Ω Kabanata XII Ω Panlilinlang

Start from the beginning
                                    

          Tiningnan naman ni Amihan ang nakayukong si Pirena saka niya naalala ang inihabilin sa kanya ng kanilang ina.

         "Mga konseho, mga Dama...at mga kawal iwan niyo muna kami." Sambit ni Amihan.

        "Ngunit Amihan...." Di pag-sang-ayon ni Danaya ngunit tinaas ni Amihan ang kamay tanda na pinatatahimik na muna niya ang nakababatang kapatid. Isa-isa namang umalis ang mga kawal, konseho at dama sa bulwagan ng Lireo.

           "Ngayon Pirena magsalita ka." Sambit ni Amihan na umupo muli sa trono nasa magkabilaang gilid naman niya nakatayo sila Alena at Danaya.

           "Gusto kong sabihin na nagsisisi na ako sa aking mga nagawa.....sa ating ina....sa inyo mga kapatid ko lalo na sayo Amihan." Nagsimulang tumulo ang luha ni Pirena.

           "Magtitiwala ka ba sa kanya Amihan? Minsan na siyang nagsinungaling sa atin pagtitiwalaan pa ba natin si Pirena?" Tanong ni Danaya sa Hara na puno ng pagdududa sa panganay na kapatid.

           "Ngunit nagbitiw ako ng salita sa ating ina....na muli kong pagkakaisahin tayong magkakapatid." Sambit ni Amihan.

          "Na siya namang dapat mangyari di ba Amihan." Nakangiting sambit ni Alena saka ito lumapit kay Pirena.

           "Kung bibigyan kita muli ng pagkakataon na makabalik isa lang ang hihilingin ko sayo Pirena." Sambit ni Amihan.

         "Kahit ano man iyon Amihan Ibibigay ko." Sambit ni Pirena.
         "Kung gayon ay ibalik mo sa akin ang brilyante ng apoy." Matigas na sabi ni Amihan na ikinagulat ng tatlo lalo na ni Pirena.

         "K-kung iyan ang iyong nais kamahalan." Sambit ni Pirena at kanyang inilabas ang brilyante ng Apoy.

         "Brilyante ng apoy ika'y aking ipinagkakaloob sa aking reyna." Sambit ni Pirena at kusang lumipat ang brilyante ng apoy mula sa kamay niya papunta sa kamay ni Amihan.

          "Mabuti Pirena...makakabalik ka nang muli sa Lireo." Sambit ni Amihan.

         "Avisala Eshma Amihan...aking Reyna." Sambit ni Pirena na pinahid ang luha nya saka siya niyakap ni Alena.

         "Masaya ako at nagbalik ka na Pirena." Sambit ni Alena kay Pirena na niyakap din niya. Samantalang di maitago sa muka ni Danaya ang pagdududa sa panganay na kapatid saka ito umalis ng bulwagan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

              Halos matumba si Ybarro ng dumating siya sa kuta ng mga mandirigma dahil sa sugat niya sa tagiliran.

          "Ybarro!" Gulat na sabi nila Paco at Wantuk na agad tinulungan si Ybarro na makapasok sa kubol nito agad naman na pumasok dito si Apitong ng malaman ang nangyari sa anak.

          "Anong nangyari kay Ybarro?" Nag-aalalang sabi ni Apitong. At nakita niyang walang malay si Ybarro.

         "Di namin alam amo....basta't dumating na lamang siya na may sugat....ngunit nagamot naman na ito ng ating kasamahan dito." Sabi ni Wantuk.

          "Ngunit ano nga kaya ang nangyari kay Ybarro? Sino ang may gawa nito?" Nagtatakang sabi ni Apitong.

           "Masasagot lamang natin yan Amo....kung gigising na si Ybarro." Sabi naman ni Paco. Napatango naman si Apitong sa sinabi ni Paco.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
               "Danaya ano ang ginagawa mo dito sa silid ni Lira?" Tanong ni Alena ng madatnan niya si Danaya na pinagmamasdan ang anak ng kanilang reyna.

         "Naisip ko lamang na bigyan ng encantasyon ang ating hadia....lalo na at bumalik na si Pirena." Sambit ni Danaya
          "Talaga bang di na babalik ang pagtitiwala mo kay Pirena?" Tanong ni Alena sa bunsong kapatid.

          "Hindi hanggat di niya napapatunayan muli ang kanyang katapatan sa Lireo at sa Hara Amihan." Sambit ni Danaya saka niya inilabas mula sa kanyang palad ang brilyante ng lupa.

          "Brilyante ng lupa....sinasamo ko ang iyong kapangyarihan........ dinggin ang aking encantasyon para sa aking hadia na si Lira.....bigyan siya ng panghabang-buhay na proteksyon ang aking hadia na si Lira laban sa aking kapatid na si Pirena." Pagbibigay ni Danaya ng encantasyon kay Lira saka lumiwanag ang brilyante ng lupa na tanda ng pagdinig ng brilyante ng lupa sa kanyang encantasyon.

            Inilabas din ni Alena ang kanyang brilyante ng tubig.
           "Brilyante ng tubig...sinasamo ko ang iyong kapangyarihan....... dinggin ang aking encantasyon bigyan mo ang aking hadia ng isang napakagandang tinig na magpapagaan at magpapalambot sa puso ng kung sino mang makaririnig." Nakangiting sabi ni Alena at nagliwanag ang brilyante ng tubig tanda ng pagdinig nito sa kanyang encantasyon para sa kanyang hadia.

           Saka nakangiting nagkatinginan sila Alena at Danaya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

             Habang inaayos ni Ades ang mga liham ng hinaing ng mga asqillesue ay may naalala si Amihan na matagal na niyang nais itanong sa punong dama.

         "Ades bago mamatay ng Ina.... May binabanggit siyang Ybrahim....may nakikilala ka bang Ybrahim?" Tanong ni Amihan sa punong dama na nagulat sa tanong ng reyna magsasalita na sana ito ng pumasok si Aquil.

             "Mahal na reyna naririto si Hitano para kayo ay kausapin." Sambit ni Aquil kay Amihan. Kaya naman naagaw nito ang pansin ni Amihan at binigyang daan si Hitano. Pumasok si Hitano na may dalang balabal na may bahid ng dugo.

          "Ano ang iyong sasabihin Hitano at ano ang hawak mo?" Sambit ni Amihan at kanyang pinagmasdan ang balabal na sa wari niya ay pamilyar sa kanya.

         "Ang hawak ko ay ang balabal ng mandirigmang si Ybarro." Sambit ng kawal. Napatayo naman si Amihan sa sinabi ni Hitano.

          "At ang bahid ng dugo na nariyan?" Tanong ni Amihan na may kaba sa dibdib.

           "Ang bahid ng dugo ay sa mandirigma sapagkat kanyang pinaslang ang ating kawal na si Liton ng magtangka siyang pumasok sa Lireo.... siya ay nasugatan ni Liton bago ito namatay." Sabi ni Hitano

            "At si Ybarro?" Sambit ni Amihan na napahawak kay Ades pagkat may pakiramdam siyang di niya magugustuhan ang sasabihin ni Hitano.

           "Siya ay napaslang ko dahil sa aking pagtatangol kay Liton na namatay din naman." Salaysay ni Hitano.

          Parang malakas na pagsabog para kay Amihan ang sinabi ni Hitano. Siya ay napa-upo.
          "Sigurado ka bang napaslang mo ang mandirigma Hitano?" Tanong ni Aquil.

           "Di ko sigurado pero kung buhay man siya.....alam niyo na ang kapalit ng pagpaslang ng isang mababang uring nilalang sa isang kawal ng Lireo ay kamatayan din......kaya Mashna Aquil bigyan niyo ako ng pahintulot na halughugin ang kuta ng mandirigma para malaman kung napaslang na nga ba siya." Sabi ni Hitano.

            "Ssheda Hitano....di mo gagawin yan.....sige na umalis na kayo ng aking silid tanggapan." Sambit ni Amihan na pinipigilan ang kanyang mga luhang maglandas sa kanyang pisngi, yumukod naman ang tatlo saka sila lumabas.

         Pagkasarado ng pintuan ay agad na tumayo si Amihan at kinuha ang balabal ni Ybarro at tuluyan nga kumawala ang kanyang luha para sa mandirigma.

          "Ybarro......" Mahinang sabi niya habang tumatangis.
.
.
.
.
.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
#TheConflictsBegin
Comments and Votes

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Where stories live. Discover now