Chapter 18 Finals

16.1K 403 2
                                    

Asar na asar si Zach. Palagi na lang siyang out of focus at wala sa mood habang nasa kasagsagan sila ng practice para sa nalalapit na Finals.

At dahil ayos naman ang kanyang performance ay hindi na lang siya pinapansin nang mga coach pati na nang kanyang team mates kahit na nga ba palagi na lang siyang tahimik at sinusumpong.

Hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya ang naging pagtatalo nila ni Angelica sa opisina nito.

Maski siya ay hindi na maintindihan ang sarili. Hindi niya alam kung bakit nagsisimula na siyang atakehin ng tantrums. At naiinis na siya sa sarili.

Perhaps because he was missing Angelica that much.

Kung dati, kapag ganitong mag cha championship ay excited silang ginu- goodluck ng dalaga at maski sa practice lang ay naroon ito... ni anino ni Angelica ngayon ay hindi nila nasilayan.. Marahil iyon ang ikinaiinis niya.

And he didn't have any idea why he should feel such a thing!






ISA - isang tinawag ang mga players at ang coach ng dalawamg koponan na maglalaban para sa championship.
Sa mga manlalaro ng Bronte a si Zach an huling tinawag bilang team captain bago ang coach.

Hindi magkamayaw sa tilian ang mga fans nang binata at may mga nag chicheer agad sa pangalan nito habang pumapsok ito sa hard court.

Malalim ang hiningang hinugot ni Angelica mula sa dibdib habang pinagmamasdan ang binata na ang mukha ay naka close up ngayon sa screen.

How she missed him with every passing day!

Hindi niya alam kung paanong sa loob ng isang linggo mula ng huli silang magkausap ni Zach ay natiis niya ang baway segundo. Hindi birong kontrol ang kinailangan niyang baunin araw - araw para lamang hindi niya sadyain ang binata kahit lamang sa practice.

Amd how ironic na ngayon ay sapat na para sa kanya ang imahe nitong nasa screen, gayonh nasa kanya ang lahat ng pagkakataong panoorin ng live ang unang laro katulad nang kahilingan nito.

" I'm sorry if I kept you waiting ...darling.." nagtuloy - tuloy si Alfonse sa pagkakaupo sa kama nito kung saan siya naroon at naka indian sit. Mula sa dinaluhan nilang birthday party ng anak ng isang congressman ay sa town house sila ng kaibigan tumuloy upang mapanood ang laban ni Zach.

" Akala ko ba ay paiinumin mo ako ng tequila habang nanonood tayo? It would lessen the tension I heard. Lalo na kapag naging mainitan na ang laban."

Malalantik ang mga daliring dinala nito sa noo." Loka,  baka ilang shots lang ay bumigay ka na!"

Pilit siyang ngumiti.

" C'mon AM... Hindi kailangang lunurin mo ang sarili mo sa alak." Alfonse shrugged his shoulders." So you miss Zach.... kung ganoon ay samantalahin mo ang pagkakataon na ito. Or else I would include him to my fantasies..." he said rolling his eyes at muling napatingin sa screen ng TV kunh saan ipinopokus ang lente sa mga guwapong players. Napatili pa ito. " You know that I happen to love beautiful people."

Napailing na lang si Angelica. Naikuwento na niya kay Alfonse ang tungkol kay Zach, but minus their island overtures.

She wanted it to be a secret at itatago niya sa pinakasulok na bahagi ng kanyang puso at least maalala man niya ang nga nangyari it wasn't tainted for she wants to respect that memory.

Tama nang alam ni Alfonse kung ano ang tunay na nararamdaman niya para kay Zach.

Sinulyapan niya ang screen, nag uumpisa na ang laro kaya naman pala nanahimik ang baklang si Alfonse dahil halos pakatitigan nito ang mga guwapong cager na maya't may ay ipinopokus sa screen.

LOVE IN DISGUISEWhere stories live. Discover now