Fourteenth Teardrop

Magsimula sa umpisa
                                    

"Anong gagawin ko? There's no way para patigilin ko siya sa drama nya."

"Pero Drew,"

"Tara na, male-late na tayo." Sabi nya at umuna na sya sa paglalakad.

Napabuntong-hininga ako.

It's ok, Rachel. Gagaan din ang loob nya.

~*~

Pagdating ng recess ay nagpaalam sa akin si Drew na may biglaan silang training. Nagtaka nga ako kung bakit siya nagpaalam sa akin. Hindi ko naman sya pipigilan doon.

Kaya ang tendency, mag-isa ako ngayong pumunta sa The Student's Park.

I sigh. Hindi ko alam kung kailangan ko pa bang tumuloy sa gagawin kong pagtulong kay Rachel regarding the checklist. Iniisip ko rin kasi kung para sa akin ba talaga kung gagawin ko 'yun.

"Nate, may idea ako!"

Nakita ko si Rachel na papalapit sa akin. Dala-dala nya 'yung checklist

"Idea?"

Umupo siya sa tabi ko, "Yep. I'll be asking Drew for a lunch, at gusto ko sana..."

Tiningnan ko si Rachel sa mata. Determinadong determinado siyang gawin 'yung mga nasa checklist na sa totoo lang, hindi ko naman talaga pinag-isipan noong sinulat ko 'yun.

Parang hindi siya umiyak kanina. Parang hindi siya nasaktan. Ang galing nyang magtago. Mas magaling pa siyang magtago ng nararamdaman kaysa sa akin.

"Sana...?" Sabi ko.

"...na set him up for me? Please. Kita mo naman siguro 'yung bitterness nya kanina. Wala talaga siyang balak na kausapin ako."

Medyo napaiwas ako ng tingin. Nakakatawa na ganito ang ginagawa ko.

Kahit ilang beses ko pang lokohin ang sarili ko, gusto ko rin si Drew. Gustung-gusto ko siya. At itong ginagawa ko, sa tingin nyo ba hindi ako nasasaktan?

"Rachel," I sigh. "Ok, ok. Sige. Pero mamaya, may training pa daw sila eh."

She smiled genuinely. "I love you Nate! Oh my gosh!" Sabi nya at napayakap pa sya sa akin.

Gustuhin ko man syang itaboy palayo sa akin, hindi ko magawa. Ang sama ko naman nun. At saka mabait sya.

Ngumiti na lang ako. Ibinigay nya muna sa akin 'yung checklist then nagpaalam na sya. May gagawin pa daw kasi sya.

I sigh.

~*~


"Dali na Drew! Jusko, lunch lang 'yun! Kung ayaw mo siyang kausapin, edi wag! Basta sabayan mo lang siyang mag lunch tapos." Pagpupumilit ko kay Drew.

Nandito kami ngayon sa hallway at ako naman 'tong parang aso na sunod nang sunod sa kanya. Shet. I hate it but I have to do this. Lunch na kasi at paniguradong naghihintay na si Rachel doon sa pagkakainan nila.

"Ayoko nga syang kausapin tapos ise-set mo pa akong makipag-lunch sa kanya? Ano 'to, magkuntsabahan ba kayo? Binayaran ka ba nya?"

Napairap ako. Naloloka ako sa mga iniisip nya. "Drew, alam kong mahirap ako pero hinding-hindi ako magpapabayad ng pera kapalit ng isang pabor. Gusto lang nyang makipag-lunch with you and that's it. Walang kuntsabahang naganap."

Putek na 'to. Medyo naiinis na ako.

At mas lalo pa akong nainis nang hindi nya ako pansinin.

"Drew."

Pain ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon