Chapter 18 Her

27.2K 774 64
                                    

"Somewhere between all our laughs, long talks, stupid little fights, and all our lame jokes. I fell in love."

Hailey POV

I'm happy because I have formally introduced Stephanie as my girlfriend to Montalban family. And I love the feeling that she's happy meeting them for the first time. Kahit medyo nahihiya siya.

"Eat your food." Bulong ko kay Stef habang magkatabi kaming nakaupo sa harap ng dining table at kumakain ng pananghalian.

Nagbaling siya ng tingin sa akin at ngumiti.

"Sa MGU ka din ba nag-aaral, hija?" Tanong ni tita Danielle sa kanya.

Nag-angat ng tingin si Stef at tumingin kay tita Dani. "O-opo, tita." Magalang na sagot niya na may kasamang tipid na ngiti sa labi. "Actually, scholar po ako ng Montalban Foundation."

"Really?" Parang nasiyahang sambit ni mama Ana.

"Opo." Nakangiti ng sagot ni Stef.

"Akalain mo yun?" Sambit ni mommy Abby. "May pumatol sayong matino?" She joked.

"Mommy naman!" Reklamo ko sa kanya.

Natawa lang naman sila sa remarks na iyon ni mommy Abby ko.

"Mga matatalino lang talaga nakakapasa sa examination for scholarship ng Montalban Foundation." Saad naman ni tita Ara.

Bago ka kasi ma-qualify bilang isang scholar ng Montalban Foundation, kailangan mataas grades mo nung high school at dapat din makapasa ka sa qualifying examinations na ibibigay. Na ayon na rin kina tita at mommy ay mahirap daw talaga. Worth it naman kasi sagot lahat ng foundation yung lahat ng babayaran mo sa MGU at may monthly allowance pa. Pati uniforms yata din sa foundation manggagaling.

"Yup, that's true." Sang-ayon ni tita Alex sa tinuran ng asawa.

"Nasa section A nga siya ngayon." Dagdag ni Ashley na kay Stef nakatingin.

Nahihiyang ngumiti naman si Stef sa kanya. Alam kong di ako dapat makadama ng selos pero, anong magagawa ko kapag nalaman mong ultimate crush ng girlfrien mo yung pinsan mong alam mong nakakaangat ang qualities sayo?

I don't tend to get insecure but right now, with the looks and shy smile Stef is giving to my cousin Ashley? I am so insecure!

"That's why I'm so proud of her." May pagmamalaking sambit ko saka hinawakan yung kamay ni Stef na nasa ibabaw ng lamesa.

"Ehem." Tumikhim naman si Taz na nakaupo sa tabi ng kapatid niyang si Jazmine. "I smell something fishy." Makahulugan niyang sabi na may pilyang ngiti sa akin.

"And how can you say that, huh?" Tuya naman sa kanya ng kapatid.

"Wala lang." Ganting sabi naman niya kay Jaz.

"Manahimik ka na nga lang diyan." Sabay irap na sabi ni Jaz sa kanya.

"Nasa harap kayo ng pagkain ha?" Saway sa kanila ni tita Alex at agad naman silang tumigil na dalawa. Takot sila kay tita Alex eh.

Naiiling na lang ako na nagbalik sa pagkain. 'Tong dalawang magkapatid talaga na 'to kahit saan.

The rest of it was just fine. Naging masaya naman ang pananghalian namin. At gaya ng nakagawian na, nag-usap usap at kwentuhan na naman silang magpipinsan. Habang kaming mga next generation ay nagtungo sa veranda sa taas na bahagi ng bahay at dun naman nagkwentuhan.

"Cous." Mahinang tawag sa akin ni Taz ng nakasandal kaming pareho sa railings habang sina Jaz, Ashley at Stef ay nakaupo sa may bakal na upuan na nakapalibot sa pabilog na lamesita.

Montalban Cousins: New Generation Series - HaileyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon