Ninth Teardrop

Magsimula sa umpisa
                                    

Napangiti naman ako. Natutuwa ako sa kanya. Parang hindi nya alam ang sinasabi niya.

"Siguro ngayon, kailangan mo na ring tumigil sa panonood ng drama," nilapitan ko siya at hinawakan ko siya sa balikat. Tinitigan ko siya sa mata nya, "kung anu-ano nang lumalabas sa bibig mo. Dati nung tayo pa, mas mature ka sa akin. Bakit ngayon, parang baliktad na ata?" Sabi ko.

Pinunasan nya ang luha nya.

"Drew, maniwala ka o sa hindi, mahal pa rin talaga kita. Totoo 'yun, walang halong biro. Gusto kong bumalik tayo sa dati." Sabi nya.

Umiwas ako ng tingin, "Hindi na mangyayari 'yan. At saka Rachel, mga 17 years old pa lang tayo! Napakarami pang bagay na pwedeng mangyari. Ang babata pa natin. Tigilan mo na 'to," sabi ko sa kanya.

Tumalikod na ako at akmang iiwanan na siya ng magsalita uli siya.

"Sige Drew, ok lang sa akin. Layuan mo ako. Wag mo akong pansinin. Kalimutan mo ako. Pero eto ah, sinasabi ko sa'yo, ako mismo ang gagawa ng paraan para bumalik ang nararamdaman mo sa akin." Sabi niya.

Pagkatapos nyang sabihin ang mga salitang 'yon ay lumabas na siya. Dala nya 'yung towel.

Patay. Kay mom pa naman 'yung towel na 'yon.

Napabuntong hininga na lang ako at pabalik na ako sa loob ng bahay nang makasalubong ko si kuya.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya.

He smirked. "None of your business."

~*~

NATE.

Napapagod ako. Sobrang pagod na pagod ako. Parang anytime bibigay na ako.

Pakiramdam ko rin parang nag-iinit ang mata at lalamunan ko. Mainit na nga ang luhang lumalabas mula sa mata ko.

Parang nakakawalang gana na kasing bumalik sa bahay. Gusto kong dito na lang sa swing na 'to, magpaduyan-duyan hanggang sa mawala ang mga sakit ng katawan ko at malimutan ko ang lahat ng nangyari. Parang ayoko nang bumalik doon.

Ayoko nang makita si Arnold. Natatakot na ako. Baka may round 2 pa.


For a moment, parang nagsisi ako bigla. Paano kaya kung sumama na lang ako kay nanay? Ano kaya? Mas mabuti kaya ang nangyari sa akin? Sina kuya Lance at Mac naman ang mapapahamak. Baka magkagulo lang lalo rito. Siguro mas ok na na ako ang nandito.

Gusto ko na silang makita. Sana bumalik na sila kaagad, ngayon na. Gusto kong maglabas ng hinanakit sa kanila. At gusto ko ring sisihin si nanay dahil sa hinayupak nyang napangasawa.

Hinayaan ko lang ang sarili kong magpaduyan-duyan dito habang umuulan ng malakas. Napatingala ako.

Ang lamig, ang sarap sa pakiramdam. Parang nawawala 'yung sakit ng katawan ko. At the same time, parang feeling ko lalagnatin din ako.

Ang ganda ganda ng pagkakatingala ko dito, maya-maya naman ay biglang may humarang na payong.

Ok, anong meron?

Pinahiran ko ang luha ko, kahit na alam kong hindi naman halata at tubig mula lang sa ulan ang napunasan ko.

"Magkakasakit ka sa ginagawa mo."

Napatingin ako sa gilid ko. May tao.
Tiningala ko ito at nagulat naman ako nang makita ko ang kuya ni Drew.

Teka, bakit siya nandito? Anong ginagawa nito dito?

Pain ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon