Ω Kabanata IX Ω Mga Nababagabag na Damdamin

Comincia dall'inizio
                                    

Pagpasok ni Amihan sa kanyang silid ay di maalis sa kanyang isipan ang nangyari sa kuta ng mandirigma na ang Ybarro yaon ay ang encantado sa kanyang panaginip.

Di ngayon alam ni Amihan kung marapat ba niya itong sabihin kay Alena, ngunit nababatid niya na maaaring masaktan ang kanyang kapatid o di kaya any magtanim ito ng sama ng loob sa kanya at ito ang huling bagay na nanaisin niyang mangyari sa pagitan nila ni Alena.

Sumagi sa isipan niya ang kanyang ina..... Kung may dapat na makaalam ng naganap ito ay walang iba kundi ang kanyang ina.....nasisiguro niya na may solusyon para sa suliranin na ito ang kanyang ina.
.
.
.
.
.
.

.
.
.
.
.
.
.
.
Itiniklop ni Mine-a ang liham na ginawa nya para sa kanyang panganay na anak na si Pirena. Mula ng umanib ito sa mga hathor ay ninanais na niyang maka-usap ito ngunit mailap ang kanyang anak at ayaw nitong maka-usap siya, sadyang matigas siya tulad ng pinanggalingan ng kanyang kalahating dugo.

"Ades....." Tawag ni Mine-a sa punong dama ng kaharian. Agad naman na lumapit ito sa kanya.

"Mahal na Reyna." sabi ni Ades ng nakalapit na ito sa kanya. Iniabot niya ang tatlong liham dito.

"Nais kong itago mo sa pag-iingat mo ang mga liham na iyan na para sa aking tatlong anak..... At ang isang ito ay kay Pirena." Sambit niya at ibinigay ang huling liham kay Ades.

"Ang liham para kay Pirena ay nais kong maibigay mo na sa kanya dahil umaasa ako na sa liham na yan ay mapagtatanto niya na mali ang kanyang iginawi..... At mahal na mahal ko siya." Sabi Inang Reyna sa Punong dama

"Masusunod Mahal na Inang Reyna"'sabi ni Ades at saka nito kinuha ang mga sulat at marahang naglakad palabas ng silid ni Mine-a.

Patayo na sana si Mine-a ng pumasok si Amihan sa silid ng kanyang ina.

"Ina maaari ba tayong mag-usap?" Tanong niya sa kanyang ina.
"Maaari naman Amihan.... Ano ang nais mong pag-usapan natin." Sabi ni Mine-a na minuwestrahan si Amihan na maupo.

"Ang mandirigmang katipan ni Alena.....si Ybarro." Sambit ng anak niya na ikinakunot ng noo ni Mine-a.

"Ano ang ukol sa mandirigmang yaon?" Tanong ni Mine-a.
"Ang mandirigmang yaon ang ang ama ng aking anak..... Ina si Ybarro ang encantado sa aking panaginip." Pagsisiwalat ni Amihan ng kanyang nalaman sa kanyang ina na nagulat sa kanyang sinabi.

"Nasisiguro mo ba ang iyong sinasabi?" Tanong ni Mine-a. Tumango naman si Amihan. Naguguluhan naman si Mine-a bakit ang isang mandirigma lamang ang ibibigay ni Emre para maging ama ng anak ng isang reyna?

"May napagsabihan ka na ba nito Amihan?" Tanong niya sa anak.
"Wala pa ina." Pagtatapat ng reyna.

"Kung ganoon ay pansamantala mo munang ilihim ito.walang dapat maka-alam." Sambit ni Mine-a sa anak.

"Masusunod Ina." Sambit ni Amihan. Samantalang si Mine-a ay may naisip na paraan para makilala ang Ybarro na ito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Marahang lumabas ng tarangkahan ng Lireo si Ades ng salubungin siya ni Gurna.

"Punong Dama sa wari ko ay nagmamadali kayo." Bati nito kay Ades.

"Siyang tunay Gurna pagkat nais ko nang ibigay kay Sang'gre Pirena ang liham mula sa kanyang Ina." Sagot ni Ades sa dama.

"Kung gayo'y magtutungo ka sa Hathoria? Kung nasaan si Sang'gre Pirena?" Tanong muli ni Gurna.

"Ganun na nga Gurna." Sagot niya.
"Punong Dama masyadong mapanganib ang Hathoria para sa isang katulad mo.... Ako ay may naisip bakit di na lang ako ang magtungo roon..... Mas madali kong maibibigay kay Sang'gre Pirena ang liham ng Inang Reyna Mine-a." Nakangiting sabi ni Gurna kay Ades. Napaisip si Ades, tunay naman ang mga tinurab ni Gurna at isa pa si Gurna ang pinakamalapit kay Pirena. Tumango-tango si Ades.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora