CHAPTER 12 Fly

32 5 2
                                    


Hestia POV

"Masarap yung Lasagna ng bago niyong Chef ha," masarap na pagkakasabi ko habang kinakain ang dala na naman pagkain ni Aiden. "Alam mo nung last time. Ang yabang mo pa, kala mo kung sinong magaling magluto, sumasabog kaya ang kusina pag-ikaw ang andoon. And good for you, napaniwala mo silang lahat na ikaw nga ang nagluto nun. Kabisado mo yung recipe." nagsasalita ako, subalit nakatingin lang siya sa akin.

Tumahimik nalang ako dahil parang ang awkward ng mga titig niya. Hindi sa kinikilig ako. Sa totoo lang kinakilabutan ako.

Nakalatag ang aking kaliwang kamay sa mesa, at naramdaman kong hinawakan niya ito.

"Aiden, ano ba? Walang ibang tao kaya, no need to pretend. Kung wala ang iba, we are plain as friends." pag-alis ko sa kamay ko.

"Hestia, I just want you to feel how much I--"

"Uh, stop right there, huwag mo na ituloy. Diba nga pinaliwanag ko na nga to diba? I told you --"

"Okay. Okay. I remember. Gagawin natin to para layu-an kana ni Justine." natahimik nalang ako, dahil parang tinusok ang puso ko, tanda na guilty na talaga ako sa pinagagawa ko. "Nakikita ko namang gusto kanya. Ikaw... nakikita kong mahal mo siya. Kahit hindi mo aminin Hestia, ramdam ko yun."

"Can we just drop that topic, Aiden? Please?" Tumahimik siya at napatakip naman ako ng mukha gamit ang aking mga palad. "I feel so guilty now."

"Shh." Napatayo siya mula sa kanyang mesa at sa akin lumapit. "Hey, I got you. I am here. As long as you want to use me. I will be here."

"Aiden, this is unfair, sayo at kay Justine." kung tanggap lang sana ni Daddy si Justine, wala na sanang problema. Kaso, dahil isa akong prinsesa, nararapat lamang na karapatdapt din ang aking pipiliing lalake.

"But I am ready for anything. Makasama lang kita at makita kang masaya. I will be happy too." and here is Aiden, hindi ko siya mahal subalit siya ang gusto ni Daddy para sa akin. Matalino, desente at may puwesto sa lipunan.

Niyakap ako ni Aiden at gumanti naman ako.

"Kaya nga sumali ako doon sa Match diba? Para mas magkalapit tayo. Alam kong hindi ako ang mahal mo, Hestia. But please, hayaan mo lang ako. Hayaan mo akong mahalin ka kahit ako nalang ang magmamahal sa ating dalawa." bulong pa niya. "I love you."

He kissed me on my forehead tulad ng lagi niyang ginagawa. This is what I like about him, he never tried to kiss me on my lips. He always respect my decisions, and he always there for me.

Sana kung pwede lang, tuturu-an ko ang puso ko na ikaw ang mahalin Aiden. Dahil ang tulad mo ay hindi naman mahirap mahalin.

Cassidy POV

Dumating na kami sa huling araw na nang ensayo. Bukas at makalawa magiging iba na ang lahat. Isang linggo na mawawala kami dito upang itayo ang dangal ng fairmont laban sa ibang mutant world. May halong excitement, kaba, takot, saya... ewan. Halo-halo.

"Sis, huwag kang kabahan. Exhibition match lang to. Ipapakita lang natin sa mga tagafairmont ang galing natin." Sabi ni Hestia na suot ang magarang kasuotang panglaban.

"Eh pano kung matalo ako?"

"Ano kaba? Ano nga ang palaging sabi ni Justine?"

"Focus at relax?" tumango siya at niyakap ako.

"Babe, tara na? Tayo na yung susunod." para sa unang match, si Hestia at Aiden ang maglalaban. Grabe, parang sasabog na yung loob ng dibdib ko. Yung parang may lalabas na uwak na kanina pa gusto kumuwala.

NO HUMAN: The Dawn of Mutantsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن