Chapter 26 Like Bestfriends

24.1K 730 47
                                    

"I cannot lose you, because if I ever did I'd have lost my bestfriend, my soulmate, my smile, my laugh, my everything."

Hailey POV

Nagpunta ako kina tita Alex pagkatapos ko maihatid si Stef sa bahay nila para muling ipaalam sa kanya yung chopper na gagamitin namin ni Stef sa darating na Sabado.

"Hey Taz!" Bati ko sa kanya ng makita ko siyang pababa ng hagdan nila hawak hawak yung cellphone niya.

"Hailey!" Nakipag fist bump siya sa akin. "What brought you here?"

Nakatayo kami sa base ng hagdan nila. "Gusto ko sana makausap si tita Alex, andiyan ba siya?"

"Nasa taas." Sabay turo sa second floor ng bahay nila. "Why?"

"Ipapaalam ko ulit sa kanya yung chopper niyo. Nakausap ko lang kasi siya through phone." Tugon ko naman.

"Ah yun ba?" She uttered. "Okay na yun! Tsaka naisabi na din naman ni ate Jaz sa kanya nung Linggo pa yata yun."

"Speaking of your sister," Naalala kong bukas ng hapon na pala yung kasal nila ni Chyler. "Bakit biglaan naman yata yung kasal nila?"

"Sshhh." Taz hushed me. "Lika dun tayo mag-usap." Sabi niya at hinila ako sa kamay papunta sa likod ng bahay nila sa may gilid ng pool.

"Nakakapagduda naman bakit bigla bigla silang ikakasal na." Sabi ko ulit ng nasa pool na kami at siguradong wala ng ibang mamakarinig ng pag-uusapan namin.

Umupo siya sa may beach chair at sumunod naman ako sa kanya dun sa kabila niya at magkaharap kaming nakaupo.

"All I know is, may kondisyon yata si mama kay pulis patola kaya inalok niya ng kasal si Remooji." Mahinang sabi ni Taz sa akin.

Napakunot noo naman ako sa narinig. "Ano naman yun?" Clueless na tanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat siya. "Sila lang naman ang nakakaalam." Sabi niya. "Pero sabi ni mama malalaman ko na lang daw yun pagdating ng panahon."

Pinagmasdan ko naman siyang mabuti. "May binabalak ka na naman ba laban sa future sister in law mo?"

"Wala!" Agad na sagot niya pero may duda ako dun. "Tsk, believe me. Pinagsabihan na ako ni Remooji na wag ko gagalawin si Detective."

"Detective?" Ulit ko naman.

"Oo, na promote na siya bilang Detective." Tugon niya.

Natawa ako ng mahina. "Naku mag-ingat ka na ngayon Taz sa kanya, lalo na kung may binabalak ka. Detective na pala eh."

Napaismid siya. "Kaya nga mukhang malakas ang pang-amoy eh."

Inabot ko naman yung balikat niya tsaka tinapik tapik iyon. "Tsk, okay lang yan. Nandito pa naman ako eh." Sabi ko sa kanya ng makita ko yung lungkot sa mga mata niya.

"Syempre wala na 'kong aasarin dito sa bahay kapag kinasal na si Remooji." Napalabing sabi niya.

"Sus! Pwede mo pa naman yun asarin kahit kasal na. Ate mo pa rin naman siya eh." Alo ko sa kanya.

"Pero gustung gusto ko talaga sapakin yung Chyler na yun." Saad niya.

"Kailan mo ba balak?" Sakay ko naman sa kanya.

"Pagkatapos ng kasal?" Ganting biro niya sa akin.

"Sige." Sagot ko naman tsaka nagkatawanan na kami at nag apir.

Para talaga kaming mag-bestfriend nitong si Taz. Kasama ko sa lahat ng kalokohan.

"Naisip kong isama ka sana sa bakasyon namin ni Stef tapos isasama na rin namin sana si Spencer kaya lang grounded ka pa naman." Sabi ko sa kanya. "Hanggang birthday mo pa pala na grounded ka." Dagdag ko pa na may himig panunukso.

Montalban Cousins: New Generation Series - HaileyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon