Chapter Three - The Bait

19.7K 470 6
                                    

LOVE is friendship that has caught fire. It is quite understanding, mutual confidence, sharing and forgiving.. It is loyalty through good and bad times. It settles for less than perfection and makes allowances for human weaknesses.

                                             Ann Landers

MULING pinag aralan ni Angelica ang mga sketches na iginuhit niya. Six months from now ay ilalaunch niya ang kanilang summer collections at isasabay niya ito sa fashion week niya, kung saan naisipan ni Jhossa na iannounced ang nalalapit nitong pagreretiro sa mundo ng modelling.

Huminga siya ng malalim. She need to divert her ettention, dahil kung puro si Zach ang iisipin niya at ang pagpapahayag nito ng pagpapakasal nito sa kasintahan nito maloloka siya. Promise! Talagang mapapraning siya at baka hindi na niya mapigilan ang sarili niya na gumawa ng mga bagay na baka pagsisihan niya. Just like what happened to her friend Glayssa na inagaw si Meg sa dati nitong kasintahan and from what she heard to Michelle hanggang ngayon ay peg pa rin ng dalawa ang parusahan ang isa't isa sa mga bagay na matagal ng nangyari at dapat ng ibaon sa limot.

Inabot niya ang lapis na ginagamit at nag umpisang punahin ang bawat mali ng mga masterpiece niya. She was really engrossed on what she was doing  ng biglang bumalandra pabukas ang pinto ng kanyang opisina at pumasok doon si Jhossa, kasama si.....

What the hell? What is she doing here?

Si Zenith! Ang girlfriend ni Zach!

Nagsalubong ang kilay niya at binalingan ang kaibigan na prente na ngayong nakaupo sa pandalawahang sofa ." JJ, may kailangan ka?" sinikap niyang makabawi sa pagkabigla na nararamdaman. Pasimple niyang binistahan ang itsura ng kalaban sa puso ni Zach.

Oh well! She's beautiful, no doubt about that. In fairness naman sa babaeng ito ha masasabi niyang  maganda siya, pareho silang  maganda but on different way.!. Tulad ni Jhossa ay matangkad din ito. Mas mataas sa height niya na five eight. Slim ang katawan na tipikal lamang sa propesyon nito.

While she is portraying the skin of snow white, si Zenith naman ay morena at iyon ang isang bagay na kinaiinggitan niya dito. Makailang beses na siyang nagbabad sa mga beach at ang last time nga na pinuntahan nilang magkakaibigan ay sa Cagayan, pero kahit anong pagbibilad pa ang ginawa niya hindi niya nakuha ang kulay at tan na gustong gusto niyang ma -achieve.

Oh well! Bahagi iyon ng kagagahan niya. She doesn't want to admit it, pero ang totoong rason kung bakit gusto niyang maging tan ay upang mapansin ni Zach . Napaisip kasi siya, because as far as she can remember hindi kailanman nakipag date or nakipag hook up si Zach sa babaeng mapusyaw pa sa gatas ang kulay ng balat.

" We just came from from your office sa Bronte'. Akala ko ay naroon ka.."

" Ipinatawag ako ni Alfonse kanina.." she answered. She was referring to her gay OIC at in house designer sa Missha, ang boutique niya na pinagkakaabalahan niya ng husto.

" Ganoon ba? Anyway sa isang linggo na pala ang alis ko. Katatawag lang ni Paul kanina at kasama ako sa susunod na show ngayong spring. But don't worry in six months time ay makakabalik ako para sa launch ng collections mo at timely din iyon for my retirement ." Ang Paul na tinutukoy nito ay ang manager nito.

Tiningnan niya si Zenith. " And I expect na kasama ka rin, Zenith, 'di ba?"

Ngumiti ito. " Ikakasal na ako. Zach wouldn't forgive me kapag sumabak na naman ako sa trabaho."

" But it's a good opportunity.  Working with famous designers will make you a supermodel Zanith kagaya ng katabi mo ngayon. Isa pa, napakabata mo pa. Sayang ang pagkakataon. Surely Zach will understand  kung tutuparin mo muna ang mga pangarap mo."

Bumakas ang pag aalinlangan sa mukha ni Zenith.

Ewan niya pero para sa kanya, this is the chance that she has been waiting for to stop temporarily her marriage with Zach.

" i don't really know. Natitiyak kong magagalit nang husto sa akin si Zach kapag ginawa ko iyon." She smiled ackwardly.

" Then talked to him, Zenith. Kumbinsihin mo siya. Besides,puwede ko kayong i - refer ni Jhossa kay Carolina Herrera para isama sa mga shows niya. It should b a great experience working with them, don't you think? Ang mga fashion designers na tulad nila ay kilala sa buong mundo." Wow ! Kalahi na niya ang mga maldita at mga bitch.

But it was that moment or never!

Nakaguhit sa mga mata ni Zenith ang maraming emosyon.. The thought was overwhelming.

Si Jhossa naman ng mga sandaling iyon ay maang lang na nakatingin sa kanilang dalawa.

Angelica almost begged for Zenith to seize the opportunity.  At talagang nakakatakam ang tulong na inioffer niya dito. Bukod pa sa talagang desidido siya sa binabalak—ang ilayo si Zenith kay Zach at hindi na matuloy ang kasal ng dalawa.

" Think it over Zenith. Minsan lang ang ganitong oportunidad. It will not come to you the moment you marry. You will become a plain housewife by then. Kilala mo naman ang mga players, ang gusto ay sa kanila palagi ang atensyon."

Zenith just shrugged her shoulder her mouth curved into thin line. " Hindi ako sigurado AM. But I will try convincing Zach.."

" Use your charms. If Zach really loves you, maiintindihan naman niya. At ano na  lang ba ang kaunti pang panahon na paghihintay? After all kapag kasal naman na kayo'y sarili  na niyang lahat ang atensiyon mo.."

" I really wish he would listen AM...."

Pilit niyang pinaging pormal ang mukha, kahit na ang gusto niya talaga ay sumirko dahil sa sobrang saya.

Wala sa loob na napatingin siya kay Jhossa na aliw na aliw na pinagmamasdan siya. Her friend is totally amused it was clear by the look o her face...

She bite her lip. Marahil nga ay mali ang ginagawa niya.,but all is fair in love and war.

Isa pa ay gusto ni Zenith ang iniaalok niya. Kung tatanggapin nito eh di masaya.

Kung hind naman...?


" Very well...at least ay ginawa na niya ang magagawa niya.Marahil ay hindi talaga si Zach ang nakalaan para sa kanya...










Cast of characters


Miranda Kerr as Angelica Missha Miller

Imran Abaas as Zachary Andrei Smith

LOVE IN DISGUISEWhere stories live. Discover now