CHAPTER 10

36 2 1
                                    



Matapos ang nangyari noong isang araw, mas madalang kong nakita si Hestia at ang mahal na hari. Wala kaming ensayo ni Justine dahil malamang andoon siya kay Hestia panay alaga. Magtatanghali na, ako pa din ang mag-isa dito sa palasyo. Nasa kwarto lang ako, nagbabasa ng aklat, gumagawa ng sketch, nagbra-braid ng buhok, nagwawalis ng kalat at mamaya-maya hihiga ulit. Tahimik ang kaharian kung wala si Hestia at ang hari. Ganoon lang ako, hanggang sa may narinig ako ingay na parang may nagsisigawan. Lumabas ako.

Payukong lumabas at hinanap ang pinanggagalingan ng ingay. Nagtitp-toe ako hanggang sa nakita kong sa office pala yun ng mahal na hari. Sumilip ako at doon ko nakita si Justine na may kadena na naman ang pakpak, nakatayo sa karapan niya. Sa kabilang silya nakaupo si Rayco at hindi lang pala sila, may apat na katao pa. Tatlong lalake at isang babae. Tumingin sila sa kinaroroonan ko, kaya napaatras ako. Naisip ko, makinig nalang para hindi ako mahuli.

"... wala si Reyna Felice kaya hindi kami sasali ng mga taga-Fairmont. Tapos na ang usapan. Paki-usap umalis na kayo."

"Haring Rufus, hari ng Fairmont." Nagsalita ang boses matanda. Base sa boses, mga 90's na siya siguro, parang naghihintay nalang sa tagasundo. "-- Nauunawaan ko ang iyong pag-atras sa bawat palaro bawat taon. Dahil wala ang iyong Reyna. Maliban sa siya ang Reyna, siya din ang nangunguna mong representante sa laro. Pero paki-usap ko lang Rufus. Matanda na ako at maraming taon narin na nasa amin ang protection ball, wala akong tagapagmana kaya hindi ko na siya kayang protektahan. Sa katandaan ko, hindi ko na alam kung hanggang kailan ko kayang mapapanghawakan ang tanging bagay na nagbibigay proteksyon sa atin."

"Kaya Rufus, naparito kami upang makiusap." boses babae naman ngayon. "Kailangang apat sa atin ang sumali sa palaro. Kung apat tayo, mas tataas ang chance na isa satin ang magwagi. Huwag nating hayaan na manalo si Arrow dito. Lalo na ngayon, sumama na sa kanya ang dalawang hari ng dalawa pang mutant world, si Cairus at Mauricius. Hindi pwedeng mapasakamay niya ang Protection ball. Kung mangyari, katapusan na nating lahat. Magkakaroon ng napakalaking digmaan. "

"Kung kami lang tatlo lang, magiging tabla ang laban. Malaki ang tsansa na siya na nga ang magwawagi."

"Bakit kaya hayaan nalang natin siya. Bigyan nag chance. Baka, nagkakamali lang tayo mga kaibigan."Haring Rufus.

"Once is enough Rufus. Minsan na siyang naging Victor. Pero ano ang ginawa niya, pinabuti niya ba ang buhay nang ating mamayan? Hindi! Gumawa siya nang mga batas na nagpagulo sa mga buhay nating lahat. Isa siyang makasarili!" Boses matanda.

"Sampung katao lang Rufus. Hindi malabong makakakuha ka ng sampu sa iyong mga mutant. "

"Pero wala ng oras. Malabo na, Victoria. Tanggapin na natin. Masasakop na tayo ng kadiliman."

"Mawalang galang na po..." napasilip ako ng marinig kong nagsalita si Justine.

Grabe! Ang tapang niya.

"Huwag kang sumali sa usapan Justine. Diyan lang kayo ni Rayco. Tagamasid."

"Bakit hindi Rufus." tumayo sa isang sulok ang lalakeng kanina pa hindi ko naririnig nagsalita. "Baka may ideyang makakabuti sa atin ang binatang ito. Pagsalitain mo siya. Binata. Magsalita ka."

"Nasa amin ang anak ni Reyna Felice." Napaangat ng mukha ang ang babae at ang matanda.

"Sinong anak?" Victoria.

"Justine! Tumigil ka! Rayco lumabas muna kayo."

"Hindi Rufus! Hayaan mo siya tapusin ang kanyang sinasabi! Sinong anak ni Felice?! Yung anak niya ba sa tao? Ang anak niya sa isang guardian?" Victoria.

NO HUMAN: The Dawn of MutantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon