Chapter Ten Rest Day Two -

14.2K 389 6
                                    

True to his words ay nilibot ni Zach si Angelica sa kabuuan ng Alfresco. Sumakay sila sa yate nito at nagmistula itong tourist guide na ipinakita sa kanya ang magagandang parte nang Alfresco.

Nababalot na ng makakapal na ulap ang buong isla. Halos wala silang makita. Ngunit sapat na ang gandang dulot ng mababang mga ulap para masiyahan siya ng husto.

Halos tanghali na ng bumalik sila sa dalampasigan, agad na inasikaso niya ang kanilang pananghalian na niluto nito. Si Zach naman ay nagpunta sa pampang and seems to be enjoying every minute of the day dahil patalon- talon pa ito sa mga bato. She look at him and smile, naroon na ang pamilyar na bilis na tibok ng puso niya sa tuwing pinagmamasdan ito at hindi niya maiwasang isipin na siya ang dahilan kung bakit masaya ang aura nito ngayon.

Siyempre ikaw ang dahilan ng pagiging masaya niya no,e kayo lang naman ang magkasama dito, sang- ayon ng isang bahagi ng utak niya.

Does he have a choice?  E kung hindi mo pinaalis si Zenith mapapansin ka ba niya ha? ang kontra naman ng isang bahagi. Shit! Bahagya siyang napangiwi ng maalala ang nagawa. She hopelessly looked at Zach, sana naman ay napatawad na siya nito sa ginawa niyang pagpapaalis sa girlfriend nito, after all sinunod naman niya lahat ng mga ipinagawa nito.

" A penny for your thoughts?" Napapitlag siya ng biglang nagsalita si Zach sa tabi niya. She must be deep in her thoughts at hindi namalayan ang paglapit nito sa kanya. " Or a dime if you tell me that you love me!"

Napangisi siya. She knew that line madalas itong kantahin ng daddy niya sa mommy niya kapag nahuhuli nitong palagi itong nag - iisip ng mga nangyayari tungkol sa kanilang dalawa ng kapatid na si Dylan. " Wala kang originality uy, " natatawang tukso niya dito.

Zach smiled tenderly. " You're drifting honey, and hey I haven't hear you say you love me today" he counter tease. His eyes full of mischief.

Hindi niya napigilan ang matawa ng malakas. " I think you're beginning to like me Zach! Hinahanap - hanap mo na ang I love you ko, but I'm warning you, mag - ingat ka at baka ma- fall ka na ng tuluyan sa akin"

Anlakas din ng naging pagtawa nito. He pulled her close to him, " At yumabang ang magandang prinsesa." he nuzzled his nose on her neck." But really I miss you saying those words, honey."

"Grabe ha,  hindi ko tuloy alam kung kikiligin ako or what?" pang aasar niya dito.

" So, anong masasabi mo kung maglagay din tayo ng bonfire mamaya, then we can do sky watching and maybe wait for a falling star?"

Maang na napatingin siya dito. His attention was on the lobster na binabalatan nito.

" Anong kalokohan na naman yang iniisip mo Zach?"

" I was just trying to make our stay here worthwhile, " he answered seriously then shrugged his shoulders, " Pero kung ayaw mo naman, then let's forget about that idea." Kumunot ang noo nito." Akina nga ako na ang magbabalat niyang lobster mo."

Napasimangot siya. But deep inside her ay natutuwa siya, and how she wished, they would stay on this island forever. Na buong buhay nila ay dito na lamang nila ni Zach gugulin. She is very much willing to give up living in the city makasama lang ito. Eh ano kung sa tuwina ang kagustuhan nito ang palaging nasusunod? Eh ano kung lagi man siyang napapailalim sa mga utos nito?

She really loved him. And didn't an old song say, stand by your man? Ano ang masama kung sundin man niya iyon? She smiled. But again who cares? She was in love! Isn't that enough to explain her illogical thinking?

" Angelica?.." nagsasalubong ang mga kilay na itinaas ni Zach ang kanyang mukha.

" Kung maglalagay tayo ng bonfire—"

He grinned." I thought you wouldn't consider the idea."

" Nakaka - tempt eh. Besides it would be a very nice experr. Magandang adventure di'ba?"

" Payag ka na?"

Itinaas niya ang kilay. Hawak pa rin nito ang baba niya at halos ay magka- level na ang kanilang mukha. She could clearly see the outline of his proud features. Classical. He was dark like some Greek god. At lalong nadagdagan ang pagiging itim nito dahil sa pananatili nila dito sa isla. Complementing his dark skin were his pair of equally dark blue orbs, tila batong kayanite ang kulay. And his nose was straight and arrogant. Bagay lamang sa taglay nitong aroganteng mukha.

No wonder kung bakit napakaraming fans na babae ang team na kinabibilangan nito. All of them were admiring Zach.

" I don't know why you have to be so handsome Zach—",

" Heaven' gift !" Muli itong napangisi. Halatang na boost na naman ang ego nito.

" Perhaps! And I bet you were so thankful of that?"

" Why do you have to sound so insulting, Angelica.!"

" Ewan ko. " she shrugged her shoulder. " Kung minsan kasi, masyadong naloloko sa inyo ang mga babae, because of your physical appearance. You break a lot of hearts. Just a smiled and all of them will go crazy over you.

" Talking from your own experience? " umangat ang kilay niya sa tanong nito.

" You should know me by now, Zach. For me it takes more than the physical attraction. And don't expect, that because I love you ay iaalay ko na ang  sarili ko sa iyo ng ganoon na lang."

" Cmon!  Masyado mo namang sineryoso ang usapan." He cupped her nape at dinampian siya nito ng halik sa mga labi. " I don't break women's heart deliberately, Angelica."

Only mine...

Umiwas siya ng tangkain muli ni Zach na halikan siya.

He sighed at lumayo sa kanya. " Kukuha lang ako ng mga  kahoy na gagamitin natin mamaya. Would you rather we share the same tents at iligpit ko na ang isa  or mamamatili itong nakatayo?  You choose!"

" Hmmmp!  Bahala ka!"

Zachary just grinned. " Sinabi mo iyan ha..!"

" I love you....Zach.."

" I know.." he smiled and took a smack kiss on her lips.


Cast of Characters

Miranda Kerr as Angelica Missha Miller


Imran Abaas as Zachary Andrei Smitg

LOVE IN DISGUISEWhere stories live. Discover now