Twentieth Teardrop

Depuis le début
                                    

"Hindi Nate. May problema. Gusto kong mag-usap tayo. Nakakapanibago, eh. Kahapon lang ayos pa tayo tapos ngayon, ganito na agad? Dedmahan na lang? Ayoko ng ganun, Nate. Nakakaloko 'yun. Parang binabastos mo lang ako eh." Sabi ko.

Hindi sumagot si Nate. Lalong nag-init ang ulo ko. Hinigit ko siya papuntang fire exit at isinandal ko siya sa pader.

"Drew, masakit." Sabi nya.

Hinawakan ko siya sa magkabilang braso nya at tinitigan ko siya sa mata.

"Sabihin mo sa akin ang problema. Nate, ayoko lang nang naguguluhan ako. Gusto kong malaman kung bakit ka nagkakaganito. Ayoko nang bigla-bigla mo na lang ako dededmahin."

"D-drew, magpapaliwanag ako. Pakiusap, bitawan mo muna ako." Pagmamakaawa nyam

Unti-unti ko siyang binitawan. Napahawak siya sa may balikat niya na kanina ko pa napapansing madalas nyang hawakan.

Nagulat ako nang biglang may tumulong dugo mula sa manggas ng uniporme nya. At ngayon ko lang rin napansin na mapula na pala ang manggas nya. Maging ang kamay ko ay may dugo na.

Napatingin ako kay Nate while I'm shocked to death. Hinawakan ko ang manggas ng polo nya at itinaas ko ito. Mayroon syang isang malaking pasa sa braso. Sa gitna ng pasa ay may sugat na nanariwa. Alam kong ako ang may gawa nito. Pero hindi 'yung pasa.

Sinubukan ko ring itaas ang laylayan ng kanyang uniform. Pinatalikod ko siya at itinaas ko pati ang panloob nyang sando. At nakita ko pa ang mga malalaking pasa. Halos maga at nangingitim ang kanyang likod hanggang bewang dahil sa mga pasa.

"N-nate," tanging nabanggit ko.

Binaba na ni Nate ang laylayan ng uniform nya. Sinubukan ko syang tingnan sa mata pero pilit nya naman itong iniwas.

Napapikit ako. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Ganito katinding pag-aalala at galit. Pati sa sarili ko, nagagalit ako.

"Nate, sabihin mo sa akin kung sino ang gumawa nyan sa'yo."

Mahinang sabi ko nang hindi nakatingin sa kanya. Hindi siya sumagot. His lips trembled.

"D-drew," tanging nasabi nya.

Nang maramdaman kong malapit nang tumulo ang luha nya ay niyakap ko siya.

Ang dami kong mga tanong sa mundo. Ang dami kong gustong malaman. Pero ngayon -- at tanging ngayon lang -- kailangan kong malaman kung sino ang gumawa nito sa kanya.


~*~

"Gusto ko nang lumayas.. Gusto ko nang tumakas, Drew. Ayoko nang manatili pa doon.."

Hinayaan ko lang si Nate na magkwento ng mga naranasan nya. At habang nagk-kwento sya, nakayukom lang ang kamao ko.

Parang ang dami kong gustong gawin bigla. Gusto kong manakit, manapak, manuntok at mambugbog.

"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin na ginagago ka ng hayop na 'yon?" Sabi ko.

"Drew... ayaw kong may madamay sa gulo ko."

"Pero Nate! Hindi mo pwedeng sarilihin 'yan! I'm here para makinig sa'yo, matulungan ka at mailigtas ka! Nate look, maybe yes magkaibigan lang tayo, magkaklase or what pero hindi ibig sabihin noon, hindi ka na pwedeng lumapit sa akin para humingi ng tulong."

Napapikit ako. Naaawa ako kay Nate. Naaawa ako sa kalagayan nya. Lubos siyang nasasaktan at hindi ko alam kung ano bang uunahin kong gawin para matulungan sya.

Pain ☑️Où les histoires vivent. Découvrez maintenant