CHAPTER 1 Torn

129 6 5
                                    

5:40 p.m. Saturday

"--And the winner for this year Country wide Triathlon is Cassidy Louise!"

Hi! I am Cassidy Louise, 20 years old , ordinaryong mamayan ng aming bayan - ang maynila. And I'm in the year 3000. 1000 taon matapos ang panahong kinabibilangan mo.

"Grabe ka talaga Cassidy! Kahit kelan hindi talaga kita matalo-talo sa pabilisan."And this, is my Bestfriend - Kane the Mutant Hunter o mas mainam na tawagin siyang Guardian. 25 years old, kapitbahay at kababata ko. Ang parehong magulang niya ay guardian at tulad ng papa ko, nasawi din sa pakikipaglaban. Wala ng ibang pamilya maliban sa nag-iisang kapatid na walong taong gulang.

Ano nga ba ang trabaho ng isang guardian?

Sa modernong mundo na pinaiikot ng siyensya, maging ang tao ay hindi narin nakaligtas sa pagbabago. Ninais nalang maging kakaiba, higit pa sa karaniwang kakayahan natin. Higit pa sa karaniwang kapasidad, na huminga, kumain, magsalita, mag-isip, maglakad at tumakbo. Ang tao, sa panahon ko, ay naging higit pa sa pangkaraniwan.

Ang guardian ay mga taong sinanay, hinasa hanggang sa matira ang pinakamagaling at pinakamatalino. Sila ang tinturing na tagapagtanggol ng mga tao laban sa mga masasamang mutants na nanakit sa mga walang kalaban-laban. In short sila yung modernong mukha ng AFP, SAF, SWAT, PNP at kung ano-ano pang kasapi ng sandatahang lakas ng Pilipinas.

"Aba dapat lang. Lalo na malapit na yung, try out dun sa Guardian academy. Kumuha ako ng exam nakapasa ako." Pangisi kong sabi sa kanya na kinaseryoso ng mukha niya. "Oh! Bakit ganyan ang mukha mo ha! Diba nga pareho nating pangarap to? Ano!?" Tinapik ko siya subalit nanatiling seryoso parin ang mukha niya.

Si Kane, simula nung naging guardian siya, naging over protective na siya pagdating sakin. Anong oras ako uuwi. Saan ako pupunta at bakit. Andaming tanong pag-umaalis ako ng bayan. At simula din nun, pinagbawalan na niya akong pangarapin ang pagiging guardian. Bakit pa, eh andiyan naman daw siya para ipagtanggol ako. Simula nang nawala ang papa ko, siya na ang naging sandalan ko sa bawat panahon na kailangan ko ng maiiyakan. Tulad nga ng sabi niya lagi, siya daw ang super hero ko.

"So itutuloy mo nga yung application? Cassy kasi --"

"Kane, huwag mo ko ismallin, kahit naman babae ako, maliit ng ilang dangkal sayo. Aba! Hindi ako lampa." buong diin kong sabi kasi umiiral na naman ang pagiging pakialamero niya sa mga desisyon ko.

Sinasabi ko talaga, mas malala pa to kay Papa at Mama! Ay grabe!

"Cassidy, mapanganib kasi."

"Oh bakit? Yung Girlfriend mo. Diba guardian siya? Maganda lang yun ng ilang paligo sakin. Pero hindi naman sukatan yun para hindi ko subukan." Patay malisya ha. Striktong friend zone lang talaga kami. Kita na nga diba... may ano na - syota. Friends lang. "Tyaka, si Papa, guardian din siya Kane. Bago siya namatay, pinangako ko na, balang araw, magiging guardian din ako, na balang araw magagawa ko ring protektahan ang mama ko. Tulad ng ginawa niya. Hanggang sa huli, pinagtanggol niya kami." medyo naluluha ko pang sabi.

"Talaga bang ito yung makakapagpasaya sayo?" tanong niya na sinagot ko lang ng tango na may kasamang ngiti. "Hay ano ba. Sige pag-iisipan ko. Sa ngayon hindi pa naman sure kung papasa ka physical exam." sabi sabay tapon sakin ng gatorade na kinuha niya sa bag niya.

"Wow, salamat sa libreng lait ha. Tangkad mo kasi."

"Aba, hindi ko naman kasalanan maging pandak. Sa ngayon, habang wala pa ang result. Kargo kita." At inipit pa ako sa kili-kili niya kaya pumalag- palag ako. "Haha. Ano ngayon, hindi makalabas, ang hina. Yan ang magiging guardian ah."

NO HUMAN: The Dawn of MutantsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora