CHAPTER 54: MOST PRECIOUS GIFT

Start from the beginning
                                    

Hindi nya kasi kayang magsikreto kay Kien. Takot siya kay Kien. Pero sakin hindi. Ayos eh no?

“haha! Wag ka mag-alala hijo. Wala akong sinabi sa kanya. Basta galingan mo. Hahaha! Dahil walang kwenta preparasyon mo kung susumpungin yon. Alam mo naman yon.” – manang.

Pagkasabi ni manang nun ay sabay kaming natawa. Haha! Sira talaga plano pag sinumpong siya. Kaya dapat mapagoodmood ko to.

Nakangiti akong iniwan si manang sa may sala at umakyat papunta sa kwarto ni Kien.

*toktoktok*

 

Ilang sandali ay bumakas ang pinto.

“bakit?” sabi niya.

Napangiti naman ako sa itsura nya. Halatang bagong gising lang. Haha!

“nakatulog ka?” nakangiting tanong ko.

“hmm! Boring eh. Saktong kakamulat ko lang nung kumatok ka.” Kalmado nyang sabi.

Manang, eto ba may topak?

“hanap mo daw ako sabi ni manang?”

“oo kanina. Kaso wala ka. Kaya si Pards nalang tinawagan ko.” sagot niya.

ANOOOOO?! PARDS!!? Bwisit! Pards na naman. -_-

Bigla akong nakaramdam ng inis kaya nawala ang ngiti ko.

“wag ka sumimangot dyan. Tinanong ko lang kung pano mag update ng software ng S4. Kinakain na ako eh haha! Wala ka naman, kaya siya nalang tinawagan ko. malay naman ni manang kung pano yun diba?” paliwanag nya.

ICE PRINCESS MEETS HER ICE PRINCE (COMPLETED) (EDITING)Where stories live. Discover now