CHAPTER 7 Focus

47 3 0
                                    


Cassidy POV

"So, ikaw ang parusa ko?" seryosong sabi sakin ni Justine sa muli naming pagkikita. Magkaharap sa mesa at nagtsa-tsaa sa isang Tea House. "Sige alis na ako."

"Sa-saan ka pupunta?"

"Pupunta ako sa Hari. Sasabihin kong papaputol nalang ako ng ulo, kesa makasama ka. Doon narin naman ang punta ko hindi ba?"

Sa totoo lang ayaw ko din naman makasama ang isang barumbado at mainit na ulong tulad niya. Kaso sabi nga ni Hestia, kung hindi magagawa ni Justine ang parusa niya at hindi siya magbabago, maaring parusang kamatayan na ang kakaharapin niya. Hindi lang kasi unang beses siya pumasok sa gulo, mga isa, dalawa at marami pa. Dagdag pa ang mga pagtangka niyang pagtakas mula dito sa fairmont.

Flashback

'Ang iba, tawag sa kanya ay Death."

'bakit?'

'Kasi daw siya yung tipong doon narin papunta.'

'So anong magagawa ko? Bakit mo ako kinakausap ng ganyan?'

'Dahil kaibigan ko siya Cassy. Sa puntong ito, ikaw na lang ang last card ni Justine. Mayroon kaming hindi pagkakaintindihan kaya hindi ako ang taong aasahan niyang tutulong sa kanya. Subalit ikaw... pwede ka.'

'pero galit siya sakin'

'Maniwala ka Sis. May mabuti kay Justine. Hindi lahat ng sinasabi ng ibang mutant na masama siya at walang puso. Tulungan mo ako patunayan yun. Please?'

Flashback Ends

"Noong isang beses na nagkita tayo. Nakinig ka problema ko diba? Naisip ko lang ---"

"Hoy babae. Paiba-iba kasi ang mood ko araw-araw. Ngayon maaring trip ko kausapin ka, bukas maaring hindi. Pero sana huwag mo isipin kung kinausap kinausap kita isang beses, habang buhay na okay tayo. Para sakin, isa ka parin estranghero at hindi ko maaring hayaang maging malapit sayo. Alis na ako." Palabas ng sya ng tea shop subalit sinubukan kong habulin siya.

Hinabol ko siya ng hinabol hanggang sa maabutan ko nga siya at nahawakan ko siya sa bandang pulso. May suot siya ng isang bracelet na may nakasulat na 'death'. Hinablot niya ang kanyang kamay mula sakin at napansin kong namamaga ang kamay na iyon.

"Napano yan?"

"Alam mo, hindi ko lang masabi ha, manhid ka ba o sadyang tanga lang talaga. Tignan mo ang paligid mo. Ang tingin ng mga mutant dito sakin ay salot. Mahilig manira, basagolero, mapanakit, at konting lapit lang sakin ikakamatay na nila. Wala akong silbi sa kanila."

"So?"

"At ang bracelet na ito. Ang tatapos sa lahat. Kinausap ako ng hari tungkol sa huling pagkakataon ko"

"At ano ang sinabi niya?"

"Na maalis sakin ang parusang kamatayan kung magbabago ako. Kung gagawa ako ng makabuluhang bagay at yun nga ay maging instructor sa academy na iyon. Peste."

"Wala akong nakikitang masama dun."

"Anong wala?" tumingin siya sa aming paligid at nakitang patuloy parin sa pagmasid ang mga mutant. "Maghintay ka diyan." humugot siya ng barya sa kanyang bulsa at doon sa mesa ay inilapag.

"Huy. Asan na naman tayo!?" sabi ko naman ng hinila niya ako palabas ng tea shop.

"Look Cassidy. I hate Change and most of all I hate manipulation. Ayaw kong under control ako ng iba. Ako ang may hawak ng buhay ko at gusto kong gawin ang gusto ko. Gusto ko ng kalayaan. Gusto kong lumipad. Kaya kung ipapasok lang din naman ako sa academy para ---" hindi niya natapos ang sinasabi ng yakapin ko siya. Ito kasi ang ginagawa ko kung galit na galit na sakin si Kane. Alam ko kasi sa loob ng mainit na ulo ay ang nalulungkot na puso.

NO HUMAN: The Dawn of MutantsWhere stories live. Discover now