Chapter 15 Forgetting

17.1K 414 4
                                    

MILLER SHIPPING INTERNATIONAL

BRONTE SKYSCRAPER ( Main Office )

It all ends here..

Marahas na nagbuga ng malalim na hininga si Angelica at napatingala sa building na pag aari ng pamilya niya.

Kanina lang ay ipinahatid siya ni Zachary sa isang tauhan nito sa pantalan gamit ang isang bangkang de motor. That is after he said na tapos na ang pananatili nila sa isla.

She grimaced.

That bastard! Matapos ang lahat ni hindi man lang nagkaroon mg courtesy para ihatid siya samantalang ito naman ang nagdala sa kanya sa Alfresco.!

Damn him!

Nangilid ang luha niya pero agad niyang ipinilig ang ulo. There is no need to waste another batch of tears for that bastard of a man!

She drew again another harsh breathe at inabot ang handle ng pinto ng  taxing sinakyan niya. Bayad naman na ito, binayaran na ng tauhan ng lalaking iyon.

Naglakad siya papasok ng Bronte. Ang mga guwardiyang nakakita sa kanya ay agad na nagsiyukuan tanda ng paggalang, at ang mga empleyadong agad na nakakita sa kanya ay binati siya. Tipid na tinanguan niya lang ang mga ito.

" Welcome back boss! " nilingon niya ang nagsalita. It was Maxene ang kanyang secretary. " How's your vacation?'

Napakunot ang noo niya, vacation? Yun ba ang alam ng mga tao rito? Na nagbakasyon siya?

Marahil! Lalo na at very unusual  para sa kanya ang nawala ng matagal sa kanyang trabaho.

Marahan siyang lumingon at nginitian ito ng  tipid. " It went well Max. Anyways, gusto ko munang magpahinga, nakakapagod ang byahe. But tomorrow gusto kong makausap si Alfonse about Missha, kaya ipatawag mo siya . Then the day after tomorrow gusto kong iarrange mo ako ng meeting sa lahat ng mga appointments ko na na- cancel dahil sa biglaang bakasyon ko." tuloy- tuloy na instuction niya pagkatapos ay dumiretso na sa private elevator na maghahatid sa kanya sa penthouse na siyang tinitirhan niya.

Pagkapasok sa penthouse ay agad na inilatag niya ang katawan sa long john.

Gusto niyang bumigay sa matinding pagod at emotional torture na nararamdaman. And it was a blessing dahil wala ang kanyang kapatid sa mga sumalubong sa kanya sa ibaba kanina, kung nagkataon isang napakalaking problema ang kakaharapin niya.

At sa estado ng emosyon niya sa mga sandaling iyon, she hardly cannot afford to have any confrontation kahit na kanino.

Especially with her brother. Kung hindi man sila magkaroon ng diskusyon, malamang ay iyakan niya lang ng iyakan si Dylan. And knowing him, he would never like it. Tiyak niyang aalamin nito kung sino ang dahilan ng pag iyak niya at ang puno't dulo ng mga nangyari sa kanya. At kapag nangyari iyon ay siguradong mapapahamak si Zach. Because Dylan would never spare him kahit pa nga kaibigan niya ito.

She smiled wryly.

How come she still loved him after all the pains he had caused her? O marahil ay talaga lamang ganoon katindi ang pagmamahal niya para dito? Kahit wala siyang katiting na halaga mula rito?

She wanted to cry dahil pakiramdam niya ay lalo siyang nadudurog ng mga naiisip niya. Nakipagtitigan siya sa dingding and silently wished that sleep and tiredness engulfed her para maiwasan niyang isipin lang ito.

But memories of Zach keep taunting her. Naaaninag niya ang mukha nito kahit na nakapikit siya. Parang may kung anong pumipiga sa kanyang puso.

She sighed deeply. Her mind was shattered. Her emotions in a irreparebale state.

LOVE IN DISGUISEWhere stories live. Discover now