CHAPTER 3 Fairmont

37 4 0
                                    



Mukha silang mga sundalong hindi nabigyan ng ligo sa loob ng isang buwan. Mga sampu sila at sa akin sila ay nagtipon. Maya-maya, may mga yabag ng kabayo akong narinig, at saktong tumigil sa banda kung nasaan ako. Hindi ko man makita dahil sa mga nagkukumpulang sundalong ito, alam kong may bumaba mula sa kabayo. Malaki ang kanyang mga binti, nakasuot ng boots at sa paa palang, alam kong matikas, matipuno at magandang lalake ang pinuno nila.

"Tumabi kayo" utos ng matipunong boses. Kung hindi ko siguro alam kung nasaan ako, pwede ko siguro sabihing si Kane ang nagsasalita, dahil ang boses niya ay parang kay Kane. "Binibini, sino ka at saan ka galing." sabi niya at lumuhod sa kanang tuhod niya, hinawakan ako sa baba at pinatingin sa kanyang mga magagandang mga mata.

*lunok*

"Uhmm. Ako si... ako si ..."

"Ikaw si?"

"Ako si Cassidy, ga-galing ako sa pintong malaki na iyon. Naparito ako para hanapin si Haring Rufus." sabi ko at itinaas ang kwintas ko.

"Diamanteng pula! Ang diamanteng pula! Nakauwi na Fairmont ang diamanteng pula!" mukang bibig ng mga sundalong nakapalibot at nagsiluhod silang lahat. Samantalang ang pinuno nila ay di rin makapinawala sa hawak ko. Ano ba ang meron kwintas ko at ganito sila kung makareact?

"Ah pwede magtanong?" tumango ang pinuno nila bilang sagot. "Uhmm. Ikaw sino ka? At bakit lumuhod silang lahat?"

----------------------------------

Dinala ako ng mga sundalo sa isang malapalasyong bahay. May magandang hardin, at ibat'ibang hayop na kakaiba ang itsura subalit malayang nakakagala kahit saan. Kung idedetalye ko ang itsura ng buong lugar, para akong nasa panahon kung saan nagkita ang makaluma at modernong pamumuhay. Tulad ng kalesa, may kabayong tagahila, subalit hi-tech na karwahe ang dala. May mga surfing board subalit hindi sa tubig ginagamit kundi sa himpapawid. May mga bisikleta sibalit wala gulong ang mga ito. Tulad ng mundo kung saan ako nanggaling hindi rin naman sila nalalayo sa amin.

"Binibini, maghintay ka lang ng konting oras. Pababa na ang hari at ang Prinsesa."

"Okay"

"Ah ako nga po pala si Rayco. Patawad at hindi ako nakapagpakilala sa inyo kanina."

"Oh okay lang." sabi ko at nahihiyang inayos ko ang punit-punit kong damit sa kanyang harapan. Ngumiti siya at ganun narin ako. "Uhmm. Siguro pwede ako doon sa veranda? Medyo mainit kasi, gusto ko magpahangin habang nag-aantay."

"Sige po binibini. Papasamahan ko pa ba --"

"Mamasamain mo ba kung sasabihin kong gusto ko muna mapag-isa?"

"Sige po."

Para akong nasa loob ng isang fairytale. Nakatayo sa veranda ng napakagandang palasyo at pinalilibutan ng napagandang halaman at bulaklak. Parang panaginip lang ang lahat. Kasama ko ang mga mutants, kasamang naninirahan sa mundong ito, nakakausap ko, nakakahalobilo at kung titignan, para lang din silang mga tao. Taong may di pangkaraniwang kakayahan, tao rin sila na may buhay.

Sa maraming taon na kinamuhian ko ang mga tulad nila, ngayon heto ako, isa naring mutant.

'Si mama, okay lang kaya siya?'

"Anak nang --" Napayuko ako ng may di inaasahang dumaan parang galing sa itaas. Lumilipad. "Ano iyon?" sambit ko pa subalit muli siyang dumaan. "Ahh?" Yuko ko ulit at sa puntong iyon, alam ko na, isang lumilipad na mutant ang nakikipaglaro sakin. Paatras ako ng paatras habang nakatingin mula sa itaas, ng biglang --

NO HUMAN: The Dawn of MutantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon