Nineteenth Teardrop

Beginne am Anfang
                                    

Parang tinatamad ako. Ayokong gumalaw muna sa ngayon dahil masasakit ang katawan ko. May tumutusok rin sa puso ko. Kung ano-ano ang nararamdaman ko.

Bahala na. Hindi ko na 'to masyadong iisipin. Ayokong dagdagan ang mga gumugulo sa isip ko.

~*~

"Alam mo Nate, nakakatampo ka na. Lagi mo na lang kasama 'yung si Rachel." Sabi ni Chique.

"Oo nga. Ang dalang mo na lang kaming samahan pag lunch. Hay nako. Wag mong sabihing inlababo ka sa girl na 'yon?"

I just smiled. Napilitan na akong sumama sa kanila. Totoo naman kasi sila na hindi ko na sila masyadong nakakasama.

Naalala ko si Rachel. Pinagpapatuloy nya kaya ang checklist? Bahala na sya. Nawawalan na ako ng gana. Siya na ang magpatuloy noon. Sira na ang buhay ko. Ayokong lalo itong sirain sa pamamagitan ng pags-self torture.

"Sa iba ako inlove," sabi ko.

Nagulat 'yung dalawa.

"Talaga? Kanino?"

"Kay Drew." Sabi ko.

Natahimik silang dalawa. Ayoko na ring i-deny. Gusto ko na may makaalam na. Parang sasabog ako kung kikimkimin ko 'to, eh.

Hindi sila umimik.

"Well, I'm kind of falling harder for him. Nakakatawa, 'no? Unrequited. Sobrang cliché. Hindi na ako magd-drama. Feeling ko kasi kababawan lang 'tong nararamdaman ko." Sabi ko.

"No, Nate!" Biglang sabi ni Chique.

"We don't care. Oo, nagulat kami sa sinabi mo pero alam mo, walang love na mababaw. Lahat may deep connections. At naiintindihan ka namin kung bakit ka nahulog sa kanya. Kasi kami mismo, nakikita namin kung paano ka nya i-trato. Hello, nakaka-assume kaya sya! Kahit ako sa'yo, Nate. Mahuhulog at mahuhulog ako." Dagdag pa nya.

Jaycel agreed.

I smiled sadly. Minsan talaga, kelangan mo ng time para makapag-isip ng mga bagay bagay. Kelangan mo ng oras, ng panahon, para mapagdesisyunan mo nang maigi ang mga sasabihin mo. Ang mga gagawin mo.

"Nakakainis naman kasi siya eh. Bigay sya ng bigay ng mixed signals. Kaya eto ako. Lagapak sa kanya. Ayoko namang mag-assume sa lahat ng ginagawa nya dahil unang-una sa lahat, kaibigan ang turing nya sa akin." Sabi ko.

Jaycel sigh. "Hindi mo rin masasabi, Nate."

Nilingon ko siya.

"Maaaring para sa'yo, kaibigan lang ang turing nya sa'yo dahil ayun ang pilit mong iniisip kasi natatakot ka. Hindi mo rin masasabi hangga't hindi mo nalalaman ang nararamdaman nya. Sigurado ka na ba? Alam na alam mo ba ang pakiramdam nya? Kaibigan lang ba talaga? We can't just conclude for an open thought, Nate. Kung maaari, mag-take ka ng risk." Sabi ni Jaycel.

Matagal nang pumapasok sa isip ko 'yan. Pero mahina ang loob ko. Unang-una, pakiramdam ko wala akong karapatan. Pangalawa, nakikita ko kung paano sya makitungo sa iba. Halos pare-parehas lang. Pangatlo, hindi ako babae. At ayokong magpakababae.

Ang kailangan ko ngayon, tapang at swerte.

Tapang -- na magtapat sa kanya ng tunay kong nararamdaman.

Swerte -- para tugunan nya ang nararamdaman ko.

Pero sa mundo ng pag-ibig, ang tinatamaan lang ng pana ni kupido ang sinu-swerte at ang kanilang ka-match.

Sa kaso ko, ako lang ang tinamaan. Walang ka-match. At malakas ang pakiramdam ko na hindi si Drew ang ka-match ko.

Nang mapagdugtung-dugtong ko ang lahat, lahat ng pwedeng mangyari, maging resulta ng magiging desisyon ko at ang mga bagay na maaari kong gawin para makatakas sa pinagdadaanan ko, nagcome-up ako sa isang desisyon.

Desisyong maaaring pasisihan ko.

Pero isa lang ang gustung-gusto kong mangyari.

Ang makaalis sa kinalalagyan ko ngayon.

ITUTULOY.

Pain ☑️Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt