Chapter 11 I'm Her First

34.8K 884 86
                                    

"She'd rather fight you than love anyone else."

Hailey POV

Maaga akong gumising kinabukasan para sunduin si Stef sa bahay nila at sabay na kaming pumasok sa school. Nagtataka pa sina mommy ba't ang aga ko daw yata ngayon. Sinabi ko na lang sa kanila yung totoo na susunduin ko si Stephanie.

"Ehem..." Tikhim ni mommy Abby saka nakangiti sa akin ng makahulugan ng nagpaalam akong papasok na. "Kayo na ba?"

Napangiti ako sa kanya ng malapad. "Sort of."

"Hailey, ha?" May himig pananaway na sambit ni mama Ana sa akin. "Tama ng pagiging playgirl."

"Ma..." Lumapit ako sa kanya saka malambing siyang niyakap. "I'm serious with Stef." Saka kumalas sa kanya ng yakap.

Napangiti siya sa akin. "Siguraduhin mo lang. Hindi maganda yung nagpapaiyak ka at pinaglalaruan mo yung feelings ng iba." Paalala pa niya sa akin. "Wag ka tutulad diyan sa mommy mo." Natawa ako sa pahabol ni mama.

Si mommy Abby naman napakamot sa ulo. "Hon, naman ba't nasali ako diyan?"

Hindi na sumagot si mama sa kanya at ngumisi lang. Humalik na ako sa pisngi nila at umalis na ng bahay. Tamang tama naman yung pagdating ko sa kanila dahil papalabas na sila ng bahay. Agad akong lumabas at binati yung inay niya na masaya ding binati ako.

Pinagbuksan ko si Stef ng pinto. Si Shareen sumakay sa backseat. Sinabi ni Shareen sa akin kung saan siya nag-aaral at dun ko siya ibinaba.

"Did you sleep well last night?" Tanong ko kay Stef na nasa labas ng bintana ang tingin.

"Hindi. Ang sama ng panaginip ko." Sagot niya sa akin ng bumaling siya.

"Ha?" Kunot noong sumulyap ako sa kanya. "Ano ba napanaginipan mo?"

"Hindi ano, kundi sino." Sabi pa niya. I looked at her clueless. "Ikaw."

Iginilid ko yung sasakyan saka huminto.

"Bakit ka huminto dito?" Takang tanong niya sa akin.

"Pinagloloko mo ako eh." Sagot ko na nasa kanya ang buong atensyon ko.

"Hailey, male-late tayo sa school." Reklamo niya sa akin na tiningnan pa yung suot niyang relo.

"Sagutin mo kasi ako ng maayos." Pormal na tugon ko.

"Ano bang gusto mo?" Parang yamot na tanong niya sa akin.

"Ikaw." Walang kagatul-gatol na sagot ko sa kanya at nakatingin lang ng diretso sa mga mata niya.

Napakurap-kurap siya at hindi malaman kung anong isasagot sa akin. Napansin ko din siyang napalunok.

I grabbed her head and kissed her. Kanina ko pa yun gustong gawin... ang halikan siya. I moved my lips and she did the same. I smiled between our kiss. Tinutugon na niya ako agad ngayon.

Yesterday was incredible. It's indescribable. Though at first she was shocked by my actions but she reciprocated afterwards. Naging responsive siya sa akin sa kama kahit na nung una'y nasasaktan siya sa pagpasok ko. Pero kusa na siyang gumagalaw at sinasabayan ako pagkatapos.

I am happy. Because I am her first.

"Hailey..." Tawag niya sa akin pagkatapos kong pakawalan yung labi niya. "Male-late na tayo sa school." She said in a shaky voice.

Muli akong nagdrive papuntang school. Inalalayan ko siyang bumaba pagkadating namin dun. I took her hand and hold it tightly habang naglalakad papasok sa building niya. Pinagtitinginan kami ng mga ibang estudyante habang naglalakad sa hallway. Pilit binabawi ni Stef yung kamay niya pero di ko siya pinayagan.

Montalban Cousins: New Generation Series - HaileyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon