Twenty Third Teardrop

Comincia dall'inizio
                                    

Sa totoo lang, kinakabahan ako. Baka kasi nagbago na siya. But I doubt that kasi kilala ko si Nate. Alam kong dating Nate pa rin ang darating ngayon.


Ngunit dumaan ang ilang oras, ilang linggo at ilang buwan, hindi pa rin siya dumarating.

At ngayon nga ay pang-ilang buwan ko na itong paghihintay sa kanya. Hindi ko na mabilang. Ang alam ko lang, palagi akong pumupunta dito dahil baka anytime, umuwi siya.

Hindi ko kasi siya ma-contact. Deactivated ang kanyang facebook account at hindi ko naman alam kung paano siya matatawagan doon dahil wala akong ideya sa mga numerong dapat kong tawagan.

Nate, bumalik ka na. Please. Ang tagal ko nang naghihintay sa'yo dito. Please, Nate.

Kinuha ko ang gitara kong inilagay ko sa katabi kong swing and I started to strum the first note of Nate's favorite song.

"Minamasdan kita, ng hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin.
Mapupulang labi, at matingkad mong ngiti,
Umaabot hanggang sa langit"


"Ok, ok. Fine. Uhm, Nate,"

Tumayo ako at pumitas ako ng isang pirasong bulaklak mula sa halamang katabi ko.

I offered it to Nate.

"A-ano na namang kalokohan 'yan," tanong nya.

I smiled shyly, "Bulaklak, can't you see?" Sabi ko.

Nakita kong napataas ang dalawa niyang kilay. Medyo napatawa naman ako.

"Joke lang. Wala lang. Trip ko lang. Binibigay ko lang sa'yo. Wag na wag mong itatapon 'to, ha? Iipit mo 'to sa libro para hindi mawala. Memory 'yan." Sabi ko.

Iniabot ko na sa kanya 'yung bulaklak at kinuha nya ito.

Tumingin rin ako sa langit.

"Ok, salamat sa memory," sabi nya.

"'Yun lang?" I asked.

"Eh, wala kasi akong ibibigay sa'yo. Ang korni naman kung bigyan rin kita ng bulaklak, diba? Binigyan mo na nga ako tapos bibigyan pa kita, ano 'to, exchange gift -- este -- flowers? Well, let's just cherish this moment. Hindi palaging may ganito," sabi nya.

Napatingin ako sa kanya. Noong araw ko na-realize na kailangan ko na pala talagang kalimutan ang dapat kalimutan, at ituon ang atensyon ko sa iba. Kagaya nya.

"Wag ka lang titingin sa'kin
At baka matunaw ang puso kong sabik."


Tumingin ako sa lahat ng sulok ng gym pero hindi ko siya makita. Mukhang nakauwi na sya.

Sayang naman. Ni-hindi ko siya nagawang imbitahan sa laro namin. Saktong tapos kasi ng last subject, hindi ko na sya nakita. Hindi ko na rin naman nagawang hanapin siya dahil mag-uumpisa na agad ang game.

Nakakawala tuloy ganang maglaro. Sabayan mo pa ng pagwawagayway ni Rachel ng mukha kong ewan na nakaprint pa sa tarpaulin. Naiinis ako. Nanlulumo ako.

Maya-maya ay nag-commit ng foul ang kabilang team kaya naman nag-free throw ang aking teammate.

Sa gitna ng kanyang free throw moment ay biglang may sumigaw.

"GO DREW! YAKANG-YAKA MO 'YAN TO THE MOON AND VICE VERSA!!! WOOOOH!"

Hinanap ko kaagad yung pinanggalingan nung boses dahil alam na alam ko kung kanino galing 'yun. Kilalang kilala ko kung kaninong boses yun.

Hanggang sa makita ko si Nate na malapit sa bleachers. Napatingin siya sa paligid at nakita ko pa kung paano siya mamula. He smiled creepily as well.

At saka ako humagalpak ng tawa. Hinding-hindi pumapalpak si Nate na pasayahin ako.

"Drew, salo!" Agad akong napatingin dun sa ka team mate ko at sinalo ko ang bola. Mabilis ko itong dinala sa ring namin at pumwesto ako sa 3-point line at hinagis ko ito. Shoot.

Lumakas ang sigawan. Ibinalik ko ang tingin ko kay Nate at nung nakita kong nakatingin rin siya sa akin. I gave him a smile.

Ikaw lang naman ang kailangan kong makita, Nate eh.

"Sa iyong ngiti, ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw at gagalaw ang mundo ko'y tumitigil"


"A-anong sabi mo?" Tanong nya and I can see his lips trembling.

Lumapit ako sa kanya. "C'mon, Nate. Alam kong narinig mo ako. At lahat ng sinabi ko sa'yo, walang halong biro kahit isang letra."

He covered his face with his both hands. Pero kita ko pa rin na umiiyak sya.

"D-Drew.."

"Yes, Nate. I fell in love with you. Alam mo, matagal ko na lang niloloko ang sarili ko. Why? Kasi iniisip ko na baka natutuwa lang ako sa'yo, masaya lang talaga akong kasama ka pero noong wala kang paramdam, Nate tangina, sobrang sobrang sobra akong nag-alala sa'yo. Kaya hindi ako sa natutuwa lang sa'yo. Hindi lang ako basta masaya kapag kasama ka. Whenever I'm with you I'm feeling in love as well. Sabihin mo sa akin Nate," he paused at hinawakan nya ang magkabila kong pisngi, "sabihin mo sa aking hindi pa ako huli. Dahil hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko sa hindi pagsabi agad sa'yo."

"Para lang sa'yo, ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin."

Ibinaba ko ang gitara ko and I found myself reminiscing those memories back when I'm still with Nate.

Nung bago ko pa lang nadidiskubre ang kakaibang hugis ng pagmamahal. That love knows nothing. Love knows no gender. I love him and that's all that matter. Tama sila, hindi mo malalaman kung kailan titibok ang puso mo para sa isang tao.

Tumingin ako sa aking relo. It's already 7:45 pm. Alam kong darating siya. Darating si Nate.

8:00 pm.

8:47 pm.

9:30 pm.

Kinuha ko 'yung jacket ko sa bag na dala ko at isinuot ko ito. Ang lamig naman dito.

10:16 pm.

Nate, please. Dumating ka na. Ilang buwan na akong naghihintay ng ganito katagal.

11:13 pm.

Kanina ko pa himas-himas 'tong gitara ko dahil medyo inaantok na ako. Bumaba ako ng swing at humiga ako sa damuhan.

1:01 am.

Nate pakiusap. Balikan mo ako. Tuparin mo ang pangako mo sa akin. Nate, please. I miss you so much.

Hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako.

Nang magising ako, hindi na lang pala oras, linggo o buwan ang nakalipas. Taon.

Anim na taon ko na siyang hinihintay.

Naka-graduate na ako ng college. May trabaho na ako.

Naniniwala ako na kung mahal mo ang isang tao, kahit gaano katagal kang maghintay, hindi ka susuko.

Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit sinukuan ko siya.

Sumuko ako dahil hindi niya tinupad ang pangako niya.

ITUTULOY.

Pain ☑️Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora