Chapter Seven - The Treatment

14.8K 405 8
                                    

Siniguro muna niya na walang nakaabang sa kanya ng lumabas siya ng kuwarto. Kung maari lang ay ayaw niya muna sanang lumabas ng silid niya kaso nakalimutan naman niyang i take ang breakfast kanina at mag lalunch na naman kaya sinisingil siya ngayon ng kanyang tiyan dahil nag aalburoto na ito sa sobrang gutom.

Aaminin niya na napuno siya talaga sa mga pang aasar sa kanya ni Zach. He really infuriate her like talagang to the highest level na pang aasar ang ginawa nito sa kanya. Idagdag pa na puro sugat ang inabot niya maipaghand lang ng matinong pagkain ang bakulaw na iyon.

Buwisit talaga, sana lumayas muna siya dahil hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kapreng yun!

Mailap ang mga mata na pinalibot niya ang tingin sa buong paligid at ng masigurong wala ang kinaiinisan ay kampanteng naglakad siya papuntang kusina.

Agad siyang nakaramdam ng gutom ng makita ang pagkaing nakahanda sa mesa. Hindi na niya pinagkaabalahang alamin kung saan  nanggaling iyon o kung niluto man ng kapre, what matters to her right now ay ang pagbigyan ang kanyang kumakalam na sikmura.

She will deal with that bastard later kapag napatahimik na niya ang kanyang mga alaga.

Busy siya sa paglalantak sa manggang nagsilbing panghimagas niya ng may mapansin siyang nakatabi sa far side ng lamesa.

It was a small box na kulay green, at nang buksan niya ang laman ay nakita niyang ointment pala ito. May nakapaloob ding letter doon, wala sa loob na binuklat niya ang papel at binasa ang note na nakasulat.

     Use this for your cuts and burn!  This is good!

Kahit walang nakasulat kung kanino galing iyon ay napangiti siya. Well dalawa lang naman silang tao na narito no. Might as well lunurin na niya ang ilusyon na kahit paano ay nag aalala sa kanya ang bakulaw na si Zach.

Pagkatapos kumain ay hinugasan niya ang kanyang pinagkainan at nilagyan ng ointment ang kanyang kamay, pati na ang natalsikang bahagi ng kanyang mukha. Buwisit kasing mantika at ham iyon eh,  ginamit mo na nga at lahat nantraydor pa! Hmmmp!

Nilibot niya ang buong paligid. Hindi naman ganoon kalaki ang bahay - bakasyunan. Yari ito sa semento at tabla at mayroon lamang dalawang silid. The one she occupied and the other one na ginagamit naman ni Zach.

A least hindi ganoon kahirap maglinis. Ano na lang ba kung magpagpag siya ng alikabok at magwalis ng dumi?

Habang paikot-ikot siya sa loob nang bahay ay hindi niya maiwasan ang kuryosidad. Especially when she enters Zach room to clean.

Her lips twitched in a dry amusement habang pinagmamasdan ang kabuuan ng silid. The bed was a mess! Sa ibabaw noon ay nakalagay ang mga pinagbihisan nito. Ang tuwalya ay nakasampay lang sa isang silya.

She smiled tenderly at isa - isang dinampot ang mg maruruming damit. Kasalukuyan niyang inaayos ang bed sheet nang makarinig ng mahihinang tikhim. Her gaze fly to the open door.

Naroon si Zach at nakakunot ang noo na pinagmamasdan siya." Wala akong natatandaang binigyan kita ng permiso upang pasukin ang silid ko.. unless you want something —"

" Cut it off Zach " matabang niyang sagot at ipinagpatuloy ang ginagawa. " You told me to clean the house. Puwes sa lahat ng silid dito'y ang kuwarto mo ang parang dinaanan ng bagyo."

" You really care for me then, " he said smiling.

She grinned." Marahil..."

"  Marahil..." humakbang ito palapit sa kanya. At nang dalhin nito ang mga palad sa kanyang balikat ay hindi na niya maiwasang mapapitlag.

LOVE IN DISGUISEWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu