Chapter 16 - Decisions

15.7K 424 6
                                    

" Are you going to watch the game tonight, AM?" Tanong ni Glayssa pumasok ito sa pribadong opisina niya without a warning. Nakakunot ang noo nito habang hinihintay ang pagsagot niya.

She sighed at blangko ang mga mata na tumingin sa pinsan. She had decided already! Mula ng lisanin nila ni Zach ang Alfresco Island ay sinabihan at ipinangako na rin niya sa kanyang sarili na kalilimutan na rin ito.

It hurts she knows. Naroon pa rin ang stinging sensation na hindi na yata mawawala lalo pa at palagi niyang naiisip ang mga pinagsamahan nila sa isla.

But she had to reigned her thoughts. Kailangan niyang paglabanan ang mga pagnanais niya na kamustahin at makibalita ng tungkol dito.

It would be better that way, kaysa patuloy niyang saktan at paasahin ang sarili sa isang bagay na hindi naman nito kayang ibigay.

Pagkakasyahin niya na lang ang sarili sa pag - iisip at pag alala sa mga oras at panahon na nagkasama sila.

Sapat na iyon para sa kanya.

" Angelica..." Glayssa rolled her eyes.

She shook her head. " Uuwi ako sa mansiyon, Glayssa." matabang niyang sagot at ibinalik na muli ang atensiyon sa mga papeles na hawak. " I can't probably watch the game. Marami akon natambak na trabaho at kung hindi ko aasikasuhin ay mas lalo lang itong dadami."

" You're working yourself to near exhaustion. Simula ng bumalik ka lagi ka na lang nakakulong dito sa opisina mo o kaya naman ay sa Missha. You need a break AM.  Besides ayaw mo ba siyang makita? Halos tatlong buwan ding nawala si Zach..."

Magaling talaga ang radar nang pinsan niya na ito. Sa pagkakaalam niya kasi ay busy ito sa pakikipag komperensya sa tunay na nararamdaman ni Meg para dito. And looking at her now natitiyak niyang may napatunayan na si Glayssa sa lalaking iyon. Kaya nagtataka siya kung paano nito napapansin ang nangyayari sa kanya.

" Wala naman marahil siyang ipinagbago. Of course he's getting married nect year... or maybe this year or whenever? And I don't simply give a damn about it anymore Glay—"

Nagtatakang napatitig sa kaniya si Glayssa. " But I thought you like him."

" What's the point? Ikakasal na siya. Hindi ako ganoon kadesperada para ako pa mismo ang maghabol sa kanya." She sighed brokenly. Mabilis niyang inikot ang swivel chair patalikod upang hindi nito makita ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. " He loves Zenith so much, Glay. And it would be foolish to compete with that woman gayong alam ko na wala naman akong panalo sa kanya."

" Pero wala na sa eksena si Zenith"

" But Zach loves her still." Hindi niya maiwasang mag crack ang boses. Ang pait nang katotohanang may ibang mahal ang lalaking pinag alayan mo ng lahat ay sumasampal sa kanya ngayon. " He loves her s-so much. Ano ang laban ko ron? Kahit pa nga wala yung tao ay sa kanya pa rin umiikot ang mundo ni Zach! And you expect me to throw myself at him gayong alam kong wala ring magiging resulta? That would be foolishness!"

Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya napaigilan ang paghikbi. Damn it! Why did she have to miss him so much? At bakit sa halip na mabawasan ang nararamdaman niyang sakit ay mas lalo pang tumitindi?

How she wanted to watch him! Pero isa lamang iyong malaking kabaliwan. Sasaktan lamang niyang lalo ang kanyang sarili. And besides hindi niya kayang hulaan ang magiging reaksiyon ni Zach kung muli silang magkikita.

" Angelica, if you love him..." bumuntong hininga si Glayssa, hindi alam kung paano itutuloy ang sasabihin.

Her cousin was sobbing silently. And it was so unlike AM to lose control of her emotions. At naguguluhan na siya sa nangyayari. Ni hindi niya magawang tanungin ang pinsan tungkol sa kung saan ito naglagi sa halos tatlong buwan nitong pagkawala. She had always wanted to ask her about that dahil kahit sila Michelle at Shey ay nag aalala na dito. Jhossa doesn't even know a thing dahil ayaw nilang abalahin pa ito lalo na at busy ito sa pag aasikaso para sa retirement nito na magaganap a week after nitong makabalik galing sa European stint nito.

And Angelica really knows how to avoid confrontation. Umiiwas ito at isinusubsob ang sarili sa trabaho.

Kung tutuusin ay wala namang bago roon. Talagang workaholic ang pinsan niya. Ngunit sa pagkakataong ito ay tila ginagawa na lamang nitong dahilan ang trabaho upang tumakas— sa kung anuman, wala siyang ideya.

" AM if—"

" Just leave me alone..."

Glayssa shrugged her shoulders. " If that's what you want. But wouldn't it lighten the burden kung sasabihin mo sa akin kung bakit ka nagkakaganyan? If you really love Zach then go for him, AM. Hindi masama kung mabigo ka man. At least you did try to win his heart..."

And I failed Glay... I failed..

Nakalabas na si Glayssa ay patuloy pa rin siya sa pag iyak. Silly! Paano siyang makakalimot kung munting banngit lamang kay Zach ay nananariwa na ang mga alaala?

Pinuno niya ng hangin ang dibdib.

Sa kahit na anong paraan ay kinakailangan niyang maging matatag. Just like the way Dylan, Glayssa, Jhossa, Michelle and Shey continued their life after breaking their hearts too many times. Kung tutuusin higit pa ang dinanas ng mga ito when matters of the heart is involved.

And just like them, she had to moved on. Her life must go on!

Hindi iyong kay Zach lamang iikot ang kanyang buhay!








ANGELICA REFUSED to go home to the mansion, taliwas sa sinabi niyang dahilan kay Glayssa. Sa penthouse ay mag- isa niyang pinanood ang laban ng koponan ni Zach sa t.v. Her heart was fluttering, tila lumulubog at lumilitaw sa tuwing iko-close up ito ng camera.

With Zach around, mas naging predictable ang kinahinatnan ng laro. Paanong hindi eh milya milya na ang layo ng lamang ng team nito sa kalabang koponan.

At kung naroon siguro siya at live na nanonood ay isa na siya sa mga fans na malakas na nagchicheer para sa mg ito.

She had loved him like that before. Para sa kanya noon ay sapat na ang mapanood ito ng live, ang hangaan ang husay nito sa paglalaro.

Ang tanggapin ang lugar ni Zenith sa puso nito.

But now?

Naramdaman niya ang pagdaloy ng luha sa kanyang pisngi habang nakatitig sa flat screen.

Perhaps crying had been her habit these past few days, at normal na iyon para sa kanya.

Oh Lord I can't stay like these for days to come.... o sa kahit na anong araw linggo at darating na taon....

Hindi maaring manatiling ganito ang buhay niya!

Nahahapong isinandal niya ang ulo sa headboard ng kama.

Tapos na ang laro and as usual, nanalo ang koponan ni Zach. Kasalukuyang naka focus sa binata ang camera para sa interview nito, but she couldn't understand everyting.

Nakatitig lamang siya sa mukha nito.

If only she could hold  him for just a while..... and kiss him in reality. Pero gising siya

But she also needs to forget him.

That's her decisions!





Cast of Characters

Miranda Kerr as Angelica Missha Miller

Imran Abbas as Zachary Andrei Smith

LOVE IN DISGUISEWhere stories live. Discover now