Fifteenth Teardrop

Start from the beginning
                                    

"Mahal na mahal ka nya. Ako? Inggit na inggit ako sa'yo noong mga panahon na 'yon. Nilamon ako ng inggit. Ng galit dahil sa kadesperadahan ko. Kaya naman nagawa ko ang isang bagay na hanggang ngayon, pinagsisisihan ko pa rin. Ginahasa ko sya."

Sinuntok ko siya sa mukha. Malakas.

"Gago kang demonyo ka," sabi ko.

Napahawak sya sa panga nya at nakita kong dumudugo ang ilong nya.

"N-noong una, wala akong tiwala sa pagmamahal mo kay Rachel. Kaya noong nakita kong mag-isa siya -- sa waiting shed, hinalikan ko siya nang biglaan. Binigla ko siya. Alam mo kung bakit? Kasi alam kong pupuntahan mo siya. At alam mo ba na alam kong nakita mo kaming dalawa? Ang bobo mo Drew. Wala kang kwentang kasintahan. Wala kang tiwala sa mahal mo. At doon ako dinala ng kawalan mo ng kwenta. Nilasing ko sya at ginahasa. Tutal, alam ko na naman na hindi nya ako gugustuhin kahit kailan. Kahit papaano, kahit tumagal kayong dalawa, ako pa rin ang nakauna sa kanya,"

Sinuntok ko uli siya. 'Yung mas malakas to the point na napatumba sya.

Isang demonyo, isang demonyo ang taong nasa harapan ko ngayon. Hindi siya normal. May sakit na sya.

Labis na galit ang naramdaman ko ngayon sa kanya. Tangina. Napakawalang-hiya nya.

Tatayo na sana siya pero sinuntok ko uli siya.

"Tangina mong gago ka! Paano mo nagawa sa amin 'to?"

Hindi siya nakapagsalita agad kaya hinawakan ko ang kwelyo niya.

"D-drew, kaya nga ako nandito para sabihin ang totoo.. Ngayong alam mo na, pinapaubaya ko na sa'yo si Rachel. Wag mo na siyang saktan!" Sabi nya.

Napabitaw ako ako sa kanya.

Pinapaubaya na niya sa akin si Rachel. Si Rachel na napagbintangan kong manloloko.

Tangina, eto na. Naguumpisa na akong sisihin ang sarili ko.

Ngayong alam ko na ang totoo, ano na? Ano nang mangyayari? Dapat ko na bang kausapin si Rachel? Dapat ko na ba siyang bigyan ng isa pang pagkakataon? Magbabago na ba uli ang tingin ko sa salitang kapatawaran? Papatawarin ko na ba siya?

Pero wala na. Wala na akong nararamdaman kay Rachel. Awa na lang. Awa. At naiinis ako ngayon sa sarili ko dahil napabayaan ko siya. Nagahasa siya. Ang malala, napagbintangan ko pa.

Ang lala.

Maya-maya ay unti-unting tumayo si Santi.

"P-pero ito ang tatandaan mo. Huwag mo siyang balikan sa dahilang sinabi ko sa'yo ang totoo. Balikan mo siya sa dahilang mahal mo pa siya."

~*~

NATE.


"Nate! May alam na ako!"

Nilingon ko si Rachel na papalapit sa akin. May dala-dala siyang isang banner.

Nandito ako ngayon sa The Student's Park. Teka, 'wag nyang sabihin na ako pa ang pagbibitbitin niya ng banner na dala nya! Ang dami ko na ngang dala ngayon, kagaya nitong gitara na nasa likod ko na regalo sa akin ni kuya JP nung pasko. May project kasi kami sa Contemporary Philippine Arts from the Region.

Recess kasi ngayon. Kanina pa rin ako hindi pinapansin ni Drew. Tinanong ko rin siya kanina kung anong problema. Sabi naman nya ay gusto muna nyang mapag-isa.

Edi mag-isa siya dyan. Bahala sya sa buhay niya. Kahit na gustung-gusto ko na siyang kausapin.

"Ano yan?" Tanong ko kay Rachel na ngayon ay katabi ko na.

Pain ☑️Where stories live. Discover now