Twenty Second Teardrop

Magsimula sa umpisa
                                    

I let out a small chuckle. "Ganito, Drew."

Humiwalay ako sa yakap nya at huminga ako nang malalim.

"Nakikita mo 'yung playground na nandoon malapit sa peryahan? Sa tuwing gusto mo akong makita, o nami-miss mo ako, umupo ka sa isang swing. Isipin mo na okupado ko 'yung isa. At kapag padating na ako, let's meet there. Sasabihin ko sa'yo kung anong araw. Hindi lang ako sigurado kung kailan. Pero doon tayo magkita. Para hindi mo maramdamang dalawang taon akong nawala. Babalik ako, Drew. Promise. Promise." Sabi ko.

He smiled sadly. "Ang dami mong nalalaman, Nate. Ang korni. Pero dahil mahal kita at may tiwala ako sa'yo, susundin kita. Hihintayin kita doon."

I smiled at him, genuine.

"Pano ba 'yan, Drew? Una na ako, ha? Kanina pa tayo basang-basa, baka magsakakit tayo, hindi pa ako matuloy sa pag-alis."

"Mas maganda nga 'yun. Parehas tayo. Hindi mo pa ako maiiwan."

I chuckled. Unti-unti na akong umatras palayo sa kanya as I bid goodbye. Kumaway na ako sa kanya.

"Bye,"

"Bye, Nate."

Tumalikod na ako. At habang naglalakad ako palayo sa kanya, at saka ako parang binagsakan ng isang napakalaking bato. Ang sakit. Ayoko siyang iwan pero desidido na ako sa desisyon ko. Aalis ako at tatakasan ko ang pinagdadaanan ko dito. Pero si Drew, hinding-hindi ko siya kakalimutan.

"Nate!" Tawag ni Drew mula sa malayo.

Nilingon ko siya at nakita ko siyang tumatakbo palapit sa akin.

At pagkalapit na pagkalapit niya sa akin, niyakap nya ako ng mahigpit.

"Mami-miss kita." Sabi nya.

My heart skipped at beat and felt pain at the same time.

Hinalikan nya ako sa noo, "Inuulit ko, mami-miss kita. Ngayon lang kita nakita after 3 weeks mong walang paramdam tapos lalayasan mo pa ako."

I looked at him. Binigyan ko sya ng isang encouraging na ngiti.

"Mami-miss rin kita, Drew. Hayaan mo. Pagkatapos nito, sisiguraduhin kong wala nang pwedeng manggulo pa sa atin." Sabi ko at kumalas na ako sa yakap nya.

"I love you, Nate." Sabi nya.

Umatras ako. Tatlong hakbang.

"Wala ka bang sasabihin?" Tanong nya.

"I took 3 backward steps. Ibig sabihin non, I love you too. Tagalog non."

"H-ha?"

"Mahal rin kita." Sabi ko.

Ngumiti siya. Isang masiglang ngiti. Isang determinado, may pag-asa, at ngiting punung-puno ng pagmamahal.

Tumalikod na muli ako at naglakad palayo sa kanya. Muli ring umagos ang luha mula sa mga mata ko.

Pangako, Drew.

~*~

DREW.

Akala ko, matatanggap ko. Pero sising-sisi ako ngayong pumayag ako.

Noong makita ko siyang naglalakad papalayo sa akin, parang unti-unti na ring binibiyak ang puso ko. Dalawang taon ko siyang hindi makikita.

Ngayong kakasabi ko lang sa kanya ng nararamdaman ko, paalis naman sya.

Parang gusto ko uli siyang pigilan at sabihin sa kanya na huwag na siyang tumuloy.

"Nakaamin ka rin," sabi ni kuya.

Kumuha ako ng tuwalya at pinunasan ko uli ang buhok ko. Kakagaling ko lang sa pag-anlaw.

I sigh.

"Kuya, sina mom kaya? Ano kayang sasabihin nila?" Tanong ko.

Tumingin ng seryoso sa akin si kuya. Tinanggal niya ang eyeglass niya.

"Kilala ko sila, Drew. Open minded sila. Alam nila ang tamang paraan para pagsabihan ka at alam rin nila ang limitations mo."

"Pero kuya--"

"Drew, trust me. Naipagpaalam na kita sa kanila."

"A-ano?"

"Drew, mas nauna ko pang marealize na mahal mo si Nate kesa sa sarili mo. Halatang-halata ka pre. Kaya sinabi ko sa kanila na inlababo ka. Hindi sila nagalit. Tinanong pa nga nila kung sinong bottom o top. Sabi ko ikaw 'yung bottom."

Muntikan na akong madulas sa hagdan sa sinabi ni kuya. Puta.

"Kakatayin talaga kita, kuya."

"Chill bro, joke lang 'yun. Pero honestly, nakausap ko talaga sila at wala silang problema."

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa pinagsasasabi ni kuya na hindi nagalit sina mom and dad o maiinis ako sa kanya kasi matagal na pala nya akong ini-spy.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong nya.

Lumapit siya sa akin at tinapat niya ang phone niya sa mukha ko, "Ayan oh, call history!"

"Oo na! Oo na! Magbibihis na ako!" Sabi ko na lang.

Ok, ok. Fine. Justified.

I smiled.

~*~

NATE.

"Nate, hindi mo talaga siya naalala?" Tanong sa akin ni kuya JP habang nag-aayos kami ng mga gamit na dadalhin ko.

"Familiar kuya. Pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakilala."

"Si Kimer? Kimer tawag mo sa kanya nung bata pa kayo. Khymer Gonzales. Ano? Hindi mo pa rin siya naaalala?" Sabi nya.

Teka, kilala ko si Kimer pero si Khymer, hindi. Unti-unting nanlaki ang mata ko nang ma-realize ko ang aking kainosentehan.

"Si Kimer 'yun? 'Yung nakita ko? Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay kuya.

Si Kimer. Kapitbahay lang namin dati 'yon na madalas kong makalaro. Kuya-kuyahan ko pa nga 'yon. Naalala ko dati noong tinakot nya ako sa Piccolo. Nahulog ako sa hagdan. Umiyak pa nga sya kakasorry sa harap ni nanay.

Napakatagal na nun. Dugyutin pa ako. Tatlong taon pa lang ako nun pero tandang tanda ko pa rin kung paano  kami parehas mahulog  sa hagdan, muntikang mahulog sa barko at kung paano kami magkaron ng tampuhan. At lahat ng kawalang-hiyaang ginawa namin.

At ang Kimer na 'yun? Ang layo sa Khymer na nakita ko sa National Book Store.

"Oo, Nate. Tumawag sa akin. Nagtampo nga sa'yo yun, hindi mo na daw kasi siya naalala." Sabi ni kuya.

"Eh kasi naman, ang laki na nang pinagbago nya." Sabi ko.

Ginulo niya ang buhok ko at napangiti na lang ako sa sarili kong katangahan.

Naisip ko, matagal na panahon na rin nung huli kaming magkita ni Kimer. Kung naalala ko lang na siya 'yun, ang dami kong gustong i-kwento sa kanya.

I sigh. Napatingin ako sa orasan. Ilang oras na lang, aalis na ako.

Hintayin mo ako, Drew.

At pagbalik ko, doon pa lang mag-uumpisa ang tunay nating kwento.

ITUTULOY.

Pain ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon