Sige na nga sasabihin ko na sa kanya.

“Tinanong kasi ako ni Daniel kagabi kung pwede ko ba daw ba siya bigyan ng pagkakataon” Sabi ko dito. Pero bigla siya natahimik pero agad naman siya tumingin sakin.

 

“Binigyan mo ba?” Umiling ako.

 

“Hindi pa ako sumasagot. Nung tinanong nya kasi yun nafreeze ako. Sabi niya pag isipan ko daw handa na niya hintayin ang sagot ko” Sagot ko dito. tapos natahimik nanaman siya.

 

“Huy Albie!”

 

 

 

“Mahal mo pa ba siya?” Napatigil ako sa tanong nya. Oo mahal ko pa si Daniel pero bakit nung siya ang nagtanong bakit para may iba? Hindi ko maintindihan. Para nahihirapan ako sumagot. Sasagot na sana ako ng may tumawag sa kanya.

“Albie?” Lumingon siya. Tumayo para mag manly hugged.

 

“Jaye bakit nandito ka?” Tanong ni Albie. Pamilyar siya eh saan ko nag ba siya nakikita?

“Kath this is Jaye. Jaye Francisco” Lumapit siya sakin at bumeso.

“Hi I’m Kath. Kathryn Bernardo” Sabi ko dito. At ngumiti siya.

“Tama nga yung kaibigan ko ‘to maganda ka” Ngumiti lang ako. Akalain mo sinasabi pala ni Albie maganda ako. Eh kanina lang iniinis nya ako. Umupo din sa table namin yung Jaye.

“Alam mo yung look familiar.” Sabi ko dito.

“Siguro na nakikita mo ako sa TV”

 

 

“TV?”

 

 

“Artista siya Kath. Nakatrabaho ko siya dati”

 

0_0

“Katrabaho? Artista?”  Naguguluhan ko tanong.

 

“Yes. Katrabaho ko siya dati. Hindi niya ba nasabi sayo na siya si Albie Casino  ang sikat na killer smile heartthrob noon?” 0_0

 

“A-artista ka dati? Bakit para hindi mo nabanggit yan?”

 

 

 

“Nagtanong ka ba? Tska hindi naman na kailangan sabihin matagal naman na yun eh” Sagot niya sabay inom ng coffee.

Kaya pala nung nasa EK may mga nagpapapicture sa kanya. At naalala ko na ito Jaye. Eto yung patay na patay si Ayara nung nanunuod kami minsan ng TV. Infernez pogi talaga si Jaye. Mamaya tatawagan ko siya para inggitin.

“Ah okey. Pero bakit noon? Bakit ka nga stop?” Natahimik sila dalawa sa tanong ko. Teka may mali ba sa tanong ko?

“Bro I’ll have to go. Sige nice to meet you Kath” At tumango na lang ako. Bakit para iniwasan nila sagutin ang tanong ko.

“Albie?”

 

 

“What?”

 

 

“Ano nga bakit?”

 

 

“Wag na natin pag usapan please? Kumain ka na lang” Tumango na lang. Mukha masyado malalim ang dahilan kung bakit hindi niya masabi.

Kaya hinayaan ko na lang.

Daniel’s Pov

Aish! Kanina pa ako nagtataype dito pero puro kath ang natatype ko. Kung bakit kasi bigla bigla na lang lumalabas sa bibig ko yung tanong na yun eh. Kainis! Hindi ko tuloy alam kung anong tumatakbo sa utak nya.

Pero seryoso ako sa tanong na yun. Na kung pwede wag na lang namin ituloy yun. Pero hindi siya nakasagot kaya sabi ko sa kanya. Hindi ako nagmamadali sa sagot niya.

Pero bakit para kinakabahan ako? Aish Daniel!!!!!!!

Tumayo muna ako dahil hindi na ako mapalagay sa pagkakaupo. Hanggang sa para nahihilo na ako. Umiikot ang buong opisina ko. Napaupo ako sa upuan na katapat ko.

 

“DANIEL?!”

 

 

“Kath..”

 

Then everything went black again.

------

Author’s Note

Kaloka naman ang comments nyo sa last chapter. Haha eh ayan hindi pa daw sumasagot si Kath. Tingin yo sino yung tumawag kay Daniel bago siya mahimatay? Ang makahula. Maganda haha! ☺

Maiksi ngayon kasi next chapter ang mahaba! Haha

Clue: Start

Comment!!!! Malay nyo mamaya ulit hihi ♥

-bakedmac(@imcheenajavier)

Hasty Decision (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon