Chapter 14- End of Three Months

15.9K 399 4
                                    


ONE MONTH... two months...napakabilis ng paglipas ng mga araw na tila hindi namamalayan ni Angelica. It was as if everything was just like a dream- mula nang araw na matagpuan niya ang sariling sakay ng yate ni Zachary hanggang sa marating nila ang Alfresco.

Bumuntong- hininga siya at itinuon ang mga mata sa paparating na mga alon.

Bakit ba kailangang lumikwad ang mga araw nang napakabilis? Kung kailan ayaw na niyang mawalay pa kay Zach ay saka naman lilipas ang tatlong buwan.

Halos ilang araw na lang ang ipananatili nila rito sa isla. They could go home today or tomorrow. Na kay Zach ang pagpapasya. And she was afraid. Hindi niya alam kung paano sasabihin kay Zach ang takot na iyon. True, they had been really close after that wonderful night. Ngunit sa kabila niyon ay walang kahit na anumang binanggit ang binata tungkol sa kung anuman ang estado ng relasyon nilang dalawa, and she was even more afraid to asked.

Knowing that Zach still loves Zenith is another matter at kapag sinabi iyon ng binata sa kanya ng harapan baka hindi na niya kayang pigilin pa ang sakit na sa tuwina na lang ay palagi miyang nararamdaman sa tuwing nakikita niya ito.

Loving him was sweet and heaven and bitter and painful at the same time.

At ngayon nga ay patapos na ang tatlong buwan. Ano na ang mangyayari sa kanya? Will she see him again kapag nagbalik na sila ng Maynila? And what then? Would they both live their own separate lives? Siya, balik sa mga naiwan niyang trabaho...at si Zach sa pagbabasketball?

Thinking of it makes her heart beat painfully at nasasaktan na siya. Paano kung nandoon na? What she will do? Ipaglalaban ba niya si Zach katulad ng ginagawa ni Dylan kay Michelle? But Michelle loves her brother! Eh siya? Mahal ba siya ni Zach?

Of course sa kaso niya, alam niyang mahal na mahal niya ito. But she on the other hand have no idea kung ano ang damdamin nito sa kanya- baka nga hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin nito si Zenith at ito pa rin ang laman ng puso nito. Paano niyang ipaglalaban ang isang lalaking wala namang pagtingin sa kanya?

She closed her eyes tightly. Pinuno niya rin ng hangin ang nagsisikip na dibdib. How come love could be so painful like this?

Lord, she was so vulnerable at the moment!

And she needs assurance from Zach, gaano man kaliit iyon. Ngunit hindi niya magawang hingiin ito mismo sa binata. Dammit! She wouldn't accept the fact na kaya lang ito mapapasakanya ay dahil lamang sa obligasyon o responsibilidad.

Pareho lang silang masasaktan kung ganoon ang mangyayari. And she couldn't be that selfish! Nagawa na niya noong minanipula niya si Zenith upang pumirma ng kontrata kay Paul, she couldn't risk doing that same mistake again! And besides alam niyang ito pa rin ang mahal ni Zach.

At kailangan niyang tanggapin ang katotohanang iyon.

The sooner, the better!

Gaano man kahirap, gaano man kasakit!

" Can I join those thoughts na tumatakbo diyan sa isip mo?" It was Zach na umupo pasalampak sa tabi niya.

Napapitlag siya sa pamilyar na tinig nito. A tentative smile grace her lips. How come that Zach should be evrywhere in her  life? In her thoughts...in her dreams.. and now, by her side. A kahit na pansamantala lang iyon ay hindi maikakailang masaya na siya.

If only he could stay by her side forever..

" O bakit mas mukhang lumalim ang iniisip mo?" Zach asked, nakakunot pa ang noo nito at itinaas pa  ang mukha niya para makita siya ng mabuti.

LOVE IN DISGUISEWo Geschichten leben. Entdecke jetzt