Chapter 19 Transparent

17.1K 412 4
                                    

Tahimik na pinanonood ni Dylan ang recorded game ng pag aaring koponan habang nasa gym ang mga ito at nagpapractice para sa Game two ng Finals. Kasama niya sa loob ng opisina ang Tito Francis niya na team Manager at isa sa mga stockholders ng Bronte, ang Head Coach pati na ang Consultant ng team.

" I'm quiet impressed ", he said casually at umayos ng upo. Binalingan niya ng tingin ang Coach ." Are they ready for the next game?" He asked pertaining to the players.

Tumango ang Coach at nasisiyahang ibinalita ang magandang performance ng team. " Yes, President! As a matter of fact they are aiming at getting the Championship Title kaya mas masigasig ang ipinapakita nilang sipag sa pag eensayo."

Tuamngo-tango siya at binalingan ang mga players na abala pa rin sa pag papractice. " If they get this championship , there is a surprised bonus stored for everyone."

" A generous bonus, Mr. President?" Tanong ng consultant.

" Maybe." Nakatawang sagot niya. " So, paano mauuna na ako, I still have lot of things to do. Hindi na ako magtatagal..."

" Oh, almost forgot Dylan..."

Kunot-noong binalingan niya ang nagsalita, " Is there any problem Tito Francis?"

Tumikihim muna ang daddy ni Glayssa bago nagsalita, " Sa susunod na season ay matatapos na ang kontrata ni Zach sa Bronte. We should offer him another contract. Malaking asset si Zach sa team." Tumingin ito sa Coach na napatango sa pagsang ayon.

" I agree with him, Mr. President."

" But this early?" Kunot - noong pinasadan niya ng tingin ang mga ito. " Napakaaga naman yata. Isa pa hindi ako nakatitiyak kung gugustuhin ni Zach na manatiling nakatali sa Bronte. Alam niyo naman ang isip ng mga players, hindi ba? The more the think na valuable sila as a player mad may chance na magpataas yan ng presyo. Other teams could offer him more than what we could offer."

" Sinusulot na nga ngayon pa lang Mr. President." Imporma ng kanilang Consultant.

Mula sa kinauupuan ay tinanaw niya ang kinauupuan ni Zach. " So should we offer him?"

" Definitely..."

" I'll talk to AM. Ang kapatid ko na 'yon ang may pinakamalaking interes sa team and besides siya na ang namamahala ng Bronte simula ng umalis ako. I just want her to decide dahil hindi ganoon kalawak ang nalalaman ko tungkol sa mga players. At isa pa mag bestfriend sila ni Zach, baka kaya niyang makausap tungkol diyan sa kontrata na yan."

" Your sister missed the first game, Dylan." nagtatakang napatingin sa kanya ang tito niya.

" I don't know about that. But anyway, hahayaan kong siya ang magdesisyon. I may say yes now but definitely AM will have the final decision. "

Nakakaunawang tumango ang mga lalaki. It was one of the rare times na makakaharap ng mga ito ang may- ari ng koponan. Maliban siyempre kay Francis na isa sa mga shareholders at palaging kasama ni Dylan sa mga meetings.

It was AM who shows her all - out support sa team. But in this particular time ay mukhang nanawa na ang prinsesa ng mga Miller sa pagsuporta. And the players missed their number one fan. Malaking kawalan ang hindi panonood ni AM sa mga ito.

Tumayo na siya at nakipagkamay sa tatlong lalaki. Bago tuluyang lumabas ng opisina ay muli niyang binalingan ng tingin ang mga manlalaro.

He smiled secretly ng mapagtuunan ang tila madilim na anyo ng kaibigang si Zach na nasa isang sulok lang at tila hindi nakikihalubilo sa mga kasamahan..

Hmmm.





PASIMPLENG pinasadahan ni Angelica ng tingin ang kapatid na patamad na nakaupo sa kanyang settee. Nagulat siya sa biglaang pagdating nito sa kanyang opisina at ang mas nakakadagdag ng pagtataka niya ay ang uri ng pagtingin nito sa kanya though itinatago nito iyon sa pamamagitan ng palihim na pagsulyap nito sa kanya.

LOVE IN DISGUISEWhere stories live. Discover now