Chapter Twelve- Body Heat SPG

19K 489 10
                                    

Nagising si Angelica sa nakakangilong pagpunit ng kidlat. Mabilis siyang bumangon at kinapa ang flashlight na nasa ilalim ng kanyang unan at sumungaw sa labas ng tent.

Nasulyapan niya ang wala ng dingas na bonfire na marahil ay pinatay na ng ulan na unti- unti ng lumalakas.

She looked at Zach tent dahil magkaharap lang naman ang mga ito. Kumunot ang kanyang noo at pinatamaan ng ilaw mula sa flashlight ang tent ng binata.

Walang anumang kilos sa loob niyon. Hindi ba nagising si Zach sa malakas na pagkidlat? O baka naman iniwan na siya nitong mag- isa sa tabing dagat, marahil ay nagalit ito kanina sa mg nasabi niya. Hindi kaya?

Agad ang pagsigid ng takot sa mga kalamnan niya sa naisip. Nababasa na ng ulan ang kanyang mukha. Natatakot na rin siya sa tila pag ugong ng mg alon. She closed her eyes tightly at mabilis na tinakbo ang distansiya ng tent ni Zach. Hindi na niya inalintana ang pagtama ng malalaking patak ng ulan sa kanyang katawan.

" Angelica!" Napabalikwas ng bangon si Zach ng makapasok na siya.

Niyakap niya ang sarili. " I-it's so cold,  Zach...N- natatakot ako!"

" Basa ka.." nag - aalalang hinawi nito ang buhok niya na tumabing sa kanyang mukha. " It's okay hindi tayo manganganib dito. Hindi naman bumabagyo. You should have sleep through the rain..."

" Natatakot ako.."

" C'mon. You should take those wet clothes off. Baka magkasakit ka or worse mapulmonya ka pa."

" Z-zach.."

" I wouldn't take advantage unless you give me the signal okay? Patayin mo na 'yang flashlight at magpalit ka ng  damit. I have an extra shirt. Iyon na lang ang gamitin mo." Muli itong nahiga patalikod sa kanya.

SA nanginginig na mga kamay ay kinuha niya ang t- shirt na tinuro nito at nagpalit ng damit. Maluwag ang t- shirt nito bukod pa sa mahaba. Puwedeng- puwedeng ipantulog. Nang matapos siya ay nahiga rin siya sa tabi nito. Her heart was fluttering and she could feel him stiffen.

Sa labas ay patuloy pa rin ang pag- ulan. At tama si Zach hindi naman iyon talaga kalakasan. Nag panic lang siguro siya dahil hindi siya sanay sa ganitong set up. And Zach must have spent a lot of time doing this in this island kaya siguro hindi na ito naapektuhan at nag- aalala. Sanay na marahil ito.

She cleared her throat .." Z-zach..."

" Yes honey?.." he answered pero hindi naman siya nilingon.

" I - i feel so cold." She swallowed. " Ginaw na ginaw ako..."

" Ano ang gusto mong gawin ko?" Naroon ang strain sa boses nito. Naramdaman niyang ang pagtiim ng bagang nito ng umusog siya palapit dito. He was clenching his hands. His teeth were gritting.

" Z-zach..."

" What do you want Angelica?"

Muli ay napalunok siya. Bakit nahihimigan niya ang galit sa boses nito. Totoong nilalamig siya. Dala marahil ng pagkabasa niya sa labas kanina. But why can't he offer even the least symphaty?

" I....l-love you..."

Sa pagkakataong iyon ay marahas nang humarap sa kanya ang binata. His breathing sounded shallow in her ears. Nang muli na namang kumidlat ay nabanaagan pa niya sa mabilis na pagpunit ng liwanag ang galit sa mga mata nito.

" Zach?"

" Damn it Angelica! You're pushing me too far! May limitasyon din ako at dahil sa ginagawa mo ay nawawala na ang kontrol ko! So you're cold! Then I can warm you, honey!"

LOVE IN DISGUISEWhere stories live. Discover now