Chapter 17 Two Different Worlds

16.3K 453 8
                                    

Hindi lingid kay Zach ang ipinupukol na tingin sa kanya ng bawat empleyadong maraanan sa ika dalawamput-limang palapag na iyon ng Bronte Towers. Bakas ang paghanga sa mukha ng mga babae. Halata na nag suswoon ang mga ito.

But he just ignored all of it. Iisa lang ang pakay niya. And he'll be damned kung papansinin muna niya ang sobrang atensiyong natatanggap.

Sa wakas ay narating rin niya ang sadya. Napatayo ang sekretaryang kasalukuyang may kausap sa telepono ng akmang papasok na siya sa loob ng pribadong opisina ng amo nito.

" Excuse me sir, but do you have an appointment? " magalang na tanong ng babae, tinakpan nito ang mouthpiece marahil upang hindi marinig ng kausap nito ang pag uusap nila.

He shot her a serious look, yung tipong magpapangatog sa tuhod nito dahil sa takot. " Look why don't you just continue what you are doing? And talking about appointments ...hindi ko na kailangang ipa book pa sa iyo ang oras ng pagdating ko para lamang makausap ang boss mo!"  Ayaw niya sanang mandamay ng ibang tao pero kanina pa siya iritable at hindi nakakatulong ang pamumuna nito.

Akmang magpoprotesta pa ito ngunit mabilis ng pumasok sa loob si Zach at agad na ini lock ang pinto na nasa likuran niya.

HINDI pinansin ni AM kung sinuman ang pumasok sa kanyang opisina. It was probably her cousin na walang magawa sa buhay o maaari rin namang si Dylan at magsusumbong na naman sa kanya ng mga nagiging reaksyon ni Michelle sa mga paliwanag nito tungkol sa paglayo nito sa asawa sa loob ng limang taon.

And she was far too husy para bugnutin ang sarili sa pagpuna sa presensiya ng mga ito.

" Bakit hindi ka nanood ng laro noong Biyernes?"

Angelica's head came up sharply. The voice though terse was achingly familiar. Pakiramdam niya ay ipinako siya sa kinauupuan ng mapagtantong tama nga ang hinala niya.

Si Zach! Mula sa kinatatayuan nito sa may pinto ay matiim at tila galit na nakatitig sa kanya!

Napalunok siya. Pasimpleng pinasadahan ng tingin ang binata at nahinuha niyang kagagaling lang nito sa practice.

At least he had the discretion upang hindi ang uniform na ginamit nito sa practice ang isuot para sa hindi inaasahang pagbisita na iyon.

He was wearing a maong pants at turtle neck na puti na walang kadise-disenyo. Nakasuot ito ng rubber shoes.

Bumuntung- hininga siya and tried to compose herself. Itinuloy niya ang pag aaral sa mga blueprints na nakalatag sa ibabaw ng kanyang lamesa at pinanatiling blangko ang ekspresyon ng mukha.



Zach did his own share of staring. Naroon ang paninibago. In her tailored suit and scarf,  Angelica looked cold and distant. Para na itong hindi maabot. Malayong - malayo ang itsura nito noong kasalukuyan pa silang nasa isla.

Ano nga ba yung sinasabi ng ibang tao kapag nasa ganitong sitwasyon? It seems like they are in two different worlds. Bumalik na nga ba si AM sa mundo nito kung saan kontrolado nito ang lahat?

" What do you want Mr. Smith ?" She asked him in a very cold voice.

" Tinatanong kita kaya sagutin mo Angelica!" galit na sigaw niya sa dalaga. Naningkit ang mata niya.

Tumingin lang ito sa kanya at hindi kumibo.

" Angelica!" He looked dead serious and angry pero nakita niya ang tila pagrerebelde sa itsura ng dalaga.

Indifferent itong nagkibit -balikat." Are you trying to intimidate me? Baka nakakalimutan mong nasa opisina kita Zach at ako ang nagbabayad sa iyo?"  Sinalubong ni Angelica ang galit niyang mga titig. " I don't usually entertain unwanted visitors bukod pa sa walang saysay amg itinatanong mo"

LOVE IN DISGUISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon