CHAPTER 13 Wildest Dream

36 4 0
                                    

Author's Note: Sa lahat na nakabasa ng previous kong ginawa. May ginawa lang akong konti-konting editing. Pero ganun parin naman ang plot. So here it is. The new version of the chapter 14. Enjoy reading mutants!

Cassidy POV

"... and we're finally arrived." Aiden.

"Hello Verona." sabi naman ni Hestia na may matamis na ngiti.

Nakarating na nga kami sa Verona. Mula sa himpapawid, dahan-dahang binaba ni Aiden ang Red Rocket niya sa masukal na gubat. Kung hindi ako nagkakamali sa dinadaanan namin, sa mundo kami nang mga tao dadaan papunta sa lagusan nang nasabing Mutant world dito sa Europa. Medyo mahirap itong paglalakbay nakikipagsapalaran kami sa mga mundo ng mga tao, pero para makapagkubli, initrinansform ni Aiden ang super rocket bilang ordinaryong kotse - apat na gulong at kulay black na Van.

Ang super rocket ay ang advance na kapatid ni Super turbo. Mas malaki, mas maraming features at mas magara. Sa kasalukuyan sila Aiden palang ang nagmamay-ari ng ganito ka gandang mutant transport, pano ba kasi, sila lang naman ang nagmamay-ari ng pinakamalaking pagawaan ng Mutant Transport sa buong mundo. At oo, kahit ang taga-ibang mutant world sa kanila pa bumibili.

Impressive.

"Wow~ Cassidy, ganito rin ba kaganda ang labasan doon satin? Maraming tao ..." pagkamangha ni Carly sa nadadaanang mga tao.

"At ang buildings! Ang laki!" sabi naman ni Aihla at sinamaan naman ng tingin ni Alvin dahil mukha itong shunga sa kakanganga.

"Haha Carly, since nasa Italya tayo, honestly speaking mas maganda ang dito. Pero kung ihahambing mo naman yung mga tao sa atin eh, wala namang malakaking pagkaiba. Tao parin tayo pero, medyo kakaiba nga lang. Sila Paglalakad lang ang kayang gawin, ang ilan satin nakakalipad. Sila Pagtakbo lang eh tayo, pwede magteleport. Tao tayo subalit may kakaibang kakayahan. At yung lugar, para sakin parang di naman malaki ang pagkakaiba."

"Ang ganda-ganda talaga ng Italya. So romantic." buong pagkamangha paring sabi ni Aihla na tila hindi man lang ako narinig na nagpapaliwanag. Ngumiti nalang ako.

"Nakakalungkot lang, hindi man lang tayo makalabas para man lang makapagpapicture, kahit man lang pang-instagram?" Carly.

"Tao. Mutant. Kahit anong gawin natin, magkaiba tayo."Napalingon kami kay Justine na akala namin ay natutulog lang sa isang gilid. "Parang tubig at langis na hindi pwedeng pagsamahin. Para sa mga taong yan, para tayong may nakakahawang sakit na pwede silang mahawa at mamatay. Salot tayo kung kanilang tawagin. Walang lugar para tayo ay magsama." tumahimik ang lahat. Subalit parang may parte sakin na hindi maatim na tumahimik lang.

Hindi masama ang maging tao. Walang mali sa pagiging mutant. Yun ang paniniwala ko.

"Well, tungkol dun, sa dating mundo ko, may ilang mutant na mapang-abuso at pumapatay. Akala nila, pare-pareho ang lahat ng mga mutants. Mapanakit. Kaya sa paglipas nang panahon, binuo ang guardians upang bantayan, protektahan at iligtas ang earth sa mga mutants na posibleng manakit nang tao." sumama ang tingin sakin ni Justine. "Sa tingin ko, ang mutant at tao ay may malaking di pagkakaintindihan. I still believe that one day, magkakaroon din ng kapayapaan." ngumiti sakin ang kapatid ko at gumanti naman ako.

tumingin ako sa direksiyon ni Justine, nakadungaw lang siya sa labas ng kotse at di na kumibo pa. Mula doon nagpatuloy lang kami sa paglalakbay. Mula sa isang City papunta sa isa. Dumaan sa ilog, papunta sa isang bundok, hanggang narating namin ang dapat naming kalagyan.

"Cassidy! Alam mo ba ang wildest dream ko kung sakaling maging malaya na tayo ha!?" Carly.

"Ano?"

NO HUMAN: The Dawn of MutantsWhere stories live. Discover now