Sixth Teardrop

Magsimula sa umpisa
                                    

 "Pinakaba mo ako, akala ko aabandunahin mo ako." Sabi niya.

Tumingin ako sa kanya. Nakatitig pa rin sya sa akin pero ngayon, relief na ang nakikita ko sa mata nya.

"S-sorry, napasarap lang sa tulog." Sabi ko.

Kinuha ko ang phone ko. Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin. Baka kasi may muta pa ako o panis na laway. Inayos ko ang buhok ko. Napatingin rin ako sa sapatos kong konting ubo na lang. Pinagpagan ko ito ng kaunti. Inayos ko ang polo ko.

 "'Wag kang ma-conscious, Nate. You look presentable today," biglang sabi ni Drew.

Napatingin ako sa kanya, "E-eh?"

He smiled, "Kahit magsuot ka ng sira-sirang damit, you'll always look presentable."

 "Drew,"

Ginulo nya ang buhok ko, "Nako-conscious ka kasi eh. Dahil ba sa akin? Dahil ba, ang gwapo gwapo ko ngayon?" Sabi niya.

Muntikan na akong masamid sa sinabi niya.

"Hay nako Drew, ang conceited mo."

 "Damn, eh bakit ka nako-conscious?" Medyo inis niyang tanong.

Ano bang nangyayari sa kanya? Hay nako.

I sigh. "Oo na, Drew. Ang gwapo gwapo mo ngayon." Mahina kong sabi. 

Medyo binilisan ko ang lakad ko at umuna na ako sa kanya. Ayokong makita ang reaction nya. Alam kong lalo lang siyang magiging conceited. Shete.

"'Wag na tayong um-attend ng party," sabi niya nung maabutan nya ako sa paglalakad.

 "Ha? Bakit naman?" I asked without looking at him.

 "Narinig ko na ang gusto kong marinig ngayon. That's everything." Sabi niya.

Natigilan naman ako.

Punyeta, Drew. Tigil-tigilan mo 'yang mga banat mo na 'yan kung ayaw mong ikaw ang banatan ko!

 "Baliw," Nasabi ko na lang.

~*~

Nandito na kami ni Drew sa school. Nag-commute lang kami. Actually, nag-suggest 'yung kuya nya na ihatid na lang kami. Pero umayaw ako. Ayokong ma-spoil sa mga ginagawa nila sa akin. At isa pa, gusto ko kung paano ako pumasok araw-araw ay ganoom din ako pupunta ngayon dito.

Pagkababa namin ng tricycle, ang dami na ring tao. May mga naka dress, naka gown, at oo, maraming mga magagandang babae. Marami rin akong nakikitang mga lalaki na gwapo na may kasama nang partner. And guess what? 'Yung mga partner nilang babae, hindi sa kanila nakatingin.

Kanino?

Kay Drew.

Na-conscious uli ako. Nahihiya ako. Ang gwapo-gwapo ni Drew tapos may kasama siyang isang basahan.

 "Nate!" Biglang tawag sa akin nina, as usual, sino bang mahilig tumawag sa akin? Sina Chique at Jaycel. 

 "Late ka na!" Sabi ni Jaycel.

 "Onga! Pero infairness ha, ang pogi natin ngayon," sabi naman ni Chique.

Ngumiti lang ako. Nang mapansin kong wala nang umimik ay tiningnan ko sila.

Tiningnan ko kung sinong tinitingnan nila. At nakita ko na ang tinitingnan nila ay si Drew na kasalukuyang nakatingin sa paligid ng mga taong nakatingin rin sa kanya. Tumingin rin sila sa akin at binigyan nila ako ng tinging katingin-tingin kapag tiningnan mo sila.

Pain ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon