiful Zach. Mayaman pa."

" Tigilan niyo na nga yung tao. Walang kaalam - alam na pinagkakaisahan niyo, " seryoso niyang sagot.

Itinaas nang mga ito ang mga kamay.  Walang may gustong kumalaban sa kanya. Bukod pa sa alam ng mga ito kung kailan dapat tapusin ang pagbibiro. They were all trained to e disciplined not only in action, but in words too.

FROM the corner of her eyes ay pinagmasdan niya kung nanatili lang ba sa puwesto nito si Zach. Nang masiguro niyang hindi ito umalis sa kinauupuan nito ay nagpakawala siy ng marahas na buntong hininga.

" You're strange, Umaga," puna ni Jhossa. Nahalata yata nito ang pagiging restless niya. " Kanina pa gumagala yang mga mata mo. Are you looking for someone in particular? "

" Bakit hindi kasama ni Zachary si Zenith?"

Jhossa rolled her eyes. " Si Zenith lang ba ang hinahanap mo? I thought it was someone else."

She drank the remaining drops on her glass." Akala mo lang iyon. So nasaan ang kaibigan mo?"

" Walang kahilig - hilig sa sports ang babaing iyon AM."

LOVE IN DISGUISEWhere stories live. Discover now