Tenth Teardrop

Magsimula sa umpisa
                                    

Umupo na ako. Maya-maya pa ay in-occupy na rin niya yung seat sa tabi ko without saying a single word.

Napatingin ako sa orasan sa taas ng board. Ok, mali pala ako. Hindi pa pala kami late. 20 minutes pa bago ang time.

Kaya naman nagulat kami noong hindi pa time ay bigla nang pumasok ang aming adviser. May kasama siyang isang babae.

Isang pamilyar na babae.

"Siguro naman, aware na kayo 'diba? She's Rachel Torres, some of you may know her. She's also a social media sensationer like Drew," tumingin si sir kay Drew, "at ako ang pumili na dito na lang siya para dalawa na ang sikat sa section nyo." Sabi ni Sir.

"Good morning guys, call me Rachel. I'm from St. Luke Catholic School. Nice meeting you all," sabi ni Rachel at ngumiti siya.

Habang ako eh nakatulala lang sa kanya. Maganda siya sa personal. Sa picture ko lang kasi siya nakita. Para siyang isang manika. At ewan ko ba kung anong plano ni tadhana para sa amin. Sa sobrang liit ng mundo ay dito pa napadpad ang girlfriend ni Drew.

Maybe since ayos na nga sila ulit ay sinundan nya si Drew. Ok, I understand now.

Tumingin ako kay Drew na ngayon ay nanlalaki ang mata sa gulat. Hindi ko alam kung umaarte lang ba siyang nagulat dahil sinundan sya ng girlfriend nya o talagang sinurprise sya.

"Ms. Torres, bakit mo naisipang dito sa public mag-aral ng senior high?" Tanong ni Sir.

Rachel smiled, "may kukunin lang akong akin." sabi nya.

Sus. Kakornihan. Kuhang-kuha na nga nya.

Tumingin siya kay Drew. Tumingin rin ako kay Drew and now, he's expressionless.

Teka, hindi ba sya masaya? Baka naman nag-LQ sila. Kaka-ayos lang nila LQ agad? Aba matinde.

Nagsihiyahawan 'yung mga kaklase kong lalaki ng "oooowww". Wala lang. Pakikisimpatya ata. Char.

"You may seat," sabi ni Sir.

Napatingin si Rachel sa likuran ko at duon siya dumiretso. Bakante kasi. Absent 'yung nakaupo.

Kung titingnan mo si Rachel, ang ganda ganda niya. Para siyang isang manikin. Ang haba ng pilik mata niya. Parehas sila ni Drew. Bilugan ang mata nya na sobrang itim. Makinis rin ang mukha nya.

Napatingin si Rachel sa akin. She smiled at me. Nginitian ko lang rin sya.

"Rachel," pakilala nya.

Nagulat ako nang bigla niya alukin ang kamay niya sa akin. Tiningnan ko muna ito.

Hindi uso sa akin ang handshaking. Baka sa mga richkid na galing private kagaya nya, pati ni Drew, uso sa kanila.

"Nate," sabi ko at tinanggap ko ang kamay nya. Ako na rin ang unang bumitaw.

Si Drew naman ang nilingon nya, "Hi Drew! May promise ako sa'yo, 'diba? Nandito ako para tuparin 'yon," sabi niya at umupo na rin siya.

Hindi umimik si Drew. Nakatingin lang sya sa harapan habang nagpapara-ining ng piso sa arm rest nya.

Medyo lumungkot ang itsura ni Rachel at umupo na lang sya sa upuan niya. Maya-maya naman ay may mga lumapit rin sa kanya para makipag-kilala.

Pain ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon