Thirteenth Teardrop

Start from the beginning
                                    

"Hindi ka sasakay?"

Napamulat ako. Nagulat ako dahil sa halip na motor o kotse ang nakita ko, isang bike ang bumungad sa akin.

Napangiti ako.

"Diyan tayo sasakay?"

"Hindi. Dito tayo magse-sex," sabi nya.

Inirapan ko sya.

"Eh ano pa bang gagawin natin dito? Tititigan at hihintaying makapag-time travel tayo?" Pamimilosopo pa nya.

Hindi na ako nakipag-asaran pa sa kanya at umangkas na ako sa bike. Alam nyo gustong-gusto ko talaga ang mga bike kaso, you know, 'di ako marunong. HAHAHA. Kala nyo 'no?

"Naisip ko, bike na lang para mas nakakarelax." Sabi nya. I smiled a little.

Tama naman sya. Kapag motor kasi, hindi mo maeenjoy 'yung view. Eh kapag bike, mas mae-enjoy mo 'yung moment. Basta, nawa'y ma-gets ninyo ako.

Nakakainis ka, Drew. Tapos itatanong mo sa akin kung gusto kita? Nang-aasar ka ba?

Eto nga ako oh, hulog na hulog.

Kahit hindi pwede. Kahit masakit.

"Nate, hindi ko na alam ang gagawin ko." Sabi nya habang nagda-drive.

"Ha?"

"Well, you know. Rachel. I keep on pushing her away pero sya, lapit nang lapit. Naiinis na ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Dapat ko ba syang pansinin? Iwasan? Layuan? Ewan." Sabi nya.

"Wala kang magagawa. Mahal ka nung tao eh. Sa tingin mo ba magagawa nya 'yun kung hindi? Nagiging desperada na sya dahil sa pagmamahal nya sa'yo."

Totoo yun. Nararamdaman kong mahal na mahal ni Rachel si Drew. At ako? Eto, tamang pagpapakamartir lang.

Hindi ko naman magawang magalit kay Rachel dahil una, wala akong karapatan. Pangalawa, wala siyang ibang ginagawang masama. Pangatlo, ang bait bait nya.

"Tanginang drama 'yan, mahal? Eh niloko nga ako eh tapos mahal?" Sabi nya.

Natameme ako. Oo nga naman. Kung mahal talaga nya si Drew, bakit sya nagloko?

"Baka may dahilan sya kung bakit nya nagawa 'yon."

Sabi ko na lang. Hindi ko rin kasi alam ang sasabihin ko.

Nang maihatid na ako ni Drew hanggang tapat ng bahay namin, nagpasalamat na ako at nagpaalam na rin siya.

Tahimik akong pumasok ng bahay. Ayokong gumawa ng anumang ingay. Baka mamaya, nandito na naman 'yung hayop na si Arnold kahit alam kong bukas pa sya babalik.

Pagkapasok ko ay may narinig akong nag-uusap.

"Oo nay, ayos naman si Nate. Binibigyan ko sya ng allowance. Gusto pa nyang mag-aral at ayoko rin naman na tumigil siya."

"Nay, alam nyo 'yun. Mahal ko 'yun. Kapatid ko 'yun eh."

"Hindi, pero pre, maraming sumusuko sa boss namin. Bakla kasi tapos masungit pa. Syempre madadaan-daan ko pa naman sa charm ko kaya ayun, stay strong ako dun haha"

"Mukhang ayos naman nay. Naaalagaan naman si Nate. Mabait naman sya."

Napatingin ako sa nakaawang na kwarto ni kuya JP. At doon ko siya nakitang may ka-vc sa mumurahin nyang laptop.

Si nanay. Si kuya Mac at kuya Lance.

Noong nakita ko sila, doon ko naramdaman na sobrang miss na miss ko na talaga sila.

Napatingin naman ako kay kuya JP. Naka shorts lang sya at tuwang-tuwa siyang kausap sina nanay.

Nakaramdam ako bigla ng kaba. Bakit ganito? Parang natatakot akong harapin sila ngayon. Parang may kailangan akong itago. Lalo na kay kuya JP, na hindi ko alam ay umuwi pala ngayon.

Dumiretso muna ako ng kwarto ko at nagpalit ng sweater at pajama. At pumunta ako sa kwarto ni kuya.

The moment na makita nya ako ay agad-agad syang tumayo at niyakap ako.

Niyakap ko rin sya pabalik. Sanay na sanay ako sa ganitong paglalambing ni kuya. Sa kanilang tatlo, siya lang naman ang pinakamalambing eh.

"Musta?" Tanong ni kuya.

Ngumiti lang ako at nagthumbs up sa kanya. Umupo na kami at humarap sa kanyang mumurahing laptop.

"Nate?! Ang gwapo-gwapo talaga ng bunso ko!" Sabi ni nanay at halos mangiyak-ngiyak pa sya.

Si nanay naman, parang walang alam sa pagkatao ko ah?

"Uy si bakla! Musta? Balot na balot ka ah," si kuya Mac.

"Oo nga haha, Nate hindi nakaka-sexy 'yan!" Si kuya Lance. At tumawa sila.

Tumingin ako kay kuya JP. He's smiling at me. Bigla naman naghalo-halo ang mga nararamdaman ko. Excitement, tuwa, kaba, at takot.

Pero nangingibabaw ang saya ko. Ang saya saya ko.

"Mga baliw!" Sabi ko.

Kahit ganyan ko sila kausapin, alam nila na miss ko na sila.

"Musta, Nate?" Tanong ni nanay.

Ngumiti ako, "Ok lang ako, nay."

"Mabuti naman. Miss ka na rin ng dalawang mokong na 'to oh!"

Napatingin ako kina kuya Lance at Mac.

"Oo nga, miss ka na naming bakla ka! Nabasa mo 'yung sulat na iniwan namin? Kumakain ka ba ng maayos? Ayusin mo ha."

Napangiti na lang ako. Wala pa ring nagbabago sa kanila.

"Kuya,"

"Oh, bakit? Iiyak ka? Yiiee iiyak na 'yan!" Sabi ni kuya Lance. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Tuleg, hindi. Miss ko lang talaga kayo." Sabi ko.

"Aww, sweet naman.."

"Anak," si nanay.

Tumingin ako kay nanay.

"Ayos ka lang ba diyan? Kumakain ka ba ng maayos?"

Napatawa ako ng mahina, "Oo naman, nay. Kilala nyo ako. Minsan lang ako mawalan ng ganang kumain. Madalas akong lumamon." Sabi ko.

"Mabuti naman. Eh ang tatay mo? Pinadalhan ko siya nung isang linggo, at nagpadala rin ako ng para sa inyo ni JP, naibigay na ba?"

Natigilan ako. Nawala ang ngiti sa labi ko.

Nay, dyan na lang ako sa inyo. Binabawi ko na ang desisyon ko. Punta kami diyan. Pakiusap.

Ngumiti ako nang pilit,  "Ayos naman nay, naibigay na po sa amin."

My lips trembled. Naiiyak ako. Takte, ayokong umiyak sa harapan nila. Ayokong magpakita ng kahinaan.

"Anak ha, 'yung mga bilin ko sa'yo --"

At biglang naputol ang tawag.

Napatingin ako kay kuya. Nginitian ko siya.

"Kuya, pwede kaya natin silang bisitahin doon? Miss ko na kasi sila. Punta tayo, ngayon na. Teleport tayo."

ITUTULOY.

Pain ☑️Where stories live. Discover now