CHAPTER 16 Confusion

18 2 0
                                    


Kane POV

Lumalala na ang brutal na pagpatay sa mga mutants. Maging ang mga tao ay di maiwasang madamay sa patayang ito.

Nahahati ako.

Tama bang tulungan ko si Kuya Roger sa paglutas ng misteryong ito? Gayung kahulugan nito ay ang muli kong paglapit sa mga mutants?

Ano nga ba sila? Masama nga ba o mabuti?

"Kane, iniisip mo parin ba mga mutant na pumatay sa mama at papa mo?" bumasag sa katahimikan namin ni Kuya Roger ang kanyang hinain. Tama, nandito nga pala kami sa isang submarine tintahak ang daan papunta sa Tahanan ng Presidente.

"Wala po. Iniisip ko lang po si Rain." pilit kong iniba ang usapan.

"Alam mong ligtas siya sa Ninang Maraya mo, hindi ba?"

"Oo nga po. Hindi ko lang po maiwasan." Umiwas ako ng tingin kay Kuya Roger at inihanda ang mga sandatang kakailanganin ko para mamaya.

"Kane, alam kong hindi ko mai-aalis sayo ang sakit na mawalan ng mga magulang dahil sa mga mutants. Pero sana, pagbigyan mo akong patunayan sayo na nagkataon lang ang lahat. Sana maging bukal sa loob mo ang pagtulong sakin sa pagtapos ng misyong hindi namin nagawa ng papa mo."

"Kuya Roger. Sa totoo lang --" natigil si Kuya Roger magsalita. Tumingin ako sa kanya. "Naguguluhan ako kung anong dapat paniwalaan."

"Kane--"

"Pero huwag kang mag-alala. Tulad ni Papa, may isang salita ako. Tutulungan kita sa misyon mo, at baka sakaling dito ko na rin siguro mahahanap ang kasagutan na matagal ko nang tinatanong sa sarili ko."

"Anong katanungan?"

"Kung bakit at paano namatay sila Mama at Papa? Sino ang may gawa? Sino ang dapat magbayad?"Nakatikum ang kamao ko. Nangangati na akong gumawa ng misyon ulit. -----------------------------

Dumating na kami ni Kuya Roger sa sapa na malapit sa Bahay tanggapan ng Presidente. Maingat kami pareho dahil konting maling galaw lang ay mapapatay kami ng mga armadong Supreme Guardians.

Naka-chameleon suit kami - isang damit na once maactivate hindi kami agad makikita ng kalaban. Madulas kaya kahit anong dumi o polbo ay hindi kumakapit. Waterproof narin.

Sumenyas si Kuya na safe ang dadaanan. Siya kasi ang lead.

Sumunod ako.

May tinapon si Kuya roger sa bintanang bukas na ayon sa source namin yun daw ang Opisina ng presidente. Ang misyon? Mahanap ang secret room na maaring laman ang sekretong pinakatago ng pamahalaan.

"Ano yun Kuya?"

"Isang Mickey Mouse?"

"What? Ano yun laru-an?"

"Hindi. Isang Robo-mice na may nakakabit na hearing device. Inaalam ko muna kung ligtas pasukin ang opisina."

Di nagtagal. Sumenyas si kuya ng Okay. Safe na kaya pwede na kaming umakyat. Inilabas niya ang Amazing Pen at pinatama sa direksyon ng bintana. Umangat siya at hinala niya ako.

Malapad ang opisina ng Presidente. Di siya amoy matanda.

Inilabas naman ni Kuya ang Psycho Scanner. Ini-angat at umikot siya sa buong lugar. Dinedetect nito ang potential bug o trap sa kwarto. Pati narin secret passage kung meron man.

"Walang Bug. No Traps. Safe itong kwarto." Bulong ni Kuya.

Ayon sa source namin. Mamayang alas dose pa ang pasok ng presidente para sa ibat' ibang meeting sa ibat' ibang tao at departamento. Marami pa kaming oras.

NO HUMAN: The Dawn of MutantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon