Twenty Fifth Teardrop

Magsimula sa umpisa
                                    

Ang sakit. Sobrang sakit na sabihin sa'yo ng taong mahal mo na hindi ka na niya kilala kahit na ang totoo, nagkaroon kayo ng pangako sa isa't isa na walang limutan at babalikan mo siya.

Ako. Kasalanan ko. Hindi ko tinupad ang pangako ko.

Napapikit ako at huminga ako ng malalim.

Drew, kahit makalimutan mo ako, handa akong magpakagago mahalin mo lang ulit ako.

~*~

Na-hire ako doon sa publishing company bilang isang graphic artist. Nagulat nga ako eh. Pero napag-alaman kong hindi si Drew ang nag-interview kaya naman, sa hindi ko alam kung mabuti o masamang palad, na-hire ako.

Today is my first day. Hinihintay ko dito si Kimer sa aming meeting place para sabay na pumasok. Siya kasi ang nagsabi sa akin kahapon na agahan ko daw.

"Nik nik!" Tawag ng isang lalaki na, obvious naman, kay Kimer galing.

Ang gwapo nya. He stuns in his outfit. Ngayon ko lang napansin na halos magkasing-tangkad sila ni Drew.

Pero mas maputi pa rin si Drew. Highlight nya 'yun eh.

Haaaay nako, Nate. Puro Drew.

"Hoy! Anuna? Dito na lang tayo sa meeting place natin magt-trabaho? Wala ba tayong balak pumasok?"

Sabi nya na nagpabalik sa huwisyo ko.

"Ah, sorry. So tayo na?"

Ngumiti siya, "Oo. Sinasagot na kita." he said.

Inirapan ko lang sya at nauna na akong maglakad. Since ang meeting place namin ay walking distance na lang hanggang sa publishing company ay nilakad na lang namin ito.

Actually, naikuwento ko na kay Kimer ang tungkol sa amin ni Drew. Alam niya na galit si Drew sa akin ngayon. Lahat naman sila, alam na. Hindi ko na itinago. Lalo lang akong mai-stress. Wala naman silang sinasabi. Madalas pa nga akong makatanggap ng pangaral.

"Saan ka ba?" Tanong nya.

"Ha?"

"I mean, anong field?"

"Ahh, sa graphics." Sabi ko.

"Wow. Buti ka pa. Edi magaling kang gumawa ng book cover?" Tanong nya.

"Magaling? Hindi naman. Marunong lang. Madali lang naman 'yun." Sabi ko.

Malapit na malapit na lang kami sa kumpanya. Nag-ocular inspection na rin naman ako dito at maayos naman ang workplace. Medyo maliit pero, 'yung cute lang. Kanya-kanya pa ring cubicle. Mga 8 floors lang rin sya na building.

At habang papalapit kami ng papalapit ni Kimer, unti-unti na rin akong kinakabahan. Nandoon si Drew. Makikita ko sya doon.

Nang makapasok kami, na-realize namin na magkaiba nga pala kami ng field. Sa editing sya ng manuscript, na depende sa author.

Sa second floor lang sya samantalang ako ay sa 8th floor. Kaya naman, kesa pagurin ko ang sarili ko sa pag-akyat ng hagdan, nag-elevator na lang ako.

Pagkarating ko doon ay umupo agad ako sa cublicle ko. Noong na-hire kasi ako ay binigyan na agad ako ng cubicle para doon na ako dumiretso sa first day. Hindi rin naman ako sumabak dito basta-basta. Alam ko naman ang gagawin ko dito.

Napansin ko na sa isang hilera ay apat kami. Medyo lumapit sa akin ang katabi ko. He's blonde, naka-eyeglass. Ang ganda ng company na 'to. Hindi masyadong strict sa rules at maraming kang pwedeng gawin sa sarili mo. Dahil ba si Drew ang CEO? Char.

Pain ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon