Chapter 22 Shadows from behind

35 2 2
                                    


Si Cassidy at Justine ay malapit na sa pinaka-asam asam na pagkapanalo sa World Match. Habang nagkakalapit silang dalawa, patuloy na na dadaragdagan ang mga tauhan sa kuwento, ano pa kaya ang maaring mangyari sa dalawa at sa ibang karakter?


Felice POV

"Father Rayman!? Ikaw nga Father Rayman..." kung hindi ako maaring magkamali, si Father Rayman, kasama si Sister Agatha at ang batang sakristan. Si Father Rayman ang nakakatandang kapatid ni Krishna. Naluha ng kaligayahan dahil nalaman kong buhay pa siya. "Father akala namin namatay kana. Sinubukan ka naming hanapin --"

"Bababanaaa--- Hahaha" Father Rayman.

"Salamat sa Diyos buhay ka. Kung nabubuhay lang sana si Krishna, matutuwa siyang malaman na buhay ka at magkasama tayo." nang marinig ang pangalan ng kapatid ay napalingon ito sa akin. "Naalala mo siya Father? Ang nag-iisa mong kapatid. Si Krishna."

"Kri-Krishna?" 

"Oo, Tama po. Krishna, kapatid mo." natahimik siya at nagkamot ng puwet. Iniba ko ang tingin kom medyo SPG ang pinagagawa ni Father.

"Kapatid ko? Krishna? Nasaan si Krishna!?" nagsimulang umiyak ang pari at parang magwawala pa. "Nasaan ang kapatid ko?"

"Father... shh. Shh. Huwag po kayong maingay."

"Shh. Shhh. Huwag ka rin maingay." panggagaya niya pa sakin. Lumipas ang ilang minuto, kumalma na siya at kinuwento ko sa kanya ang mga pangyayareng naganap kung bakit kami humantong sa ganito. Tahimik lang siyang nakikinig.

"Lalake po ang naging anak ni Krishna. Ako po yung nagpalaki, dahil nga hindi kinaya ng katawan ni Krishna ang panganganak at sa lason na ibinigay ng anak niya sa kanya. Ginawa ko ang lahat upang di lumabas sa kanya ang lason niyang kapangyarihan. Nagresearch ako at haba ng aking pag-aaral, nagawa ko din. Lumaki siyang normal, na para bang kapangyarihan lang ng papa niya ang kanyang nakuha. Tech Genius po kasi yung Nobyo ni Krishna kahit na anong bagay ay nagagawa niyang kapakipakinabang para sa Fairmont - yung Mutant world kung saan po kami ni Rufus namumuno."

"Rufus? Rafael! Rufus?"

"Naalala niyo po ba ang asawa ko? Tama nga po kayo diyan Rafael nga po ang pangalan niya, pero dahil binigyan niyo siya ng palayaw na Rufus, yun ang ginamit niyang pangalan bilang Hari." parang batang ngumisi si Father Rayman at binuhol-buhol ang mahabang buhok.

"Yung anak po ni Krishna, pinangalanan ko siyang Xavier Dean. Yun kasi ang gusto niya ipangalan. Sa tulong po ng nullifying power ko, nagawa ko pong gawing inactive ang kapangyarihan niya." Naalala ko ang sabi ni Croods, mapipigilan ko lamang ang kapangyarihan ni XD sa pagkakataong malapit siya sa akin. Sa puntong lumayo ako sa kanya, mapawawalang bisa ang kapangyarihan ko. "... Lumaki yung bata na kinagigiliwan ng marami, malapit siya sa mga nakakatandang mutant dahil narin sa kakayahan niyang lumikha ng makinaryang nakakatulong sa kahari-an."

Lumipas ang maraming minuto, oras at gumabi na. Patuloy lang ako sa pagkuwento sa kanya. Ni Hindi ko nga alam kung naiintidihan niya ang pinagsasabi ko dito. Nakatunganga lang siya at nag-iintay sa dadapong lamok, huhulihin niya at kakainin. Gayon pa man, nagpatuloy lang ako sa pagkuwento.

"Dahil nga po halos magkaedad lang yung mga anak namin, isinasabay ko yung birthday ni XD sa birthday ng anak ko. Tinuring ko siyang akin. Minahal ko ang anak ni Krishna na parang akin. Pero hindi naging sapat ang lahat ng yun..." napahagulgol ako habang inaalala ko kung paano ko naiwala si XD. "Sa mismong kaarawan ni Hestia, yung anak ko, napabayaan ko siya. Kinidnap siya nila Arrow."

NO HUMAN: The Dawn of MutantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon