Chapter 1 Meeting the General

56.9K 1.1K 119
                                    

"No one falls in love by choice, it's by chance. No one stays in love by chance, it's by work. No one falls out of love by chance, it's by choice."


Stephanie "Stef" Dela Cruz POV


"Ate Stef gising na!"

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko yung tinig ng nakababata kong kapatid na si Shareen.

"Asan ang sunog?" Gulat na gulat na sambit ko at nanlalaki pa yung mga mata ko. "Nasan?"

"Ate, walang sunog!" Napakamot pa ito sa ulo habang nakatayo siya sa may paanan ng kama ko.

"Shareen naman eh!" Reklamo ko. "Kung manggising ka ng tao parang may sunog!" Saka pabagsak na humiga sa kama.

Naman malapit ko ng makiss si crush eh. Konting konti na lang magdidikit na yung lips namin. Tsk panira ng moment talaga itong si Shareen.

"Nay, si Ate oh natulog na naman!" Sigaw niya.

Napabangon na naman ulit ako saka mabilis na tinakpan yung bibig niya gamit yung kamay ko.

"Heto na nga o gising na!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata.

Nagsasalita siya kaya lang di ko maintindihan dahil nga natatakpan pa yung bibig niya gamit ng kamay ko.

"Ano?" Tanong ko ng tinanggal ko yung kamay ko sa bibig niya.

"Sabi ko male-late ka na!" Sabay turo sa orasan sa lamesita sa tabi ng kama ko.

Automatic naman na sumunod yung mga mata ko sa itinuro niya. Mag aalas syete na ng umaga! Shit male-late na nga ako! Eight thirty yung unang subject ko.

Daig ko pa si Flash na kinuha yung tuwalyang nakasabit sa may dingding ng kuwarto ko at patakbong bumaba ng hagdan sa may banyo sa may kusina.

"Hayan na nga ba sinasabi ko sayo, Stephanie. Agahan ng gising lalo na't first day of school!" Sermon sa akin ni inay ng makita ako.

"Good morning 'nay." Bati ko na lang sa kanya bago ako pumasok sa banyo at naligo na.

Ang bilis ko naligo. Wala pa yatang fifteen minutes. Tapos nagbihis na ako ng bagong bili kong skirt at tsaka nung pink na tank top na papatungan ko ng half body jacket. Aba! Pinag-ipunan ko kaya itong bilhin.

Hindi naman kasi kami mayaman, pero sadyang maganda lang kasi ako.

Anong koneksyon? WALA!!!

Namatay yung tatay namin ni Shareen three years ago. Nagtubig kasi yung baga niya. Dati kasi siyang construction worker, kaya naman si inay ang mag isang nagtataguyod ng pag-aaral namin ng kapatid ko. Buti nga nakuha akong scholar ng Montalban Foundation at sa prestisyosong unibersidad pa nila ako mag-aaral, isang eksklusibong eskwelahan para sa mga babae. Pangarap ko talagang makapag-aral dun kasi nandun yung crush ko.

Hay!!! Maisip ko pa lang na maaari ko siyang makita today, kinikilig na ako. Haist... yung blue niyang mga mata... yung ganda nung mukha niya... those kissable lips...

"Ate!"

"Ay kabayo!" Nagulat na naman ako.

Hinampas ko nga siya sa braso. Nakabihis na din pala ito ng uniform. Grade 10 na kasi siya. Ako buti na lang di ko naabutan yung K12.

"Eh paano nag de day dream ka pa diyan." Saway niya sa akin.

"Panira ka talaga ng moment kahit kailan!" Asar na turan ko.

Montalban Cousins: New Generation Series - HaileyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon