Ω Kabanata VI Ω Reyna Amihan

Start from the beginning
                                    

          "Hasne ivo live Hara Amihan!" Sigaw ni Aquil na pinaulit-ulit ng lahat. Napakasarap sa pakiramdam ni Amihan na tanggap siya ng buong Lireo bilang bago nitong Reyna.

           "Ivo live Lireo!" Ang mga sumunod na sigaw ng lahat... At sabay sabay silang nagpalakpakan para sa bagong yugto ng Encantadia at Lireo sa pamumuno ni Made-a Amihan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

               Marahang naglakad sa loob ng Hathoria si Pirena. Kabado siya di niya alam kung paano siya tatanggapin ng Hari ng Hathoria na alam niyang poot na poot sa kanilang mga diwata.

           "Ano ang ginagawa ng isang sang'gre dito sa Hathoria?" Tanong ng isang tinig at ng napalingon siya ay nakita niya ang Hari ng Hathoria... Si Hagorn.

           "Avisala Hagorn." Sabi niya.
           "Avisala Pirena anong masamang hangin ang nagpadpad sayo dito diwata." Sambit nito na walang kangiti-ngiti sa mga labi.

           "Hihingiin ko ang tulong mo sa paglaban sa aking mga kapatid at ina." Sambit niya.
           "Ano ang magiging laban natin sa mga diwatang may mga brilyante?" Sambit nito.

          "Di lahat ng brilyante ay nasa kanila." Nakangiting sabi ni Pirena at kanyang nilabas sa mula sa kanyang palad ang brilyante ng apoy.

           Ng masilayan ito ni Hagorn ay unti-unti itong tumawa.... At alam ni Pirena na nakahanap na siya ng kapanalig.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
..
.
.
                     "Maligayang pagbabalik Asval..." Nakangiting sabi ni Axilom sa taksil na sapiryan.

          "Kamusta kayo dito?" Tanong nito.
          "Maayos naman Asval... Ikaw nahanap mo na ba sa wakas ang Prinsipe Ybrahim?" Tanong ni Axilom. Umiling si Asval.

         "Sadyang mahirap mahanap ang isang nilalang na nawala na sanggol pa lamang at isa pa di natin alam kung nasa sanggol nga ba ang kantao." Sambit ni Asval.

          Naikuyom niya ang kanyang kamao... Dapat niyang makuha ang kantao para pagyabungin muli ang nasirang kaharian ng Sapiro.... At isang brilyante para pangalagaan ito.

          Kailangan makakuha siya ng isang brilyante mula sa mga sakim na diwata na kinanya ang lahat ng mga brilyante.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
              Paalis na sana si Ybarro ng pigilan siya nila Wantuk at Paco.
         "Ybarro saan ka pupunta?" Tanong ni Wantuk sa kanya.

          "Sa Lireo." Maikling sagot ni Ybarro.
         "Sasama kami ni Paco" nakangising sabi ni Wantuk sa kanya

         "Ssheda Wantuk... Mamaya mangulo pa kayo doon akin lamang bibisitahin si Alena." Sambit ni Ybarro saka ito naglakad patungo sa Lireo.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

            "Ano ang balak mo Pirena?" Tanong ni Hagorn habang nainom sila ng alak na hinanda ng hari ng Hathoria.

         "Ang paslangin si Amihan na siyang umagaw ng trono sa akin." Sambit niya. Napangisi si Hagorn.

           "Sabihin mo lang kung kailan tayo susugod sa Lireo para maisagawa mo ang iyong balak." Sambit ni Hagorn.

           "Hindi tayo susugod... Nais ko ang isang tahimik na pagpaslang kay Amihan." Galit na turan ni Pirena.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

                "Sige na mga dama maaari niyo na akong iwan dito." Nakangiting sabi ni Amihan sa mga dama at saka lumabas ang mga ito.

           Marahang hinaplos ni Amihan ang diyamanteng 'lira' na palamuti sa kanyang kwintas. Hanggang ngayon ay di pa rin niya mapaniwalaan na siya na ang reyna ng Lireo ngayon.

          Nawala ang ngiti ni Amihan ng biglang maramdaman niya ang pagsakal sa kanyang leeg na may nakatutok na patalim sa kanya

           "Masarap ba sa pakiramdam ang maging reyna na inagaw mo sa akin?" Tanong ni Pirena.

          "Pirena.... Tigilan mo na ito..." Sabi ni Amihan at pilit na kumakawala sa pagkakahawak ng taksil na kapatid.

          "Babawiin ko na saiyo ngayon yan!" Sambit ni Pirena at kanyang sinaksak sa likuran si Amihan.

           "Argggh!" Sigaw ni Amihan dahil sa sakit ng pagsaksak ni Pirena sa kanya

          "Pashnea bitawan mo siya!" Sigaw ng isang encantado na may takip sa muka at kanyang tinadyakan si Pirena na dahilan ng pagkakabitiw ni Pirena sa kanya.

          Bago pa man mawalan ng malay si Amihan ay napagmasdan niya ang magagandang mata ng encantado na sa pakiwari niya ay kilala niya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
           Naglagay ng takip sa muka si Ybarro bago siya umakyat sa azotea ng Lireo ngunit bago pa man siya makapunta sa silid ni Alena ay isang kaganapan ang di niya kayang di tulungan ang diwatang sinaksak ng kapwa diwata nito.

          Kaya naman kanyang tinadyakan ang diwatang taksil na ikinatumba nito, padapa naman na napahiga sa sahig ang diwatang sinaksak.

          "Pashnea!  Di pa tayo tapos pakialamerong encantado!" Sigaw ni Pirena at ito ay naglaho.

            Dadaluhan sana ni Ybarro ang nakahandusay na walang malay na diwata ng biglang....

           "Pashnea! Mga kawal ang Reyna!" Sigaw ni Aquil. Nataranta naman si Ybarro kaya naman para makatakas sa bintana ng silid ay hinagisan niya ng bomba ang mga kawal at siya ay tumakas sa bintana.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

.
.
.
.
            Ng mawala ang usok ay agad na dinaluhan ng mga kawal ang Reyna at inilipat ito ng silid. Ng malaman naman ng Ynang Reyna at ng mga sang'gre ang nangyari ay agad na nagpunta ang mga ito sa silid.

            "Danaya.... Gamitin mo ang brilyante ng lupa para pagalingin si Amihan." Sabi ni Mine-a sa anak. Tumango naman si Danaya at inilabas ang brilyante ng lupa.

           "Brilyante ng lupa sinasamo kita.... Pagalingin mo ang aking kapatid na reyna...." Nag-aalalang sabi ni Danaya. Nagliwanag naman ang brilyante ng Lupa. Unti unti ay gumaling na ang sugat sa likuran ni Amihan.

           "Sabihin mo Aquil sino ang may kagagawan nito?" Tanong ni Alena sa mashna.

           "Isang encantado na nakatakip ang muka...ito ang sumaksak sa Hara Amihan." Pag-uulat ni Aquil sa mga sang'gre.

           "Encantado, may nakapasok na encantado?" Tanong ni Alena....

          "Siyang tunay sang'gre Alena." Sabi ni Mashna Aquil.

           "Kung gayon Aquil, Muros... kailangan ng mas mahigpit na seguridad ng Lireo...." Sabi ni Mine-a sa mga tapat na nakatataas na kawal.

           "Masusunod Mahal na Ynang Reyna." Magkapanabay na sabi nila Aquil at Muros saka sila yumukod at lumabas ng silid ng Reyna.

           Habang pinagmamasdan ni Mine-a ang nahihimbing na reynang anak ay may naiisip siyang bagay na dapat ng gawin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
..
.
Comments and Votes...
I change some parts.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]Where stories live. Discover now