Chapter 20 Umaga's Match

16.7K 455 6
                                    

KAsabay ng paglaglagan ng mga lobo at confetti mula sa panig ng Bronte Empire ay ang malakas at nakakangilong pagtunog ng buzzer. Hudyat ng pagtatapos ng championship na ipinanalo ng koponang pag - aari ng mga Miller.

Hiyawan, yakapan at iyakan ang mga players. Tuwang - tuwang tumakbo ang mga ito papunta sa gitna ng court kasama ang buong coaching staff, management at mga ball boys sa pagdumog kay Zach na siyang nagdeliver ng winning shots upang makamit nila ang kanilang ikatlong kampeonato.

Nang ianunsiyo na ang pangalan ng team bilang kampeon ay si Zach ang tumanggap ng trophy mula sa commissioner ng liga. Matapos ang matagal na picture taking isama na ang pakikipag palitan ng kasiyahan sa kanyang mga ka team ay saka pa lamang siya nalapitan ni Pamela Lumbres sa isang tabi para sa interview.

" You really did well this particular game, Zach.... lalo na noong second half kung saan hindi mo na halos pina iskor ang kalaban,"

Humihingal pa rin na napahawak si Zach sa mikropono, " Focus... concentration... iyon naman ang palaging sinasabi ng coach namin. And it really does the job Pham..."

" Well, right. You really did play a fantastic game this particular series Zach..."

" Inspiration..." nakangising putol niya.

Naptaas ang kilay ni Pamela." So you're getting married...teka lang isingit  natin ito..." nilingon nito ang cameraman na kasama saka muli siyang binalingan ng tingin." So Zach, you're getting married? Bakit wala yata kaming balita...?"

He flashed a smile." Malapit na malapit na..."

Nagkunwaring disappointed si Pamela sa kanyang sagot." Puwede ba naming malaman kung sino ang masuwerteng babae,  Zach..?"

" Soon... makikilala niyo rin siya..." pabitin niya..." Puwede bang bumati?"

" Sure!"

Hinawakan niya ulit a mic at mabilis na inisa - isa ang mga babatiin. Ibabalik na sana niya kay Pamela ang mic ng biglang magbago ang isip niya. A mischievous yet tender smile formed at the corner of his lips. Ngiting bihira ngunit kinababaliwan ng marami.

" Before I forgot.... this championship is for the management. Particularly to Miss Angelica Missha Miller. She didn't watch any game.... but nevertheless this is for you..." tutok na tutok ang mata niya sa monitor na para bang sigurado siya na nanonood ang dalaga. He even smiled pagkatapos ay tumalikod na at saka binalikan ang mga kasamahan.

NAPASINGHAP SI AM. Nasa penthouse siya at kasalukuyang nanonood. Zach's words although mocking, held tenderness. Naguguluhan siya sa damdaming binuhay ng mga salitang iyon ng binata.

She sighed. Hindi niya alam kung maiinsulto siya o matutuwa. Though in her heart pakiramdam niya ay pinalis noon ang lahat ng sama ng loob niya para kay Zach na naipon simula pa noong umalis sila sa Alfresco.

And she misses him.... so much, that it almost hurt.

Tila nangangarap na ibinagsak niya ang sarili sa kama. Pero nang maalala ang mga sinabi nito ay muling nanumbalik ang sakit sa kanyang mg mata.

So Zach, you're getting married....

Malapit na malapit na...

Ibig bang sabihin noon ay babalik na si Zenith at magpapakasal na ang mg ito?

Na pagkatapos ng pakikialam niya ay ang dalawa pa rin ang magkakatuluyan?

The perhaps it was now the time to finally step aside upang tuluyan ng pabayaan si Zenith at si Zach?

She huffed. Tuluyan ng binalot ng lambong ang kanyang mga mata. Iyon naman talaga ang ipinangako niya sa sarili.

Nagawa na niya ang lahat ng maari niyang gawin it just so happen na hindi siguro talaga sila para sa isa't isa.

Masakit man kailangan niyang tanggapin.

The truth really hurts.

ANG KATATAPOS lang na kampeonato ang panglima sa mga napalunan ng Miller franchise mula ng pumasok ito sa liga anim na taon na ang nakakaraan. And Zach's fourth mula ng pumirma siya sa koponan ng Bronte three years ago.

At ang kasalukuyang victory party ay pang apat na sa mga dinaluhan niya. But unlike before, noon lang wala si AM sa kasiyahan.

Matiim ang mga matang pinagmasdan niya si Glayssa Montreal na kasalukuyang nasa dancefloor kasama ang kaibigan nito na si Shey Lyrica. Sa mga may ari ito lamang bukod kay Dylan at sa asawa nitong si Michelle ang nanood ng laro.

He sighed. Where could Angelica be?

Inisang lagok niya ang natitirang alak sa baso at tinungo ang kinaroroonan ni Glayssa. Saglit na napahinto ang dalaga ng mapansin siya. Nakataas ang kilay na binalingan siya nito.

" Wanna dance with me Zach?" May pagkaaliw na tanong nito habang nakatingala ito sa kanya. Patuloy lang ito sa pagsayaw,  ang kaibigan naman nito na si Shey ay bahagya lang siyang pinasadahan ng tingin, bago ibinalik ang buong atensyon sa pagsasayaw.

" Do you know by chance, where I could find AM, Miss Montreal?"

" Oh si AM ba? We could talk somewhere, " umabrisiete si Glayssa sa kanya at iginiya siya sa lamesa kung saan naka puwesto ang mga ito, naabutan nila doong nakaupo si Michelle ang bestfriend ni Angelica.

Humingi si Glayssa ng inumin at saka may pagkaaliw na muli siyang tiningnan.

Pilit niyang nilabanan ang uneasiness na nararamdaman. Tang - ina ! Feeling niya ay binabalatan siya ng buhay sa paraan ng pagtingin na iyon ni Glayssa. Malaki ang kaibahan nito kay AM, ang isang ito ay higit na carefree. The socialite Montreal brat!

" Ayaw na bang makipagkita sa iyo ng pinsan ko Zachary?"

Matabang siyang napangiti. " I have no idea." Totoo naman iyon,  hindi niya alam kung bakit ayaw magpakita ni AM sa kanya. Or perhaps he know ayaw lang niyang tanggapin ang katotohanan.

Banayad na tumawa si Glayssa habang si Michelle naman ay matiim lang na nakatingin sa kanya. " I really don't know what is the bonus stored for you guys sa pagkakapanalo niyo ngayon. AM always suggest what could be the rightful incentives. But exactly, Zach kung ikaw ang papipiliin, what would you choose?"

Natigilan siya sa tanong nito.." What do you mean, Miss Montreal?"

" I prefer you cut the formality first?"

" All right, ano ang ibig mong sabihin Glayssa?"


GLAYSSA smiled secretly. Hmmn no wonder AM fell inlove with him!

Narito ang isang lalaking puwedeng sabihin na taglay ang ilang katangian ni Dylan. She and AM adored Dylan higit kaninuman sa pamilya. Oh well! But definitely this guys possessed  an own identity.

" Let's say ... I don't really know." She casually shrug her shoulders. " AM is getting unpredictable these days, Zach. Maybe you are the reason. She doesn't want to tell any of us. But really Zach... mahal na mahal ka ng pinsan ko... I know I shouldn't say this but..... baka pag narealize mo kung ano ang totoong nararamdaman niya para sa iyo, you're way too late..." she sighed at sinimsim ang alak na hawak nito.

" I am going to sign a new contract Glayssa, " Zach answered formally. " And I am going to demand a very high compensation this time. Mataas at maaari ninyong ikabigla. Lalo na si AM. Please tell her that. Excuse me.."

Napamaang si Glayssa nang tumayo ito at mabilis na tumalikod. Tiningnan niya si Michelle at Shey na pawang may nakatagong ngiti sa mga labi.

AM finally met her match!



Cast of Characters

Miranda Kerr as Angelica Missha Miller

Imran Abbas as Zachary Andrei Smith

LOVE IN DISGUISEΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα